T H R E E

13 2 0
                                    

Pagkababa ko ng sasakyan ay tinignan ako ng lahat sa parking lot. Nakita ko rin na kakarating lang ng apat. Lumapit ako sa kanila at agad akong inakbayan ni Cohen, "Pogi mo pre ah? Sinong iddate mo ngayon?" agad kong inalis ang pagkakaakbay nito. 

"Oo nga, Keefe. Parang may ganap. Hindi ka naman ganyan manamit kapag Valentine's ha? Last year nga 'di ka umattend." sambit naman ni Jheen.

"Baka tinatago lang ni Keefe pero may jowa na yan," sambit naman ni Miggy. Himala hindi hawak ang cellphone. Hayden just smirked. Nakikisabay na rin sya? Ha!

Mga walangya.

"Nabakla ka naman kay Keefe, Coheng," napatingin ako sa nagsalita. Papalapit si Marge sa'min. Nakabandana ito ng kulay puti ngunit naka-itim ito na tshirt.

Inasar rin ni Jheen si Cohen. Nabatukan tuloy.

"Buti naman hindi ka nakaputi ngayon," sambit ni Miggy. Inirapan lang sya ni Marge at saka binalingan ng tingin si Hayden, "Hoy pareng Hayden, wala ka ba talagang liligawan? May kaibigan ako nagkakagusto sa'yo. Baka pwede mo namang i-date." 

"Nah," Hayden casually said. 

"Hayden pwede ka ng pumalit sa yelo, sa sobrang lamig mo," sambit pa ni Jheen. Binalingan ko ng tingin si Marge, at nakatingin na rin ito sa'kin. "Ganda ng porma natin ngayon ha. Who's the lucky girl?" she teased.

I just never mind what she said and changed the topic, "Wala kayong pasok half day?" I asked.

"Uh-- meron," napatingin ito sa relo nya, "Shet, late na 'ko!" tumakbo na ito at ang tanging nakapagpaalam lang ay si Jheen. Mas maaga kasi ang start ng klase nila sa'min kaya sinabi ko. Para mawala na rin ang tanong nya sa'kin. Nagsimula na rin kami maglakad at sinabayan ako ni Hayden.

"Keefe, palinawin mo nga ang isip ni Miggy. Lilipat raw ng eskwelahan para sa mag-iisang buwan nyang bebe." sambit ni Hayden.

"Weh? Go lang pre. Sasagipin ka naman namin kapag nasaktan ka na," I jokingly said. Walangya talaga 'tong si Miggy. Kapag 'to nasaktan uli wag na wag syang magtatawag ng inuman. Mahirap pa naman ngayon dail galit sa'kin ang tatay ko.

"Balak ko ring umalis eh," sambit ni Jheen. Alam naming nagloloko lang ito kaya't di na namin pinansin pa. Binatukan lang uli sya ni Cohen, "subukan mo."

Lakas ng platonic love ni Cohen kay Jheen. Payag naman ako kung sila ang magkatulutan. Tumawa na lang ako sa sarili kong iniisip.

Nang makarating kami sa room ay pareho lang halos lahat nag magandang umaga pwera kay Ms. Treasurer na mainit parati ang dugo sa'kin. I can't wait for the news na tumanda ito ng dalaga. Pero magugulat talaga ako kung may papakasalan ito. Sana lang imbitado ako.

Umupo na ako sa tabi ni Hayden. Mga ilang minuto pa ay dumating na ang unang teacher at pagkatapos ng apat na oras ay natapos na ang klase.

Ang ibig sabihin ay start na ng program. I know it's a high school thing kapag may ganap sa Valentine's pero ibahin mo ang school na 'to. College na kami pero may ganto pa. Which is fun for the rest of the class kasi binibigyan talagang daan ang mga gantong programa. 

Nasa field ako ngayon. Nakaupo. Nag-aantay na may pumiring at dadalhin na ko sa marriage booth kung saan naroon si Anon.

Napatingin ako sa paligid. Maingay ito at lahat ng tao nakaporma. May mga couple na naglalakad at naglalandian. Full of roses and shit. Geez.

"Hey," napatingin ako sa nagsalita. It's Kayeen. Umupo sya sa tabi ko.

"Bat mag-isa ka? Sayang porma mo brad," she said.

"Ah wala, hindi ko naman talaga gusto puntahan 'to kaso--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang dumating si Miggy at Jheen.

"Don't tell me Keefe?" panimula ni Jheen sa'ming dalwa ni Kayeen.

The AnonWhere stories live. Discover now