Ang sakit pa ng ulo ko pero kailangan ko na bumangon at maligo para sa fieldtrip.
Ugh! Bakit kasi ang aga! Pwede namang 8 AM nalang umalis diba?! Oh well, wala na akong magagawa.
Bumangon nako at hinanda ang susuotin ko. Kinuha ko na ang twalyang aking gagamitin at naliligo na ako.
It's 5:15 at the morning at aalis ang bus ng 6. Siguro makakarating kami dun mga 8.
40 minutes later...
Ugh! Naghahabol nanaman ako ng oras.
Tumatakbo ako ngayon upang makahabol sa bus.
Ayun na ang school!
Pumasok na ako sa loob ng campus at pumasok na rin sa loob ng bus.
Tinignan ko ang upuan ko at nandun na si Drake sa window side.
Pinagagawan namin ang window side pero siya naman nagwagi sa pamamagitan ng pag blackmail sakin.
2 days ago...
"Ako na sa window side." Ang sinabi ko.
"Ako!" Ang sinigaw ni Drake.
"Nauna na ako sa iyo!" Ang sigaw ko.
"So?" Ang sinabi niya.
Hayst! Ang bossy talaga! Buti nalang gusto kita!
"Ako!" Ang sinigaw ko.
Nagtinginan na samin ang mga tao sa canteen. Kinuha ni Drake ang phone niya at binuksan niya ito...
"Ako sa gilid o kakalat to sa net." Ang sinabi niya habang pinapakita sakin ang nakakahiya kong pic.
Iisipin nilang whore ako dito!
"Edi wag!" Ang sigaw ko at lumabas ako ng canteen.
Present...
Umupo na ako sa tabi ni Drake at kinuha ko sa bag ko ang isang boteng nilagyan ko ng ice para sa kanya. Inilagay ko ito sa mukha niya.
Tinapon niya ito. Napatingin ako sa kaniya at nakatingin siya sa labas ng bintana.
Hayyy!
Kinuha ko ang bote na puno ng ice at ibinalik ko ito sa bag ko. Umupo na ulit ako sa upuan ko at pumikit nalang.
Ang awkward nitong araw na ito kala ko magiging masaya.
"Pupunta na tayo!" Sigaw ni Sir Jay.
"Excited na ako!" Mga bulong ng mga kaklase ko.
Kayne's Point Of View...
Ang sarap sapakin ng Drake na yun! Swinerte na nga kay Lia eh! 'Di pa mamamansin, Gago!
"Uy, Kayne!" Sigaw ng kaibigan kong si Harry na katabi ko.
"Ano?" Ang tanong ko.
"Ba't parang galit ka?" Tinanong niya ta's biglang nagtawanan mga kausap niya kanina... siguro pinagusapan nila ako.
"Wala lang." Ang sabi ko.
"Naiinggit ka kay Drake no? Aminin mo na!" Ang sinigaw niya. Kinukulit niya ako.
"Bala ka." Ang sinabi ko.
May binubulong siya kena Shawne at Dañel.
"Yiiieeeee" Ang sinabi nila Dañel.
Hindi ko nalang sila pinansin. May sumisipa ng likod ko kaya tinignan ko kung sino. Nakita ko sa likod ko si Jem, ang loner ng school.
"Ba't mo sinisipa likod ko?" Ang tinanong ko sa kanya.
"Huh?" Ang sinabi niya.
"Ahh aangal ka pa ah!" Ang sinabi ko.
Muntik ko na siya suntukin...
"Ako yung sumipa. Hahaha!" Ang sinabi ni Dañel.
Napatingin ako kay Dañel.
"Sorry." Ang sinabi ko kay Jem.
'Di niya ako pinansin at tumingin nalang sa labas ng bintana.
Lumiko na ako at kinuha ko ang aking selpon at nagriring na ito.
"Akin na lahat ng selpon! Ngayon din!" Luh. Wait lang Sir Jay.
Tumakbo patungo sakin si Sir Jay agad-agad at kinuha na ang selpon ko.
"Luh! Sir, tumatawag sakin pamilya ko!" Ang sinigaw ko.
"Ahh sinisigawan mo teacher mo ngayon? 'Di ko toh ibabalik sa iyo pati narin ang cellphones ng mga kaklase mo!" Ang sinigaw sakin ni Sir Jay. Naririnig ko ng nagbubulungan ang mga kaklase ko ng "Luh, pabida". "Wag ako ang sisihin niyo. Itong kaklase niyong ito." Itinuro ako ni Sir Jay.
Hayyy.
1 hour and 50 minutes later...
"Nandito na tayo!" Ang sinigaw ni Sir Jay. "Iwan niyo na ang mga gamit ninyo."
Lumabas na kaming lahat at nakita lang namin ay isang museum, wala ring mga kotse sa parking lot at pinapalibutan ang lugar ng mga puno.
Umalis ang bus!
"Sir, bakit yun umalis?" Ang tinanong ko kay Sir.
"Babalik yan." Ang sinabi ni Sir.
Ok
"Pasok na kayo. Diyan tayo mag iistay sa araw na ito." Ang sinabi ni Sir Jay.
"Mag iistay po tayo sa museum?!" Ang tanong ni Anj.
Habang nagtatanong si Anj nakita ko lumalakad na papasok si Jem.
Sunod na nga ako sa kanya.
"Oo." Ang sagot ni Sir Jay.
"Kyan, hintayin mo kami!" Ang sigaw ni Harry habang tumatakbo kasama sina Shawne.
Hinintay ko sila at hinawakan na ni Harry ang balikat ko sa kaliwa habang hinihingal at sina Shawne naman ay naka hawak sa kanilang mga tuhod.
"Tara na." Ang sinabi ko.
"Sige." Ang sinabi ni Harry.
Dianne's Point Of View...
Nasa CR ako ngayon at naghuhugas ako ng kamay. Napatingin ako sa salamin.
Hayyy. Bakit kasi 'di ako magustuhan ni Kayne? Oh well.
Paalis na ako pero may nakita akong piraso ng papel sa sink.
"8?"
Yan yung nakita ko sa bahay ah!
Biglang may humawak sa likod ko at hinila niya ako. Natumba ako at may hawak-hawak siyang kutsilyo.
"AHHHHH!!!" Ang sigaw ko.
Tumakbo ako, tumakbo ako, pero nahabol niya ako!
Hinila niya ulit ako papuntang CR.
"Bitiwan mo ako!" Ang sinigaw ko.
Pinagsusuntok ko ang kamay niyang humihila sa damit ko pero 'di siya bumibitaw.
Nasa loob ulit kami ng CR at tinapon niya ako sa kubeta! Pumasok siya dito at...
"AHHHHHH!!!" Pinagsisipa ko siya pero 'di ito tumatabla! Shit!
Palapit lang siya ng palapit.
Hinawakan niya ang buhok ko ng malakas at...
Inuntog niya ang mukha ko sa sahig.
Inuntog niya ito ulit.
Binitawan niya na ang buhok ko at...
"AHHHHHH!!!"
***
BINABASA MO ANG
'Til Death Do Us Apart
Mystery / ThrillerThey were so clueless, they never knew that they fell to the hands of a psycho mafia Created by: the_one_and_only_777 Started at: 12/09/18 Finished at: ??/??/??