Themesong

59 0 0
                                    

Alam na nila
Pero mukhang manhid ka ngang talaga

Di mo ba pansin
Mga pasimple kong tingin

Pasimpling lapit
Pati marahas kong paglalambing

Di mo nga alam
Kasi di ko naman sinubukang iparamdam

Lagi lang sa iyong likuran
Naghihintay na sulyapan

Pero pa'no mangyayari yan
Siya'y nasa iyong harapan

Naghihintay na matabihan
Baka umalis siya at mabakante ang upuan sa iyong giliran

Kahit man lang sa paaralan
May pagkakataon kang matabihan

Ang ingay ng sigawan nila
Pero di non nasapawan
Tibok ng pusong balisa na

Sobrang ganda ng iyong ngiti
Nong sabay-sabay silang kumanta

Theme song daw
Kaya may malalim na kahulugan

Kasing lalim ba ng butas
Ng pusong ikaw ang nagparanas?

Paborito mo nga yun diba?
Ninyong dalawa pala

••••••••

Dedicated sa babaeng nasa gitna↑↑

Tulang Hindi MatalinghagaWhere stories live. Discover now