Ang inagy ingay naman ng kumakatok na yon! Bwisit, natutulog
yung tao eh! Anong oras na ba? Langya, alasais palang ng umaga ang aga
nilang mambulabog. Pagbukas ko ng pinto si Darren pala yon, ang dakilang
Tambay ng Kalye sobsob.
"HOY PARE!! WALANG MAGAWA SA BAHAY!"
"Anong gusto mong gawin ko? Kingina, natutulog yung tao kakatukin mo
para lang sabihin na wala kang magawa? Pakamatay ka nalang brad!"
Kinuha ni Darren yung directory.. Naghahanap ata ng tatawagan (Malamang)
Nag dial sa telephone namin...
"Hoy, sinong tinatawagan mo?"
"Papa deliver ako, Nagugutom ako."
Kilala ko tong si Darren eh, Hindi naman sa dukha sya't wala syang pang pa
deliver.. pero medyo wala nga talagang pera tong mokong na to. Hanggang karinderiya
lang namin kami kumakain palagi. Alam kong may binabalak tong kumag na to eh.
naamoy ko ang masama nyang balak..at gusto ko ang naaamoy ko. *Smirk*
Inagaw ko sakanya yung telepono...
"Hello! Jollibee, Pa order kami ng pare ko ng Mcdo Fries at 2 quarter pounder..
With iced tea, onting yelo lang, tas extra gravy. salamat! XOXO"
sabay baba ng telepono...
"Hahahahahahaha!! Lupit pre!!"
"Ako pa! Intayin mo nalang, mag dodoor bell si jollibee mamaya! hahaha!"
Alam kong gago ako, pero masaya kasi ako sa ginagawa ko eh. Ayokong maging pangkaraniwang
tao. Mas masaya akong maging gago. Hahahaha!
Isang oras din kaming nakatulala ni Darren.
Nanunuod kami ng DORA sa TV...
"Buti tong negarang to, may kasama palaging unggoy."
" So? Gusto mo din ng unggoy?"
"Ibig kong sabihin, Buti pa sya may kasama araw araw, ikaw wala! Kung hindi pa nga kita
pupuntahan dito sa bahay nyo, wala kang kasama.. Minsan nga natatakot ako, baka nag bigti kana
pala dito sa loob."
"May sapi ka nanaman ba? Ano nanaman bang gusto mo?"
"Sabi ko nga sayo pre, mag hanap kana ng chix! Habang buhay ka na bang ganto? 19 yrs old
ka nang single pare!
Hindi ka naman pannget! Sayang yung mga chix pre, ikaw na mismo yung nililigawan ayaw mo pa!"
"Ayoko. Ayoko sakanila."
"Brad, sinasabi ko sayo.. hindi tayo talo.. Babae ang gusto ko. Pasensya na.."
"Gago! Hindi ako bakla."
"Inuunahan lang kita, kasi baka.. alam mo na.."
"Umalis ka na nga dito! Matutulog ako."
"AHHH! Alam ko na! Umaasa ka parin dun sa babae sa panginip mo no? Hahahaha!" Kawawa ka naman pre! Maniwala ka kasi sakin, hindi totoo yon! Panaginip mo lang yon! Maghanap ka ngbabaeng totoo! Yung hindi galing sa panaginip! hahahaha!! Hindi totoo yung babaeng yon pre maniwala ka. Tama na yang kahibangan mo!"
BINABASA MO ANG
Hello My Love!
Teen FictionDestiny. Ang bagay na pinaniniwalaan ni Nick. Ang tanging bagay na nagbibigay sakanya ng lakas ng loob na makilala ang Girl of His Dreams. Pero pa'no kung sa maling paraan nya pala makikila ang babaeng matagal na nyang pinaka hihintay? Pa'no kung ma...