Prolouge

4 0 0
                                    

Padabog kong isinara ang pintuan ng kotse. Badtrip talaga!! Padabog kong sinisipa ang mga batong nakakalat sa daan. Napakawalang-hiya talaga ni kuya! Ang sarap niyang tirisin!

Dire-diretso akong pumsok sa school at hindi na nag-abala pang batiin si manong guard. Agad akong pumunta sa cafeteria para umorder ng pagkain. Nang dahil kay kuya ay hindi na ako nakapag-almusal. Ang bwisit na iyon! Nanggigigil talaga ako tuwing naiisip ko ang pagmumuka niya!

Um-order ako ng isang sandwich at gatas. Agad akong kinuha iyon. Kailangan kong makapunta agad sa office.

Nasa dulo pa ang office at kilangan ko pang dumaan sa gymnasium para lang makapunta doon. Mabuti na lang at maaga akong nakapasok dahil paniguradong dudumugin ang gym dahil doon nakapaskil kung saang section ka napunta.

Napakagandang araw sana ito kung hindi lang sinira ni kuya. Agad kong sinubo ang huling kagat ng sandwich bago pa ako makalagpas sa gym.

"ARAAAAA!!"

Muntikan na akong mabulunan nang marinig ko ang matinis na boses na iyon. Tumalikod ako at nakita ko ang mukha ni Chanelle na may malaking ngiti sa kaniyang mukha.

"Napaka-eskandalosa mo talaga" Sabi ko habang hinihintay syang makalapit sa akin. "Mabuti na lang at kaunti pa lang ang tao. Nakakahiya"

"Anong himala ang meron at maaga kang pumasok ha?" Tanong niya sa akin.

Napatirik naman ako ng mata nang sabihin niya iyon. Wala naman talaga akong balak pumasok nang maaga kung hindi lang dahil sa bwiset kong kapatid.

"Walang himala. Bwiset lang ang meron." Asar na sambit ko

Tumawa naman siya ng malakas at hinablot ang gatas na hawak ko. Agad niya iyong nilagok hanggang sa maubos iyon. Napakaburaot talaga nitong babaeng to.

"Ano nakita mo na ba yung section mo? Ako hindi pa eh. Pupunta na sana ako sa gym kaso lang nakita kita na naglalakad dito kaya sinundan kita. Naku! Sana magkaklase pa din tayo! Feeling ko natanggal na ako sa section A dahil sa grades ko sa mapeh at math! San ka nga pala pupunta? Bakit ka lalagpas sa--"

Inabot ko sa kanya ang plastic ng sandwich. Agad akong tumalikod dahil kung hindi ko gagawin iyon paniguradong aabutin ako ng siyam-siyam sa bunganga niya.

"I'll call you later!" Sigaw ko.

Pagdating ko sa tapat ng office ay agad akong kumatok.

"Come in" masungit na sambit ng secretary ni Sir Romed.

Bumungad sa akin ang malamig na hangin na nagmula sa aircon. Napayakap ako sa aking katawan. Badtrip! Baka magkapulmonya pa ako nito dahil galing ako sa initan!

"Gusto ko po sanang maka-usap si Sir Romed." Magalang na sambit ko sa kanya.

Padabog naman niyang ibinaba ang hawak niyang folder. Kung makapagdabog to parang siya ang may-ari ng school ah. Nakakainis talaga! Kung hindi dahil kay kuya ay hindi ko sana makikita itong pesteng secretary ni Sir Romed.

"Hindi. Pwede." Madiin nitong sambit. "Busy siya"

Pagkatapos nitong magsalita ay bumalik na siya sa pag-aayos ng papel na hawak niya kanina.

Kung akala niya ay madadaan niya ako sa paganyan-ganyan niya pwes nagkakamali siya. Sa tagal kong nag-aaral dito akala niya ba susuko ako agad? Pag-aaral ko ang nakasalalay dito no. Hindi niya ako mapipigilan.

Patakbo akong pumunta sa pintuan ng kwarto ni Sir Romed. Hahabulin pa sana niya ako pero huli na siya dahil malakas kong kinatok ang pinto ni Sir Romed.

"Come in"

Isang malaking ngiti ang pinakawalan ko. Mapang-asar ko siyang tinignan. Ha! Nothing can stop me! Mahigpit niyang hinawakan ang mga papael sa kaniyang kamay niya kaya nalukot ang mga iyon.

Ooops. Mukhang mahalaga pa naman iyon. Lagot siya kay Sir Romed mamaya. Hahahaha.

Mabilis siyang naglakad papunta sa pinto at binuksan iyon.

"Pasensya ka na Sir Romed. May nagpupumilit kasing makausap ka kaya pinagbigyan ko na." Sambit niya.

Wow! Just wow! Pinagbigyan niya talaga ako ha? Nakakahiya naman sa kanya!

Demonyo talaga tong secretary ni Sir Romed! Mabuti na lang at hindi nahahawa dito si Sir Romed!

"Sige papasukin mo na. Wala naman na akong masyadong ginagawa."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Sir Romed. A hint of recognition was plastered in the face of Sir Romed.

"Good morning po Sir." Magalang na bati ko sa kanya.

"Miss Rendush. What can I do for you?" Magiliw na bati nito sa akin.

Lumingon ako sa aking likod at sinilip kung nandun pa ba yung sekretarya ni Sir Romed. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang kakasara lang ng pinto.

"Gusto po kasi sanang mag-enroll." Panimula ko.

Mukhang nasurpresa naman siya sa sinabi ko. Well kahit ako hindi ako makapaniwala na hindi pa ako nakakapag-enroll gayong pasukan na.

"Nagkaproblema po kasi sa bahay kaya hindi po ako nakapag-enroll agad. Pasnesya na po."

Binuksan niya ang drawer ng table niya at may hinalungkat siya doon. Hinugot niya ang isang long folder at may binasa siya doon.

"I can't believe na hindi ka pa enrolled ngayon. Does Razelle know about this?" May halong pagtataka ang kaniyang tinig.

"Actually, Mom doesn't know about this. Sana po hindi ito makarating sa kanya."

It would be a total mess if Mom found this out. My brother would be a dead meat.

Napahilot siya ng kaniyang sentido. Oh please! Sana pupwede pa akong makapag-aral dito. Ayokong mapunta sa Italy! Purgang-purga na ako sa mga Italyanong hilaw doon!

"Miss Rendush, may sinusunod kaming policies dito sa school. Only forty students per section. Nothing more. Nothing less. Sad to say, all section in the grade ten in the girls department are fully occupied."

Nanlumo ako sa mga sinabi niya. So, this is the end for me huh? Goodbye Philippines, hello Italy?

"But! Since matagal ka na dito at napanlalaban ka sa mga quiz bee, we can't loose you. You know what? There's only one option for you." Sambit niya habang nakasandal sa kaniyang swivel chair.

Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin niya iyon. Mabuti na lang at may kwenta pala ang pag-sali ko sa mga quiz bee na iyon.

"You will be transfered in the boys department Miss Rendush"

Halos matumba ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi niya. Teka. Totoo ba yung narinig ko? Baka naman nagha-hallucinate lang ako.

"Po? Pero babae po ako."

♥♥♥♥♥

Hi guyssss. Hahahhahh wala lang. Nag-hi lang ako Hihe

B:10 -AWhere stories live. Discover now