"Will you be my girlfriend?" Nakalagay yun sa isang malaking trapulin na hinahawakan ng mga kaibigan ni Jake. Si Jake naman ay nakatayo sa rigt side nung malaking tarpulin holding a boquet of roses.
I'm the luckiest girl in the world at nakilala ko si Jake. The most handsome, kind and a very loving guy.
Jake is my friend and I love him pero ngayong araw na to magtatapos ang pagiging magkaibigan namin because starting today he'll be calling me as his . . . .
Bestfriend.
Yeah, his best friend. Hindi para sa akin yung malaking tarpulin at boquet of roses. It was for Sarah, the girl he loves at para sagutin ang tanong nyo kung papaanong magiging bestfriend na ako ngayon ni Jake, sakin lang naman nanggaling yung idea ng pagpopropose nya kay Sarah. I'm from the drama club kaya sa akin nya naisipang humingi ng tulong and I helped him kaya heto ako ngayon at pinaninindigan ang pagiging drama club member ko.
Nandito ako ngayon sa isang storage room ng school, mula rito ay kitang kita ko ang nangyayaring pagpopropose ni Jake kay Sarah.
Habang naghihiyawan at tuwang tuwa sila dun sa baba ako naman ay humahagulgol na dito.
Sobrang sakit lang na malamang wala ka nang pag asa dun sa taong mahal mo. I've loved him for three years and I've waited for him to feel the same way but it was all wasted.
"You shouldn't have helped him kung iiyak ka rin naman pala." And yes, I wasn't alone in this room. Kasama ko dito ang tamad na president ng student council at walang ginawa kundi matulog na Si Tristan. I didn't know na nandito sya kanina nung pumasok ako kasi hindi ko naman sya nakita, nalaman ko lang na nandyan sya nung magising sya dahil sa malakas kong pagngawa. He was a friend of Jake kaya nga nagtataka rin ako kanina kung bakit wala sya dun sa baba at mas pinili nyang matulog dito.
"Shut up and mind your own business." pagtataray ko sa kanya, kanina pa kasi yan nagko-comment na dapat eh ganito dapat ganyan, hindi daw dapat ako umiiyak dahil wala naman akong karapatan. Bakit ba? Masama bang umiyak kapag nasasaktan ka? porque ba wala kang karapatan hindi ka na pwedeng umiyak?
"Kung ayaw mong pinapakialaman ka then you shouldn't have came here, because this place is cursed." Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.
"Cursed?"
"Alam mo ba kung ano ang sumpa ng kwartong to?" sabi nya.
"Ano?" tanong ko.
"Lahat ng pumapasok sa kwartong to ay nagiging akin."
Napatitig ako sa kanya ng sandali at saka tumawa.
"Ang corny mo." I said between my laughs.
"Corny na kung corny but starting this day, you're mine." sabi nya then head out of the room.
Loko-lokong yun lakas din makagawa ng kwento eh.
Naiiling na lang ako pero naiyak ako uli nung marinig ko yung cheer ng mga tao dun sa baba. I know para na akong baliw dito na iyak tawa pero ganun talaga siguro kapag nagmamahal ka, hindi mo maiwasang magmukhang tanga.
##############################
Isang linggo na ang lumipas at sa loob ng isang linggong yun nasaksihan ko kung gaano ka sweet sila Sarah at Jake. Hindi na ako masyadong umiiyak ngayon di tulad nung mga naunang tatlong araw na tuwing nakikita kong magkasama si Jake at Sarah eh hindi ko maiwasang hindi magtatakbo palayo para maghanap ng lugar kung saan ako hahagulgol ng iyak pero hanggang ngayon eh nasasaktan pa din ako.
Kung gaano ko naman kadalas makita si Jake at Sarah, hindi ko naman mahagilap ngayon si Tristan. May ipapa approve akong mga papeles sa kanya ngayon para sa drama club pero hindi ko mapapirmahan sa kanya dahil walang nakaka alam kung saang lupalop ng school sya naroroon.
"Ouch." daing ko dahil may nagtulakan sa likod ko. Nung lumingon naman ako sa kanila ay parang bigla silang natakot at nagsitakbuhan sila palayo.
Anyare?
Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paghahanap sa bruhong student council president namin.
At hindi ko alam kung bakit pero dinala ako ng mga paa ko sa isang room sa pinakadulong pasilyo ng main building.
I knocked three times tapos kusang nagbukas yung pinto making a creepy sound.
"Uhh. . . . Tristan?" tawag ko at sumilip ako dun sa loob. Sobrang dilim dun at nakakatakot pero kahit na ganun eh tumuloy pa rin ako sa loob.
"Tristan nandito ka ba?" At hindi ko din alam kung bakit hinahanap ko sya sa ganitong klaseng lugar.
Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko at yun ang ginawa kong ilaw. Tiningnan ko ang paligid at nakakita ako dun ng isang pinto.
Naglakad ako palapit dun sa pinto and as I go nearer nakakarinig ako ng mga taong nagsasalita. Nagkaroon tuloy ako ng urge na buksan yung pinto and before I could even stop myself, nabuksan ko na ng tuluyan yung pinto.
"Whoa, you're right! she did find you." dinig kong sabi ng isang lalaki pero dahil sa sobrang liwanag sa loob at galing ako sa madilim na lugar nahirapan pang mag adjust yung mata ko sa liwanag.
Nung ok na yung mata ko, unang una kong nakita si Tristan na nakatingin sa akin. Nakaupo sya sa isang upuan na mukhang trono ng isang hari at naka decuatro pa sya. He sits like he owns everything.
Inilibot ko ang aking paningin. Maganda sa loob ng kwarto, sobrang laki nito and it was oozing with royalty and it looks like Tristan is the king.
Sa ibaba ng trono ni Tristan ay may dalawang malaking sofa na magkatapat sa pagitan nito ay isang may kahabaang center table. Sa sofang ito nakaupo ang anim na lalaki, they are all good looking at nakatingin sila sa akin.
"Uhh. . . hi?" awkward na sabi ko. Mukha kasi akong others kahit na naka uniform din naman sila, alam nyo yun parang galing sila sa ibang universe kasi ang gu-gwapo nila. . . at Oo kahit na ayokong aminin gwapo din talaga si Tristan, kaya nga maraming patay na patay dyan eh. Snobber nga lang sya kaya hindi sya nalalapitan ng mga babae sa school di tulad ng Jake my labs ko na sobrang bait kaso nga lang may girlfriend na sya huhuhu.
"Did you miss me Saphira?" naka smirk na sabi nya.
"Ikaw mami-miss ko? In your dreams!" Agad na sagot ko. "By way, tatlong araw na pala kitang hinahanap dahil hihingiin ko ang approval mo para sa play na gagawin ng drama club." Sagot ko sa kanya.
"Haisst. . pirma nanaman."sabi nya sabay tayo sa trono nya at lumapit sa akin.
"Anong play ba ang gagawin nyo?" tanong. nya sabay kuha sa akin nung mga papeles.
"Sleeping beauty." sagot ko naman habang nakatitig dun sa papel na ang tagal nyang pirmahan. Pano ididikit nya yung ballpen tapos iaangat nya uli, parang nagdadalawang isip pa sya na pirmahan yung papel.
"Sleeping beauty? Ang boring naman! wala na ba kayong maisip na ibang play na mas exciting?" sabi nya at tuluyang inilayo ang dulo ng ballpen sa papel na pinapapirmahan ko.
"Haist! Ang arte mo naman! pirmahan mo na lang!" inis na angil ko sa kanya. Ang arte naman kasi!
"I don't like that play kaya mag isip kayo ng iba." sabi nya sabay crumple nung mga papel na pinapapirmahan ko sa kanya at ini-shoot iyon sa basurahan.
Napaka walang hiya talaga eh!
"Bakit mo ginawa yun!" Tumakbo ako papunta dun sa basurahan para kunin yung papel at pilit na binabalik sa dati ang itsura nun.
"Wala tayong kikitain sa play nyong iyon at saka alam na nilang lahat ang kwentong 'yon kaya siguradong mabobore lang din ang mga manonood. Think of something new hindi yung mainstream." sabi nya sabay balik dun sa trono nya.
"At bago ko pala makalimutan, may date tayo bukas."
Nag hang pa ng ilang segundo yung utak ko. tsaka nag sink in sa akin yung sinabi nya.
"WHAT?!?"