Prologue

75 2 4
                                    

"Hello! Jollibee, Pa order kami ng pare ko ng Mcdo Fries at 2 quarter pounder.. 

With iced tea, onting yelo lang, tas extra gravy. salamat! XOXO" 

sabay baba ng telepono...

Wala na kasi kaming magawa...

Kung ano ano nalang kagaguhan ang ginagawa namin para sumaya naman

kami.

Kasama ko palagi sa mga trip kong malupit itong si Darren..

Since birth tropa ko na 'tong mokong na 'to..

Walang iwanan ang motto namin.. 

well, hindi ko alam kung motto nga ba yun. 

Kilala kami sa lugar namin bilang mga poging tambay! 

Kahit ata mga tindera ng isda nililigawan KAMI.

Alam ko, Masyado kasi kaming pogi. 

Ay, Hindi pa pala ako nagpapakilala..

ako nga pala si Nick, Pinaikling Nickanor, pangalan ng tatay ko.

Seaman yung tatay ko, kaya sabi nya kailangan ko din daw maging seaman 

gaya nya, kahit na gusto kong maging architect. 

Eh ganon talaga eh.

Hindi naman kasi kami mayaman. Kung mag seseaman ako, sigurado na 

namin na hindi ako mababakante. 

Siguro mag seseman nalang din ako..gaya ng tatay ko, para walang gulo. 

ayaw ko kasi ng nagagalit ang tatay ko sakin. 

Wala na akong nirerespetong iba bukod sa tatay ko.

4 pala kaming magkakapatid, panganay ako, lahat ng sumunod sakin puro

babae...

Si Nicka, Nisha at si Neon. 

Bilang kuya, syempre kailangan kong alagaan yang mga yan.. 

Hatid sundo sa school.. 

Tagapagtanggol..

Mabait talaga akong kuya. At kung sino man ang manakit sa mga kapatid ko..

Baka hindi na masilayan ang Umaga.

Medyo tambay lang ako pero sinisigurado ko sainyong may direksyon naman ang buhay ko.

Kung nagtataka kayo kung ba't wala kaming nanay? 

Wala nga talaga...

Iniwan niya kami simula nung pinanganak si Neon. Ewan ko ba don

kung bakit nya kami iniwan. 

Hindi na nga sya nag ttrabaho, aalagaan nya nalang kami umalis pa. 

Ang galing talaga ng nanay ko eh, ganon

talaga. Wala naman na akong magagawa 'don.

Pero Sa pagkaka alam ko kasi...

hindi ako sumusulat kay Charo. 

Tama na ang family back ground. Kukwentuhan ko nalang kayo. 

Isang kwentong

malupit pa sa malupit. 

Isang kwentong nagpabago sa normal kong buhay..

Kwentong Minsan lang nangyayari sa buhay ng isang tao..

Hello My Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon