Chapter 9

1.3K 41 6
                                    


X High
Chapter 9
Zylith's Pov

   "Zylith...gising na! Nandito na tayo." Mahinahong wika ng lalaking pamilyar ang boses.

Minulat ko ang aking mga mata saka ko narealize na nakapatong pala ang ulo ko sa braso ni Clexon. Mabilis ko namang inilayo ang ulo sa braso ni Clexon. What if may laway ako tas napunta sa braso ni Clexon?! Waaah!!! Nakakahiya!

"You look so beautiful when sleeping." Halos pabulong na sabi ni Clexon saka ito umiwas ng tingin sa akin.

"Haha! Thanks Clexon!" Nakangiting sabi ko kaya napangiti nalang din si Clexon. Sabay kaming bumaba sa van saka ko nakita ang napakalaking building na nasa aking harapan.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko kay Clexon.

"Ito ang hotel ng X High students sa tuwing may misyon tayo. Dito tayo magpapahinga at matulog." Paliwanag ni Clexon sa akin.

"Ang laki infairness." Sabi ko saka kami pumasok sa loob ng hotel.

Napaka-mamahalin ng mga nandito. Ang ganda at napakamalinis.

Nakita ko na naman yung card na meron si Saquin. Agad niya itong binigay sa isang babae at tumango naman ang babae.

"May apat na bakanteng room sa third floor. May dalawang bed. Room C3 to C6 ang bakante." Sabi nung babae at tumango naman si Saquin.

Nakapagtataka. May ipinakita lang na card si Saquin, may kwarto na kami agad. Hindi man lang kami bumayad.

"Ano ba yang card na yan Saquin?" I asked.

"Oh? Ito ang X card. Ginagamit ito ng lahat ng estudyante sa X High lalo na sa pagpunta check-in dito na libre at pagbukas sa pader ng tunnel kanina." Paliwanag sa akin ni Saquin and I just nodded.

Kaya pala bumukas yung pader kanina. Pero bakit wala akong ganyan?

"Bakit wala akong ganyan?" Nagtatakang sabi ko.

"Wala ka pa kasing rank. Once magkaroon ka na ng rank, makakatanggap ka ng ganito sa headmaster." Sabi ni Saquin. Tumango nalang din ako sa kanyang sinabi.

"Ano-ano ang mga rank na meron sa campus?" I asked Saquin.

"May Green Rank, mga killers na magaling sa pagpatay ng tao using poisons. Meron ding Blue Rank, mga killers na magaling pumatay using weapons like swords, guns and others. May Yellow Rank din which is the weakest of all killers. Red ranked killers din which is the killers who have abilities and Black rank killers which is the killers who kill their victim brutally. Mas brutal pa sa mga nakita mo kahapon." Mahabang wika ni Saquin sa akin.

Kung iisipin, masasali ako sa Yellow rank. I'm weak. Hindi ko nga kayang makita ang dugo at bangkay ng isang tao.

"We need to rest muna tapos magsisimula na tayong mag-imbestiga." Walang ka-ekpresyon na sabi ni Zelan.

Looks like he's a cold one!

"Yes master!" Sabi ni Saquin. Master? Ibig sabihin siya ang leader.

"Siya ang leader..." Bulong ko kay Clexon.

"Yeah! Pero kami ang bahala kung sino ang isasali sa team namin. By the way, your codename is Aquarius." Sabi ni Clexon at nagulat naman ako nang marinig ko bigla ang codename ko. Teka...akala ko ba sa mga red rank killer lang ang merong codename na Zodiac sign.

"Teka? Bakit kay codename? Hindi naman ako red rank ah!" Sabi ko kay Clexon.

"Haha! Ang codename na Zodiac signs ay sa team namin. Saka walang codename kung red rank o kung anong rank ka. Team mo ang magpapasya sa codename mo. So, your codename is Aquarius."

"Bakit may codename pa?"

"For identity security. Sa mga misyon kagaya nito, ay di natin pwedeng gamitin ang totoo nating pangalan. Kailangan mo kaming tawagin sa codename namin lalo na sa mga pampublikong lugar at pag may nakasalubong tayong ibang tao." Sabi ni Clexon.

"So...Ano-ano ang mga codename ng ibang narito." tanong ko kay Clexon.

"Well, actually sampu tayong lahat kabilang na si Draxez at Kezno. Unfortunately, hindi sila nakasama dahil may inasikaso sila sa campus. So, that girl with blonde hair...siya si Edge, codename Libra at isa din siyang red rank killer. Yan namang lalaking kasama niya ay si Waze, codename Cancer." So, ibig sabihin ako lang ang hindi red rank dito. Nakakailang tuloy!

"Ano nga pala ability ni Edge, Waze at Venuz?" Tanong ko kay Clexon.

"Well, ang ability ni Venuz ay hypnotism. Kay Edge naman ay kaya niyang madetect ang weak point ng isang tao. Kay Waze naman ay powerful punch." Sabi ni Clexon.

"How about si Zelan?" I asked.

"Zelan is also known as Nightmare maker. Kaya niyang patayin ang isang tao by touching it."

"Ha? Paano?"

"Once kasi mahawakan ni Zelan ang isang tao, magkakaroon bigla ng bangungot ang taong iyon at hindi na magigising. But don't worry, nakokontrol naman ni Zelan ngayon ang ability niya." Sabi ni Clexon at nagulat naman ako. What the heck!

Napalingon naman ako kay Zelan na kanina pa nakaheadphones.

Bakit parang pamilyar ang mukha niya...

Napaisip tuloy ako kung gaano kadami ang napatay niya noong hindi pa niya kayang kontrolin ang abilidad niya.

Nang makarating kami sa third floor ay mabilis kaming naghati-hati ng kwarto. Kasama ko si Saquin habang si Clexon at Zelan naman ang magkasama. Magkasama din silang Venuz at Edge sa iisang kwarto pati na rin si Exel at Waze.

Kasalukuyan kaming nag-aayos ni Saquin sa aming kwarto. Syempre napakaganda ng kwarto namin. Halos isang bahay na sa laki tung kwarto.

Suddenly, tumunog bigla ang doorbell.

"Ako na!" Sabi ni Saquin at tumango nalang ako. Mabilis na binuksan ni Saquin ang pinto at bumungad sa kanya si Zelan. Saquin gave a smile at him.

"Napadalaw ka?" Sabi ni Saquin.

"I just saw you and that girl. Sandwich lang ang kinain niyo for breakfast kanina. So I bought you foods to eat. Kainin niyo yan at magpakabusog ka!" He said at bago pa kami makasagot ni Saquin ay mabilis na itong umalis.

"Hindi na tuloy tayo nakapasalamat. Nakakahiya kung kainin natin yan na walang pasalamat sa kanya." Sabi ko kay Saquin.

"Haha! Don't mind him. Lagi siyang ganyan sa mga team members niya. Tara kain na tayo!" Nakangiting sabi ni Saquin.

Napangiti naman ako sa kinikilos ni Saquin. Kanina pa siya ngiti-ngiti habang nakatingin sa pagkain na binigay sa kanya ni Zelan.

"Yiiieee! Crush mo nu!" Sabi ko kay Saquin. Napalingon naman si Saquin sa akin at kita ko ang pamumula ng mukha niya.

"A-anong pinagsasabi mo diyan?! Kain na nga tayo!" Depensa agad ni Saquin at napatawa nalang ako.

"Hahaha! Binibiro lang kita eh. Defensive masyado ni ateng!" Sabi ko at di ko napigilang matawa.

"Hindi ah! Kain na nga lang tayo." Sabi ni Saquin.

Pero di ko paring mapigilang ngumiti dahil...concern pala si Zelan sa amin ni Saquin. He's a great leader.

To be Continued...

Bet niyo ata si Zelan? Patay kayo kay Saquin. Doon nalang kayo kay Clexon o Exel. Ahahaha!

Anyways, thanks for reading.

X HIGH: School For Aspiring KillersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon