Wake Me Up When September Ends [One Shot Story]

1.2K 40 26
  • Dedicated kay Claudine Donato Gonzalez
                                    

Vote, Leave a Comment, Recommend to Others And Be A Fan! Thanks!

Iboto, Mag-iwan ng Komento, Irekomenda sa iba at Maging Isang Tagahanga! Maraming Salamat!

----------------------------------------------------------------

Wake Me Up When September Ends

Written by: DavidRenzBoni

Isang Taon ng nakalipas, hindi ko pa rin makalimutan ang mga ginawa niya sa akin. Ang pananakit at pagsipa ng puso ko papalayo sa kanya. hindi ko pa rin matangap ang harapang panloloko niya sa akin. Ngayon, nandito lang ako sa kwarto ko, ayokong lumabas ng bahay sapagkat natakot na akong lumabas lalo na at September ang month ngayon. 

Sabi ng mga kaibigan ko, kailangan ko na daw mag-move-on sa mga nangyari, dahil isang taon naman na daw ang lumipas pero masisisi nila ba ako kung gusto kong mapag-isa at nagtatago sa karamihan. Di kasi nila naiintindihan ang sitwasyon ko! Mahal na mahal ko talaga si Cindy! Sa lahat ata ng oras hindi siya maalis sa isipan ko kahit gusto ko na siyang kalimutan, hindi ko magawa dahil may pumipigil sa akin, ang aking puso, kahit sabi ng isip ko na kalimutan ko na siya, ayaw ng puso ko, napakakulit kasi nitong puso ko, sobrang ma-pride! kaya hanggang ngayon, pride ko pa rin ang nagwawagi.. Ako ay isang taong nagpadala na sa pride ko.

"Tara Labas Tayo!" sabi sa akin ng Best friend ko, si Jamboy.

At take note hindi po siya lalaki, babae po siya, ang true name niya ay Jannica Michelle, pero may pagkatomboy itong best friend ko, kaya lahat ng manligaw sa kanya, BUSTED! Ugaling lalaki kasi eh, kaya ganyan, hindi ko nga alam kung paano kami naging mag-best friend nito. bigla-bigla na lang siyang sumulpot sa aking buhay.

"Ayokong lumabas, dito lang ako." sabi ko sa kanya, pero mapilit siya, ganito naman lagi siya eh! kung makapilit sa akin wagas! simula pa noong una naming pagkikita, ganito na siya, mapilit masyado! pero ako naman, ito, napapasama naman niya kahit ayaw ko! di ba, ang galing nanghila ng kaibigan!

"Tss, naku, September pala ngayon, alam ko na, si Cindy na naman yang iniisip mo! Marion Jacques Torralba, MOVE-ON NA! ISANG TAON NA KAYONG BREAK!" Ito na naman siya! May Session sa kwarto ko! Kaya nagtakip na lang ako ng tenga ko at dumapa na lang ako sa kama ko at kinuha ang unan at tinakip ko sa ulo ko! Sobrang ingay kasi eh! para bang may isang plaka na hindi tumitigil! 

"Wag mo nga akong talikuran Jacques! hindi pa ako tapos sayo!!!" ito na naman siya! mas malala pa siya sa mommy ko! kung ang mommy ko nga hindi ako sinesermonan. Naku, hindi ko lang talaga to mapatulan kasi babae nga siya, kung di ka lang babae, noon pa kita binugbog!!

"OO NA, SASAMA NA!!" sabi ko sa kanya, sana tumigil na siya sa sermon niya sa akin, pero kahit ganyan ang best friend ko, Labs na Labs ko yan! Oy, Nagkakamali kayo ng iniisip, Love ko siya bilang kaibigan.. ^___^ ayokong matsismis sa kanto!

"Yehey! Lalabas na siya ng kwarto niya!" parang bata kung magsaya. shhh..

"Maliligo lang ako, baka pati dun gusto mong sumama?" Nainis siya ata sa sinabi ko at nagwalkout na papalabas ng kwarto ko. di ko alam kung bakit pinipilit niya ako, lagi akong napapa-OO.. baka dahil nga siya ang best friend ko.. hahaha..

Wake Me Up When September Ends [One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon