jaypee.. jaypee jaypee !!!

105 1 1
                                    

"Kuya, bayad po MRT lng." sabay abot ng bayad ke manong fx driver. Pagkakuha ng bayad ko bigla syang harurot. Nagmamadali si koya?? ayts bulong ko sa sarili ko. F1 racer daw sya eh, pero infairness naman 15 mins. lang nasa MRT na ko. Ansaya di ako malelate nito.

LalaybsJaypee<3 calling....

 

O_O seryoso tumatawag talaga sya?? 

"Hello?? " sabi sa kabilang line.

"uh, uh h-hello? .. sabi ko na nauutal pa, di kasi ako makapaniwala eh, hindi nya ugaling tumawag, kasi sa tuwing maguusap kami laging sa text lang talga. oh db nakagulat?

PHONE CONVERSATION WITH JAYPEE MALABS:D

J: ui kumusta ka?

E: oh-okay naman, nasa byahe ako ngaun. ikaw?

J: Oh? Ano ba sched mo ngayon?

E: oo eh, 6pm ung time ko ngayon.

J: Anong oras labas mo nyan?

E: bukas pa po, mga 7am. graveyard ako ngayon eh.

J: 12 hours? bakit ang haba naman ng oras mo? 

E: OT ko kasi yung 6pm, pero ung regular sched ko talga is 10pm-7am.. (kinikilig na tlaga ako, kaso ayoko ipahalata, nasa mrt kasi ako :DDD)

J: Ah. sipag aahhh, hehe. Eh nasan ka na nyan?

E: Ah, hehe di naman, ahm, Ortigas station na po ako. ^____^

 J: Hehe, sunduin sana kita eh panggabi ka pala. hehe

E: Ah,hehe ganun ba. Eh di mo naman kasi sinabi eh, haha ( ako na talaga ang kinikilig, tagos sa bones )

J: haha, sige sige nextime na lang pala. Ahm, cge ingat ka sa byahe mo. bye :D

E: Ah, hehe cge cge salamat sa tawag 

J: No prob, bye ulet.

 

call ended.. 

Hanggang sa makarating ako ng office nakangiti pa rin ako. Siguro mukha na akong tanga sa paningin ng iba, ikaw ba naman todo ngiti ka, syempre ako lng naman nkakaalam ng dahilan, Bhala sila basta ako masaya. 

To: LalabsJaypee<3

thanks sa call. :D dito na ko office,

ingat ka po jan :*

message sent !

From: LalabsJaypee<3

Walang anuman. Ingat ka

hindi ko na nagawang magreply dahil sa sobrang kabusyhan, weekend kasi ngayon at dahil walang bangko maraming transactions ngayon. Panay lang ang check ko ng cellphone ko, tiningnan lang ang mga nagtetext sa kin pero di ako nagrereply. Kasi sa tuwing susubukan kong magtext bigla namang magriring ang phone namin dito. 

I LOVE YOU (sabi nya.. eh kasi lasing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon