Break..
Ngayon ay nakapila kami sa canteen para bumili ng pagkain .Mahaba haba pa ang pila kaya wala kaming ibang magawa kundi mag usap na lang.
"Babeeee Tristannn"
"Pogiiii crush"
"My hubby Drake"
"Omg Russell"
"Ang gwappooo niyoooo,lalo na si Dwayne"
"Franceeee and Ethannnn"
Nagulat kami sa mga sigaw na nakakabingi
ng mga babaeng nagtitilian .Dumating na naman ang mga crush ng campus .Pero nagulat ako ng dumami na na sila.
"Ang daming pogiiiii besttttt",aba'y nakisabay pa ang isang to.Napataas ako ng kilay .
Tch!pogi pero mukhang pacool lang naman .May mga anim kasing lalaki na rumarampa sa gitna ng daan .OO ,they are both handsome but hindi ko sila type .Ewan ko .
Pero meron akong napansin bakit dumami sila?noon ay tatlo pa lang sila ngayon ay anim na?
May nadagdagan pala ,at duon ko na notice ang isa sa kanila yung nasa gitna,tatlo kasi ang nadagdagan sa grupo but isa lang yung nanotice ko .Hindi ko siya kilala mukhang bago pa siya dito .Maangas ang dating ,magulo ang buhok at mukhang cool ,may kaputian at medyu payat ,mapula ang labi niya.At may itchura siya ,but hindi ko siya type ha!
Grabe ha ang dami na nila.
Yung mga babae naman panay sigaw at tilian .Sarap batukan ang mga to .
"Tssss,kala mo kung sinong mga gwapo",reklamo ko na mahina lang ang boses.
"Tss,hindi kapa sanay best?",napamaang ako sa sinabi ng kaibigan ko .Of course sanay na sanay na ako nu .Nakakaereta lang talaga yung mga babae sobrang ingay,kala mo may concert na nagaganap.
"Wag ka na mag inarte ,palibhasa wala kang crush sa isa sa mga diyan ",ako magkakacrush sa mga diyan?
"Sorry ,magkaiba kasi tayo .Maganda lang ako ,ikaw malanding maganda",biro ko sa kaniya na ikinagalit niya naman .Tumawa ako ng mahina .Tsaka nag peace sign."Biro lang best ,sympre wala akong type sa mga yan nu".
"Masakit ka magbiro ha",halatang nainis siya ah .Astig talaga ako magbiro .
"Ito naman oh ,hindi ka mabiro .Sige na sorry na beshy",pagmamakaawa ko sa kaniya .Mahirap magbiro sa mga taong seryoso .Hayss
"Oo na ,pasalamat ka kaibigan kita .Dahil kung hindi kanina pa kita sinampal ,hehehe .Support mo na lang kasi ako na crush ko si France ".
"Matagal na kitang sinusupportahan nu".
"Omg best ,ang gwapooo nila",napatingin na naman ulit ako sa gawi na tinitignan ni Martha .Malapit na sila sa amin .
Nagulat ako ng magtama ang paningin namin ng lalaking napansin ko kanina .Yung sinasabi ko sa inyo .Matagal kaming nagtitigan ,at binawi naman niya ito .Kakaiba yung tibok ng puso ko ngayon .Napahawak ako sa dibdib ko .
Ano ba?
Wala yun ,titig lang naman eh.
"Halikana nga best ,tayo na ang oorder oh ",pagtawag ko kay Martha .Agad ko siyang hinila .
Omorder kaagad kami ng food pagkatapos ay umupo sa isang bakante upuan na mahaba.
"Martha",tawag ko sa kaniya.
Sasabihin ko ba?na nagkatitigan kami ng lalaki kanina?ah wag na baka tuksuin pa ako nito .
Wala lang naman yun para sakin ,pero bakit kakaiba ang dating?