T W O

20 1 0
                                    

OMG?!
4:36 am

Pagkagising ko ay agad kong binuksan ang phone ko at 'yan ang unang mensaheng bumungad sa akin. Napasapo ako sa aking noo dahil medyo bangag pa 'ko. I slept waiting for her reply!  Last night she left me on read, curious and frustrated.

typing..

typing..

Inis kong binato ang aking cellphone at kasabay no'n ay ang sunod sunod na message. Bahala s'ya dyan. Wala ako sa mood ngayong umaga.

Napahikab ako at hindi na lamang iyon pinansin bago dumeretso sa banyo para maligo. Umagang-umaga, bad trip ako. Basta naiinis ako. Walang kwenta kausap.

Matapos ang lahat ng dapat kong gawin, bumaba ako papuntang kusina ngunit naabutan ko kaagad si Dad na nakaupo sa sala kaharap ang kanyang laptop at inumin—chamomile tea.  Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya at hindi naman ako yung tipong mahilig bumati ng good morning kaya dumeretso na lamang ako sa pakay ko. Ngunit agad ding napatigil ng tawagin nya ako gamit ang strikto nyang boses. It's natural to him pero yung kaba at pagka-ilang na nararamdaman ko ay hindi pa rin nawawala.

"How's your school?" Okay pa naman 'yung school, yung anak nyo hindi. I said at the back of my head. 

Lumingon ako sa gawi nya bago bahagyang lumapit dahil pinaka ayaw nya sa lahat ay ang hindi humaharap sa kanya kapag kinakausap.

"It's fine, dad," maikli kong sagot.

Bahagya syang tumango at kasabay no'n ay ang pagpasok ni Mama galing sa kusina.

"Keefe!" Agad akong nailang ng yakapin nya ako. Hindi ako sanay sa presensya nila sa umaga. "Good morning!" ani nya bago hinalikan ang aking pisngi.

"Let's eat, I was about to call you upstairs," magaang ngiti nya sa akin,"hon, let's go," tawag nya naman kay Dad.

Hindi ko maipaliwanag yung inis at kaba na nararamdaman ko dahil hindi ako kumportable. Siguro'y hindi lamang ako sanay sa presensya nila dahil bihira lang ang ganitong pagkakataon na magkakasabay sabay kaming kumain.

At sa ganitong sitwasyon, alam ko na ang karaniwang nangyayari. It's either they will pressure me, talk about my performance in school, compare me to their business partner's son, or tell me who and what I should and shouldn't be.

Kakalagay ko pa lamang ng pagkain sa plato when dad started to fill the awkward silence that only me can feel.

"Are you getting along with Mr. Cruz's son?" he asked, pertaining to Hayden. Pinaka-close kasi ang pamilya namin sa pamilya nya dahil sila ang kadalasang nagkakasundo about company matters.

"Yes,"

Tumango lamang sya habang nanguya. Hindi ko maipaliwanag bakit nya ako pinipilit na makipag close lalo na kay Hayden. Even though he likes it or not, me and Hayden were friends. He doesn't have to convince me with that if ever or choose whom should I get along.

"My business partner's son is part of the dean lister. Balita ko, he wants to take law," panimula uli ni dad.

"Wow. Really? If I am his parent, I'll be so proud," my mom's said obliviously while smiling. Pero agad syang tinignan ni Dad marahil kaya ako kaagad ang binalingan nya ng tingin. "What about you, Keefe? I'm expecting that you'll also take law after earning your bachelor degree, right? Maganda rin na maalam ka sa law sa to handle our company better."

Napayuko ako sa platong kaharap ko. Parang nawalan ng gana. Here comes their expectations.

"Keefe," my dad's stern voice. "I want you to persuade Hayden to not take law and shift from his course. Make him lose his name in the dea—"

The AnonWhere stories live. Discover now