*End Of FlashBack*
3rd Person
Pagkatapos ng insidenteng iyon, ay nakaalis agad ang mga assassins na syang pumatay sa lahat ng tao sa loob ng simbahan.Ngunit, meron silang pagkakamaling nagawa, dahil ang groom ay buhay pa.
'Di nagtagal dumating na ang mga polis at inasikaso ang insidente, puno ng dugo ang buong simbahan at sira lahat ng kagamitan, mahigit 60 tao ang nakahalundusay sa loob at labas ng simbahan.
"Mukang matrabaho ngayon toh ah" nakangisi pang pananalita ng isang officer habang nakatingin sa mga patay na tao.
"Ilan ang patay?"
"Sixty sir"sabay taas kilay ng police officer.
"Hmm, let me check baka may pwede pang maisalba"
Naglakad ang officer sa gitna ng simbahan at pinagmasdan ang lahat ng taong nakahiga at wala nang buhay.Nakuha ang kanyang atensyon ng isang lalaking naka damit na toxido at puno ng dugo ang mukha.Nilapitan nya ito at pinagmasdan ang bawat bahagi ng katawan ng lalaki.Umupo sya para makalapit sa mukha ng lalaki at pinagmasdan ng mabuti ang mukha nito.Walang reaksyon ang officer nang makita nyang naungol ang lalaking ito.Inubo ito at lumabas ang kaunting dugo sa bunganga nito at tumalsik sa mukha ng police officer.
"George, ihanda ang stretcher buhay pa ang lalaking to"
*FlashBack*
Menjo's POV
Joseph Lopaz ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tao, ang lalaking tahimik pero nasa loob din ang kulo, ang napakalupit sa Samurai, ang isa sa top 10 assassin in the world.Lahat sila ay kilala ko na, at kat Jospeh ko nalaman kung paano makipag laban ng may dangal.
Isa syang masahin rin na tao ngunit sa likod ng kanyang kwento ay puro hinagpis at kalungkutan.Kinuwento nya sa akin na noong bata palang si Joseph ay sya ang nakasaksi sa pagkamatay ng magulang nya.
Bata palang sya nung mangyari ang insidenteng iyon, hindi nya alam kung paano sya makakatakas sa isang bangungot na pawang katotohanan ang lahat.Sa ilalim ng kama nya ay nasaksihan nya kung paanong walang awang pinaslang ang magulang nya at ang taong gumawa non ay si Boss Matsumuto, ang kinatatakutan noong kapanahunan pa nya.Ang tatay ni Joseph ay kasali sa Assassination ni Matsumuto at dahilan rin yon kaya nalagay sa panganib ang pamilya nila.Tumiwalag ang tatay ni Joseph dahil gusto nang magbagong buhay nito kasama ang asawa't anak nya, ngunit hindi pumayag si Matsumuto kaya tinangkang nito na patayin ang tatay ni Joseph, at ang araw na iyon ang pinakang madugo na nalaman ko sa buong buhay ko.
Sa ilalim ng kama ay tahimik na nakatingin lang si Joseph sa kanyang nanay na ginagahasa ng isang lalaki sa isang upuan, habang ang ama nya ay nakadapa at puno ng dugo ang mukha, gusto man nyang humingi ng tulong ay minabuti nalang nya na iligtas ang buhay nya.Nakatingin lang sya sa mga pangyayaring ito.Sinulyapan nya ng titig na may halong galit si Boss Matsumuto na nakasampa ang paa sa likod ng tatay nya para hindi makapalag.
Isa pang lalaking pumasok sa kwarto at may hawak na Samurai at ibinigay ito kay Matsumuto.Dahan-dahan itong kinuha ni Matsumuto at lumingon sa tatay ni Joseph.Itinaas nito at kanyang kamay na may hawak na sword at mabilis na tinarak sa ulo ng tatay nang batang lalaki.Nakatulala lang si Joseph habang tumatagas ang dugo sa ulo ng tatay nito.Luha, pagluha lamang ang magagawa nya nang mga oras na iyon.Sinilayan nya ulit ang kanyang ina na nakahubad na at may dugo ang maselang bahagi ng katawan nito at walang tigil sa pag-iyak.
Humugot si Matsumuto ng isang baril at lumapit sa nanay ni Jospeh at itinutok nito sa ulo, at tuloy-tuloy na pagputok ng isang baril at pagtalsik ng dugo ang nangyari.Nang matapos si Matsumuto ay agad na silang lumabas ng kanyang mga kasama sa bahay at mabilis na nakaalis.Wala nang buhay ang kanyang ina na wala nang natira kundi leeg at katawan nito sa ibaba,sabog ang buong ulo nito.
