Mahigit tatlong araw na simula nung nakipag-deal sakin si Jaypee. Tatlong araw na din siyang hindi nagpaparamdam. Tatlong araw na din akong naguguluhan kung ano ba talaga ang namamagitan saming dalawa. Ano na nga ba talaga ang relasyon namin? Mahal ba talga nya ako? Ako lang ba talaga ang nagmamahal saming dalawa? Paulit -ulit ko nang tanong yan, nakakarindi na nga eh. Siguro nga hindi ko na talaga kailangan pang tanungin ang sarili ko, dahil alam ko naman ang sagot eh. Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam. AKO LANG ANG NAGMAMAHAL. Ako lang.
"Sir John, hindi na kita hintayin. Una na po ako sau. paalam ko sa Supervisor ko.
"May sundo ka no? Dalaga ka na si beki hahaha. biro nya pa sakin.
"In my dreams, Sir. HAHAHA. Sige po baka umulan din eh, nafi-feel ng hair ko uulan eh."
"Sige sige, ingat ka. Tatapusin ko pa to. Paalam niya pa sakin.
Pag si Sir John ang nakakaduty ko lagi kami nagsasabay pauwi kahit magkaiba kami ng way. Pinapauna niya muna akong sumakay para nga naman safe.
May kung anong pakiramdam akong hindi ko maintindihan kung ano. Kakaiba eh, parang may mangyayari na hindi ko maintindihan kung ano. Pero nararanmdaman kong hindi maganda ito. Pagkasakay na pagkasakay ko sa bus, sinalampak ko agad headset ko sa tenga ko. Di ko feel pakinggan ang paligid ko. Lalo na katabi ko. Lovers eh, bitter ako. Sa isang banda naiinggit ako, sinundo kasi nung guy ung girl sa work nya. Samantalang ako, naturingang may boyfriend wala man lang pakialam kung nakauwi na ba ako? Ligtas ba ako? o kung buhay pa ba ako. Ni isang text wala eh, 3 days na wala pa din. Simula nung hindi ako siputin sa Jollibee hindi na sya nagparamdam sakin. Naiiyak ako kapag naiisip ko yun, sumabay pa ung tugtog ko sa cellphone ko. Hindi tugma ung kanta sa sitwasyon ko pero ang lungkot ng kanta eh, sarap lang umiyak.
Malapit na ko sa bahay ng maramdaman kong nagvibrate cellphone ko.
From: LalabsJaypee<3
Sorry hindi ako nkpagtext. Sorry hindi ko masuklian effort mo.
Matutuwa ba ako dahil nagtext na sya o malulungkot ako dahil eto ang text nya sakin. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga sinabi niya.
To: LalabsJaypee<3
Naintindihan ko kung busy ka nun. Pero sana nextime kahit isang text sana magawa mo. Hinintay kasi kita nung nakaraan. Maiintindhan ko naman kung busy ka eh.
-
-
-
From: LalabsJaypee<3
You deserve someone better. Last text ko na to.
Hindi ko na napigilan sarili ko. Napaiyak na ko, gusto ko siyang tanungin kung para saan ung deal na yun. Kung para saan ung mga I LOVE YOU na yun. Kung totoo ba lahat ng yun. Gusto kong malaman. Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko na kayang malaman. Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko magawa. Mahal ko sya, mahal na mahal. Naging kami sa text , Natapos din sa text.
-----
Lumipas ang dawalang linggo after ng "Break-Up" namin ni Jaypee, hindi na din sya nagparamdam nun. Pinalitan ko na din name niya sa cellphone ko, Jaypee. Kahit gustong gusto ko, kating kati daliri kong itext sya hindi ko magawa. Magmumukha akong tanga, magmumukha akong naghahabol. Kaya hindi ko na sinubukan pa. Binasa ko na lang yung mga previous conversation namin sa facebook at sa text. Minsan napapangiti ako sa mga sweet text niya, pero kadalasan napapaluha ako sa mga nababasa ko. Naaalala ko yung sakit. Parang kahapon lang nangyari, masakit pa din.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU (sabi nya.. eh kasi lasing)
Short StoryTrue Story. ILOVEYOU (sabi nya.. eh kasi lasing) --- xoxoxoxo