Chapter four

333 18 1
                                    

Pinag uusapan pa din sa school ang kakornihang ginawa ni Tristan dun sa court kaya tuloy yung mga secret fans nya ang sama na ng tingin sa akin at yung iba naman parang lalong na-inlove kay Tristan.

Well kung tinatanong nyo kung nasaan si Tristan, hindi ko rin alam. Dalawang araw na syang wala dito sa school at pasalamat na lang ako at walang naglalakas loob na saktan ako. Sa pagkakaalam ko kasi may pagka war freak yung mga fans ni Tristan eh.

"Saffy!"

"Oh Jake, kamusta?"

"Ok naman." Nakangiti nyang sagot. "By the way, may natanggap nga pala akong sulat galing sa drama club." Sabay kuha ng papel sa likurang bulsa ng pants nya.

"Ahh yan ba? Gusto kasi ni Tristan na ikaw ang gumanap na Eros dun sa play eh."

"Eros? No . . . hindi naman si Eros ang nandito eh kundi Psyche. I'll be playing the role of psyche."

'Ha? Patingin nga!" Kinuha ko sa kanya yung papel at tingnan iyon.

Si Psyche nga yung Character role nya.

"Baka naman typographical lang yan."

"Really? Sana nga." Sabi nya na parang nakahinga ng maluwang.

"Don't worry tatanungin ko sya about it para maiayos natin."

"Thanks Saffy! You're the best! Kaya mahal na mahal kita eh." He said then hugged me.

Napangiti ako then I hugged him back. Ako na siguro ang pinaka masayang tao sa buong mundo if he meant it the way I wanted it pero alam kong mahal nya ako bilang kaibigan lang, and I'm thankful that he loves me kahit sa ganoong klaseng level lang.

Nagulat na lang kami nung biglang tila may humampas sa pinto gamit ang isang stick. Sa lakas nung tunog bigla kaming napakalas sa pagkakayakap.

Tumingin ako sa pinto then I saw Tristan na masama ang tingin sa akin. Bigla akong kinabahan. Teka nga bakit naman ako kakabahan? Psh.

"Jake! Kanina ka pa hinahanap ng mga team mates mo sa court pati nung GIRLFRIEND mo." Sabi ni Tristan kay Jake nang nakangiti at talagang pinagdiinan ang salitang girlfriend sa sinabi nya. He was smiling but I know that he's pissed.

"Ahh ganun ba? sige, Saffy una na ako." Sabi ni Jake sabay tapik sa balikat ko at umalis na palabas ng kwarto, tinapik nya din sa balikat si Tristan bago sya lumabas.

Tumalikod na din si Tristan para umalis pero pinigilan ko sya.

"Ahh Tristan!" Lumingon sya sa akin habang nakakunot ang noo.

"What?" Malumanay pero may diin na sabi nya.

"Ahh T-Tristan . ." okay now I'm stammering.

Nakatingin lang sya sa akin then unti-unting lumambot ang ekspresyon nya.

"What is it Saphira?" Then lumapit sya sa akin. "May papipirmahan ka ba sa akin?" Tanong nya. Agad naman akong napailing.

"Wala yun, yung kanina. Friendly hug lang yun, it . . it doesn't have any meaning." At ngayon nage-explain naman ako sa kanya. Haay naku hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Sigurado ako sa sarili kong si Jake talaga ang gusto ko but now bakit parang natatakot ako kapag tila nagagalit sa akin si Tristan? Siguro nag-guilty ako dahil alam kong may gusto sya sa akin?

"Yeah . ." sagot nya habang tumatango pero parang hindi sya kumbinsido.

"Jake love Sarah so much kaya you can asure na wala akong pag asa sa kanya." And how in the world is that even convincing Saphira? At saka kailan pa naging words of comfort yun?

"I know, hindi naman siya ang inaalala ko eh, ikaw." He said looking straight into my eye. "Kailan ka ba bibitaw sa kanya at mahuhulog sa akin ahh." Seryosong sabi nya. I look away. It's kind of awkward kapag tungkol sa lovelife ko ang usapan eh.

Naihilamos nya ang kamay nya sa kanyang mukha at bumuntong hininga.

"Okay, I'll give you time. Hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mong mahalin ako eh. Hindi ko naman gustong mahalin mo ako dahil napilitan ka lang. Sige I still have things to do." Then he left me there standing. At kapag nang aasar nga naman talaga ang tadhana bigla pang pinatugtog sa campus radio yung kantang pinaka ayokong madinig sa mga oras na ito.

Sino ang pipiliin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O sya bang kumakatok sa puso ko

Okay so talagang dapat tugma yung tugtog sa kwento ng buhay ko ganun? Gahd! Bakit naman kasi ang komplikado? bakit hindi nalang ako main-love sa taong mahal din ako para walang problema di ba? Bahala na nga! Marami pa akong dapat asikasuhin kaya sa susunod ko na lang poproblemahin yung love love na iyan.

Late na ako- as usual sa meeting place namin para sa pag gawa ng mga props ng play. Speaking of play nakalimutan ko nga palang tanungin kay Tristan yung tungkol sa role ni Jake. Mahanap nga muna yung lalaking yun.

"Uhh Steve nakita mo ba si Tristan?" Tanong ko dun sa drama club president namin nung masalubong ko sya habang tinitingnan ang mga gumagawa ng props at paminsan minsang nagpapabago ng mga kulay na gagamitin.

"Nandun! Natutulog." Sabi nya sabay nguso dun sa bench kung saan may nakahigang tao at nakatakip ng dyaryo ang mukha.

Napailing ako. Kahit kailan talaga napaka antukin nitong si Tristan. Naglakad na ako palapit sa kanya. Medyo na-awkward-an ako dahil sa discussion namin kanina sa classroom but what can I do, baka naman magkagulo sa play kapag hindi ko tinanong kung typo lang ba talaga yung nakalagay dun sa play o ano.

Pasquat akong naupo sa tabi niya at unti-unting inangat yung dyaryo na nakatakip sa mukha niya.

Mukhang pagod na pagod talaga siya kasi hindi manlang niya napansing tuluyan ko nang naalis ang nakatakip sa mukha niya. Pinagmasdan ko siya. Mula sa mahaba niyang pilikmata, matangos niyang ilong at pinkish na labi niya. Tinalo pa ang labi ko ng lokong to!

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at kinuhaan siya ng picture. Ewan ko naku-cute-an kasi ako sa kanya at parang napaka bait niya pagtulog haha.

Ilang minuto ko pa siyang pinakatitigan bago ko napagpasyahang gisingin siya.

"Tristan?"

Walang imik. Tulog mantika talaga.

"Psst . . Tristan . . . m-may itatanong sana ako sayo pwedeng gumising ka muna?"

No reaction at tulog na tulog pa din siya. Umalis na kaya ako? Hayaan ko na lang muna siyang matulog baka naman inaantok pa siya dahil sa pagod ng kung ano mang ginawa niya.

Tumayo na ako sa pagkakasquat at akmang aalis na sana nung bigla kong naramdaman ang kamay niyang pumigil sa akin.

"Stay here . . . . don't leave me."

~*~*~*~

A/N: ola dora, lahat ng chikadora. nandito nanaman po ako after how many months na walang update haha may nagbabasa pa kaya nito? Busy busihan kasi ang lola niyo nung nakaraang mga bwan kaya hayan walang update, ngayon na lang uli. Oh sya Kamusta na lang sa inyong lahat! Sa susunod na god knows when update uli. Hehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The King's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon