Chapter 24

999 35 3
                                    


X High
Chapter 24
Zylith's Pov

          "Sigurado ba kayo na bomba ang nasa loob nung bag na hawak nung  lalaki?" Sabi ni Draxez sa amin.

"Yup! Nakita ko ang amoy." Sagot naman ni Xiara at napatango nalang si Draxez.

"Tayo ba ang puntira nung lalaki kanina?" Tanong ko kay Saquin.

"Hindi ko alam. Ngunit mas okay nang nakalabas na tayo doon. Maya-maya lang ay sasabog na yung restaurant." Sagot ni Saquin.

"Kung tayo ang puntirya...ibig sabihin alam nila na isa tayong X High student." Sabi ni Clexon.

"Maybe...pero sino kaya ang nag-utos?" Seryosong sabi ni Zelan.

"Nandito na tayo..." Sabi ni Saquin at napalingon ako sa bintana. Nakita ko ang malaking hotel na pagmamay-ari ata ng leader ng Red Dracula Gang.

"Papasukin natin ngayon ang hideout ng Red Dracula Gang. Humanda na kayong lahat." Seryosong sabi ni Zelan saka kami isa-isang lumabas sa sasakyan. Huminga muna ako ng malalim saka pumasok sa hotel.

Nagcheck-in nalang din kaming lahat. Kasama ko sa kwarto si Saquin. Wala naman kaming dalang gamit except sa aming sandata. Syempre nag-imbestiga ang guard sa hotel na ito kung may dala ba kaming baril o ano man, may dala nga kami but hindi iyon nakita ng guard dahil sa kakaibang device na iniligay ni Zelan sa aming mga sandata.

"Zylith! We need to investigate..." Utos ni Saquin at napatango nalang ako saka kami lumabas sa aming kwarto at nagmasid-masid sa paligid.

Naglakad-lakad nalang din ako kung may makikita ba akong kakaiba sa lugar na ito. Pumunta ako sa may elevator at nakitang bumukas ito. Nakita ko ang isang lalaki na nakapamulsa. Mukhang 40's ata ang edad.

Lumapit si Saquin sa akin bigla then she whispered, "He's the boss..."

Tumango ako sa sinabi ni Saquin. May dala siyang envelope. Ano kaya ang nasa loob nito?

"We need to take that envelope." Saquin whispered and I just nodded. Nagplabo muna kami ng ilang segundo ni Saquin. Tumango-tango ako sa mga sinabi niya.

"Bakit ba kailangan nating kunin yang envelope?"

"There must be something on it. Just stick to my plan." She said.

"O-okay!" Lunok-laway kong sabi.

Agad akong sumunod sa paglalakad nung lalaki at paaksidenteng binigay siya. Nalipad palayo ang envelope niya at agad itong nakuha ni Saquin.

"So-sorry..." Sabi ko then he just smiled.

"It's alright. Are you okay?"

Kailangan kong gumawa ng conversation sa kanya upang makalimutan niya na may dala siyang envelope. Yan ang sinabi ni Saquin sa aming plano.

"Sorry talaga!"

"It's okay!" He said.

Isip Zy!!! Anong dapat maging conversation sa isang tu.

"U-ummhh...thanks for apologizing me. Can I ask your name?" Tanong ko.

"I'm Laruz. How about you?"

"I'm Zylith. Sorry talaga ah! Alis na muna ako." Sabi ko at tumango naman siya.

Saka ako tumakbo palayo sa kanya at siya naman naglakad, nakalimutan niya nga yung dala niyang envelope. Agad akong lumapit kay Saquin.

"Ano Saquin? Tinignan mo na?" I asked.

"Hindi pa. Ang galing mo dun ah!" Sabi ni Saquin.

"Kinabahan nga ako! Buksan mo nalang yang envelope." Utos ko at agad niya itong binuksan.

Nagulat ako nang makita ang mga litrato ng isang tao na may nakalagay na 'X'. Anong ibig sabihin nito?

"Ito ata ang mga target nila. Yang mga naka-ekis ay napatay na nila. At ito nalang isa ang hindi pa. Malamang papatayin na nila taong tu..." Nagulat ako nang makita ang litrato ni papa.

Si papa...ang susunod nilang papatayin. Hindi! Hindi pwede! Kailangan naming iligtas si papa.

"T-that's my dad!!! We need to save him. Please." Pagmamakaawa ko kay Saquin and she nodded.

"We will do our best to save your father. Tara at sabihin natin itong nakuha natin kay Zelan." Sabi ni Saquin at napatango nalang ako.

Nasa peligro si papa...

Sinaktan niya nga ako. Sinampal at tinadyak pa nga ako noon. Ginagawa nila akong robot. Lagi nila akong inuutusan ng kung ano at kailangan kong sundin upang makakain ako ng tatlong beses sa isang araw. Madaming ginawang masama si papa sa akin, pero mahal ko pa rin sila kaya ililigtas ko ang aking ama.

Agad kaming nakapunta sa third floor kung saan nandoon ang kwarto ni Zelan. Walang kasama si Zelan sa kanyang kwarto kagaya nung unang misyon namin. Gusto niya ata laging mapag-isa.

Sinabihan namin agad si Zelan sa aming nakalap na impormasyon. Everytime na may sasabihin kami ay tumatango lang siya.

"My father is in danger. He's the next target. We need to save him." Wika ko kay Zelan at tumango nalang siya.

I don't know kung bakit ang ama ko pa ang susunod na target ng Red Dracula. May nagawa ba siyang masama sa Red Dracula. Posible kayang isa rin siyang gangster...

"Alam ko na ang hideout. Tawagin niyo ang iba." Utos ni Zelan at tumango kami agad.

Tinawag namin ang iba at pumasok kaming lahat sa kwarto ni Zelan.

"Our plan is to kill all the Red Dracula members. Alam ko na kung nasaan ang kanilang hideout. May code ang hideout nila upang ito'y bumukas. I want you to hack it Kezno including the cctv's in their hideout and in this hotel." Tumango naman agad si Kezno sa utos ni Zelan.

"Once bumukas na ito, wag tayong padalos-dalos. Maghanap tayo ng mabisang paraan na makapasok tayo dun ng payapa." Sabi ni Zelan.

"Nasaan ba ang hideout nila Zelan?" Tanong ni Waze.

"Nasa baba!"

"Okay! Kung ganun. Let's go!!!" Sabi ni Saquin at tumango nalang kaming lahat.

Paparating na kami papa...just wait. We will save you...

Lailenee's Pov

        Mag-isa akong naglakad papunta sa opisina ko. Nang makaramdam ako nang isang taong sumusunod sa akin. Agad akong lumingon sa likod ko pero wala.

Naglakad nalang ako ulit. Ngunit may sumusunod talaga...papalapit ito ng papalapit. Nang makalapit na ito ay agad akong lumingon sa likod ko at tinadyakan ang taong sasaksakin sana ako sa likod ko. Agad naman siyang natumba.

"ACK!" Daing niya nang tapakan ko ang kanyang kamay.

"Sino ka?!"

"A-ah...I-I'm Gerald. So-sorry p-po, wala po akong intensyon na patayin kayo. Nautusan lang po ako na saktan ka. Hindi ko rin alam kung sino ang nag-utos...ma-may nagtext po kasi sa akin." Nauutal na sabi ni Gerald at pinakawalan ko nalang.

Mukhang alam ko kung sino ang taong nag-utos...

To be Continued...

THAAAANKS SA MGA NAGBABASA! COMMENT NAMAN KAYO DIYAN PARA MALAMAN KONG NAGBABASA BA TALAGA KAYO. Haha!

Anyways, X High achieved #68 in Mystery thriller. Labyoo sa mga nagbabasa! Haha!

X HIGH: School For Aspiring KillersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon