Ramdam ko ang malalagkit na tingin sa akin habang tinatahak ko ang daan papunta sa aking bagong room. Marahil ay nagtataka sila kung bakit nandito pa ako sa boys department samantalang tumunog na ang bell.
Dire-diretso lamang akong naglakad nang hindi sila tinatapunan ng tingin. Dahil sa 4th floor pa ang bagong classroom ko, ang huling floor ng building na ito, kinakailangan ko pang mag-lakad ng napakahaba.
Kung bakit ba naman nasa magkabilang dulo ang hagdan sa bawat baitang. Lahat tuloy ng classroom ay nadadaanan ko.
"Miss transferee ka ba? Sa kabila ng gym yung girls department."
Napalingon ako nang marinig ko iyon. Amazed syang tinignan ako nang magtama ang mata namin.
"Sahara Rendush? Anong ginagawa mo dito?" Amazed na tanong niya.
Wow. Hindi ko alam na sikat pala ako dito sa boys department.Hindi ko na lang ito pinansin at dire-diretso na lang na naglakad. Nang makarating ako sa huling palapag napansin kong hindi ito nakasunod sa akin.
Huminto ako sa tapat ng pinto na may nakasulat na B-10:A. Isang malalim na hininga ang kumawala sa aking bibig bago ako kumatok. Nang buksan ko ang pinto, lahat ng mata ay tumutok sa akin.
"Yes Miss?" Sambit ng guro habang naglalakad papalapit sa akin.
Mabuti na lang at lumapit ito sa akin dahil ayokong umagaw ng atensyon. Pero parang walang kuwenta din iyon dahil lahat ng estudyante sa loob ng room ay nakatingin sa gawi ko.
Inabot ko sakanya ang hawak kong form. May pagtataka niya akong tinignan. Mukhang hindi pa siya natatawagan ni Sir Romed. As if on cue, biglang tumunog ang cellphone nito. Lumabas ito sa kwarto at dumeretso sa dulo ng hallway. Mukhang ayaw nitong iparinig ang pag-uusapan nila.
Nanatili akong nakatayo sa tapat ng pinto. Nagulat ako nang may biglang manghila sa akin papunta sa loob ng room.
"Rendush pasok. Lalabas yung aircon." Sambit nito na naging dahilan ng pagtawa ng iba.
"Bobo ka talaga Pascual! Hindi lumalabas yung aircon no! Pumapasok yung init hindi lumalabas yung aircon!" Sambit nung isa.
Tama nga naman siya. Nang mapansin kong hawak pa din niya ang braso ko agad ko iyong binawi. How dare him touch me. Sinamaan ko siya ng tingin. Walang pupwedeng humawak sakin.
"Wag mo akong tignan ng ganyan Rendush. Baka ma-fall ako sa niyan." Biro nito.
Nakatikim naman siya ng batok sa isa pa at binulungan ang lalaking humawak sa akin.
"Bakit ka mahuhulog sa akin? Sahig ba ako?" Bara ko dito.
Sasagot pa sana siya pero bumalik na agad si Sir.
"Everybody take a seat." Ma-awtoridad na sambit nito.
Agad naman siyang sinunod. Naiwan kami ni Sir na nakatayo. Well, should I seat too? Mukhang nabasa naman ni Sir ang mukha ko kaya nagsalita na siya.
"This is Sahara Rendush. She will be your classmate from now on. Alam kong maraming nagtataka kung bakit."
He then eyed me. Mukhang maging siya ay natataka kung bakit ako napunta dito.
"But I won't accept any question about it. You may now take your seat Miss Rendush."
Nang dahil sa sinabi nito, lalong gumulo ang klase.
"Pero Sir Harold babae siya! At boys department ito! Paano nangyari iyon?"
"Hala Sir! Paano kami makakapag movie marathon niyan?!"
"Sir bakla ba siya?" Sambit nung lalaking humawak sa akin kanina.
Grabe para silang mga babae. Talagang big deal ba para sa kanila na mapunta ako dito?
Inilibot ko ang mata ko sa loob ng kwarto. Totoo nga ang sinabi ni Sir Romed. May lima pang vacant seat dito. Mabuti na lang at sa pilot section pa din ako napunta. Pumunta ako sa dulo kung saan may dalawa pang bakanteng upuan. Sa totoo lang ay ayaw ko talaga sa pinakadulo dahil hindi ako nakakapag-concentrate at hassle pa tuwing mahina ang boses ng teacher. Medyo mahina pa naman ang pandinig ko.
Pero mas mabuti na nandito ako nakaupo dahil mahihiya silang tumalikod para lang tignan ako... or not.
Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila at nag-concentrate na lang sa sinasabi ni Sir Turno. Kawawa naman ito dahil walang nakikinig dito.Ipinapaliwanag nito ang rules and regulation. Wala na sana akong balak makinig dahil simula nung grade 5 pa lamang ako ay alam ko na lahat ng iyon. Kung ipapa-recite pa nga iyon sa akin ay malamang na makakakuha ako ng perfect score. Pero kinakailangan kong i-distract ang sarili ko sa mga matang nakatutok sa akin.
Isang malakas na katok ang nagpahinto kay Sir Turno. Pumasok ang isang lalaking nakablue polo shirt. Wait. Familliar siya. Teka. Siya yung nakakilala sa akin kanina sa hallway!
Lumapit siya kay Sir Turno at inabot nito ang kaniyang form.
"Why are you late Mr. Lasxon? You already know that I don't tolerate late students right?"
"Pinapunta po ako ni Sir Romed sa office kaya ako na-late." Sambit nito nang hindi man lang tinatapunan nang tingin si Sir Turno.
Tss. What a big fat liar. His eyes are twitching when he told Sir Turno about his excuse. Mabuti na lamang at tinanggap ni Sir Turno ang form niya.
Bahagyang nanlaki ang mata nito nang mapunta ang tingin niya sa akin. Dired-diretso itong naglakad at umupo sa bakanteng upuan sa aking gilid.
"Anong ginagawa mo dito Rendush?" Naguguluhang tanong nito.
Ano bang meron at bakit kilala ako ng mga tao dito? Samantalang bibihira naman akong lumabas.
"Bakla ka ba?!" Malakas na sambit nito.
Sumosobra na siya! Kanina pa ako natatawag na bakla! Badtrip! Kasalanan ito ni kuya! Humanda siya mamaya pag-uwi ko.
"Baliw ka ba?! Sa tingin mo papapasukin ako ng guard kung bakla? At ganito pa yung suot ko?! Ahhh.. transferee ka siguro? Hindi mo ba alam na bawal ang bakla at tomboy dito?!"
"Miss Rendush! Sit down! And please both of you, kung magaaway lang kayo pwede naman kayong lumabas. Walang pipigil sa inyo doon." Suway ni Sir Turno sa amin. Or sa akin I guess.
Napapahiyang umupo ako. Grabe dahil sa emosyon ko hindi ko na namalayan na napatayo ako. Tinignan ko siya ng masama at bahagyang inusog ang aking upuan palayo sa kaniya.
Paniguradong pinag-uusapan na naman ako dahil kanina pa nagbubulong-bulungan ang mga kaklase ko. Well, mabuti na lang at mahina ang pandinig ko. Dahil kung hindi, paniguradong sasawayin na naman ako ni Sir Turno.
♥♥♥♥♥
Sending hearts to yooou all. Luv u.

YOU ARE READING
B:10 -A
Teen FictionSahara's highschool life is not normal like the other students but in her last year in highschool a big changes will come after her. "You will be transfered in the boys department Miss Rendush" "Po? Pero babae po ako" (YIII333333 MA-UUMPISA NA ANG...