*End Of FlashBack*
3rd Person
Matapos ang isang taon ay nanatili parin si Menjo sa ospital.Isang taon na syang comatose at walang nadalaw sa kanya kahit isang kamag-anak mula sa malayong lugar.Habang mahimbing sa pagkakatulog ay wala syang kamalay-malay na may darating panganib sa kanyang buhay.
Isang lalaking naka black toxido at may dalang bag.Matangkad, mestiso, brown ang mata at may balbas.Si Mark Angelo a.k.a Cobra.Naglalakad sya sa loob ng hallway at nasipol, dirediretso lang sya sa paglalakad hanggang makapunta sa dressing room.Nang makapasok sya rito ay nagbihis na sya ng pang nurse na damit at nilabas mula da kanyang bag ang isang injection na may lamang lason.Lumabas sya sa dressing room at naglakad na muli patungo sa isang kwarto na kung saan ay naroon si Menjo.
Pumasok sya sa loob na may dalang ngiti sa kanyang labi,nilapag nya ang isang tray na kung saan nakapatong ang injection sa isang table.Pinagmasdan nya ang natutulog na si Menjo at naging masama ang kanyang titig.Nilibot nya ang bawat sulok ng buong room at tumawa na para bang wala nang bukas.
"Hahaha, ang swerte mo naman noh, binugbog ka na, binaril kana sa ulo pero buhay ka padin"sabay upo sa isang sofa."Theres another thing Menjorer, alam mo bang nung matapos ka naming pahirapan ay nagbagong buhay na kami?Hahaha!!syempre hindi mo alam kasi paralisado ka na at comatose ka pa.Alam ko, hindi namin disserve na magbagong buhay dahil walang kapatawaran ang ginawa namin sayo, pero... mas hindi mo disserve ang mabuhay sa mundong toh!"
Tumayos sya sa pagkakaupo sa sofa at nilapitan ang natutulog na lalaki.Hinimas nya ang ulo nito at ngumiti na para bang nababaliw na.
"Konting tiis nalang, mananahimik ka na sa impyerno, pangako ko yan" natigilan sya nang makarinig sya ng ilang mga yapak na papunta sa room ni Menjo, pumasok sya agad sa CR at hindi nagsalita.
Sinilip nya ang mga taong pumasok rito at tatlong tao ang nakita nya.Isang doctor at dalawang nurse,napangiti sya dahil may naisip syang gawin.Bumunot sya ng kutsilyo sa kanyang bulsa at dahan-dahang lumabas patungo sa likuran ng tatlong tapng ito.Nang makalapit sya sa mga to ay tinakpan nya ang bibig ng doctor saka hiniwa ang leeg nito hanggang sa sumirit ang dugo nito, ganun din ang ginawa nya sa dalawang nurse para walang makasigaw sa gagawin nyang kasamaan.
Binalikan nya ng pansin si Menjo at nilapitan ang tray na kung saan nakalagay ang injection.Kinuha nya ito at piniga ng kaunti ang injection.Tinusok na nya ito sa isang tube ng na dinadaanan ng gamot ni Menjo.Pipindutin na nya sana iyon nang may tumawag sa kanya.Napamura pa si Mark baka mahuli sya dahil sa ring ng phone nya.
"Whos there?!"galit na sya dahil gusto na nya patayin si Menjo.
[Hello, Mark ano kamusta yung pinapagawa ko sayo, buhay paba sya?]
"Hindi na sana kung hindi ka tumawag, bakit ba?!"
[Ngayon mo na nga lang ulit ako pagtatrabahuan nagagalit ka pa?By the, gusto ko lang sabihin sayo na wag mo na gawin ang binabalak mo]
"T*ngina!! bakit?!"
[Because I have a more challenge for him, mas maganda kung pahihirapan muna natin sya bago patayin, hindi ko hahayaan na ganun-ganun nalang ang kamatayan nya, ibabalik ko sa kanya kung paano nya inagaw sa akin ang taong mahal ko.Gusto ko syang pahirapan na tayo mismo ang gagawa and I have a Mercy, just a little bit]
"But theres a problem, what about the three?"taas kilay pa nyang pananalita habang nakasandal sa pader.
[Hindi na natin sila kaylangang abalahin dahil alam kong iisa-isahin tayo ni Menjorer at yung ang mas maganda kung sino ba talaga ang magaling at malakas, tayo ba o sya?]
Napangiti si Mark sa sinabi ni Von at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Mukang hindi na sya aabot sayo, dahil samin palang ay wala na syang laban lalo na sa akin"at pinutol na nya ang pag-uusap nila ni Von.
Lumapit si Mark sa natutulog na si Menjo at hinimas ulit ang ulo nito.Ngumiti sya pero sa kaloob-looban nya ay nanggigigil na sya kay Menjo.
"Pasalamat ka at naagapan pa ni Von na hindi kita patayin dahil kung hindi wala ka na sa mundong toh.Pero may isa lang akong sasabihin sayo.." kinuha nya ang nakasaksak na injection at muling tinignan si Menjo.
"Wag ka na gumising"
At lumabas na sya sa loob ng room.*FlashBack*
Menjo's POV
"Kung yelo lang yan natunaw na yan" hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya, nahalata pa tuloy ni Mark.
"Sorry"maikli kong pananalita.
"Asus!! love at first sight ang kumpare ko oh" pang-aasar pa ni Miljan.
"Is she ok now?"tanong naman ni Cottonmouth na nainom pa ng kape.
"I think so"sagot ko nalang sa kanya kahit walang kasiguraduhan na ok ba talaga ang babaeng toh.
Lumibot ng tingin si Miljan sa buong sulok ng hide out at tumingin sa akin na para bang nagtataka.
"Bakit ba palingon-lingon ka kung saan-saan?"
"Wala si boss eh, san pumunta Joseph?"
"Bakit ako? secretary ba ako ni boss?"
"Eh ikaw palagi kasama nya sa mga larga nya eh"
Hindi nagtagal nagising narin ang babae at nang makita nya kami sa tabi nya ay napaatras sya at halatang gulat na gulat sya sa kanyang itsura.Sumigaw sya ng nakakarindi at lahat kami ay napakapit sa tenga namin dahil sa sobrang tinis ng tunog nito.
"Why are you screeming b*tch!!" pati tuloy si Mark napapamura na sa sigaw ng babae.
Hindi parin sya tumitigil kaya ang ginawa ni Joseph ay kumuha ng baril sa isang cabinet at pinaputok sa kisame.Napatigil ang babae at umiyak sya bigla.Lahat kami ay nagtataka na dahil hindi namin alam kung ano ang kinaiiyak nya.
"Rapist!!!!!" king ina mo, di killer lang kami pero di kami rapist!!!
"Stop!!"sigaw ni Joseph sa babae.Sobrang ingay kasi."Ikaw na nga ang tinulungan tapos sasabihan mo pa kami ng rapist?!"
"I'm sorry, kala ko kayo yung mga lalaking nansunog ng school" sa gwapo naming toh pagkakamalan nya kaming rapist?!
"By the way may naalala ka ba sa mga muka ng mga lalaking--"di na natapos ang pagsasalita ni Miljan ng pigilan sya ni Carlos.
"I think its not the right time para tanungin natin sya sa mga ganyan, look hindi pa sya nakakarecover sa mga nangyari kanina" well tama si Carlos.
"Salamat tinulungan nyoko, salamat niligtas nyoko"
"Your welcome miss, by the way what is your name?"
"Cassandra" ang ganda ng pangalan.
*End Of FlashBack*
After 3 Years
Bigla akong nagising sa isang bangungot at pawis na pawis ang aking katawan at hinahabol ko ang aking hininga.Nasa isa akong room na puro puti lang ang aking makikita, wala ako lang ang mag-isa at ang buong kwarto ay napapaligiran ng katahimikan.Tatayo sana ako pero hindi ko magalaw ang dalawang binti ko, tanging pang-itaas na katawan lamang ang aking naigagalaw.
Biglang bumalik sa aking isipan ang lahat ng nangyaring kaganapan. Naiyak nalang ako nang maalala ko ang insidenteng iyon, hindi ko alam kung bakit nila nagawa to sakin.Ano, anong kasalanan ko sa kanila para parusahan nila ako ng ganito.Pinatay nila ang buong kamag-anak, kakilala, kaibigan at ang mahal ko sa buhay.Pinatay nila ang babaeng magiging asawa ko na sana, pero dahil sa kasamaan nila ay nawalan na ng saysay ang buhay ko.
"Isinusumpa ko, na nalalapit na ang katapusan nyong lahat.Papatayin ko kayo at walang matitira ni isa"
CopperHead, Side Winder, Cottonmouth,Cobra and Snake Charmer.Isa lang ang masasabi ko sa inyo,"Wala nang dahilan pa para mabuhay kayo, at bawat bakas ng galit ko sa inyo ay katumbas kung paano ko kayo papatayin"
Here comes the GROOM.
