Police Killer (One shot)

89 2 0
                                    

"May nagawa kang assignment?!"

"Oh? May assignment pala? Sorry di ko nagawa."

"Gusto ko maglarooooo!"

"FEGASIHFJAZJ WHAAHAHAHAHAHA"

Ilan lang yan sa mga naririnig kong ingay dito sa room. Pano kasi isang oras na, wala pa rin yung teacher namin -__-

"HEYA HEYA! Uy, bat ang tahimik mo ha? Meron ka? HAHAHAHA. O wala ka ring homework? Pabayaan mo, wala naman si Sir Espino e. Tas advisory pa. YEHET!" Tanong ni Zara. Ang pinakabaliw kong kaibigan simula kinder. Siya daw si Oh Zara. Asawa niya daw kasi yung Sehan ba yun? Basta yung member ng EXO na mahaba ang baba. :D

"Homework? Ewan ko. Wala ata. And FYI lang ha, kakatapos ko lang! :P" sagot ko sakanya. Ang baliw kasi e.

Nagmake-face nalang siya at umalis na. Tss. Baliw talaga. Hahaha.

Daldal lang sila ng daldal dun hanggang sa pumasok si Tae Hyeon galing restroom.

Sino siya? Siya lang naman si Kang Tae Hyeon na crush ko mula Grade 1 at mahal ko since Grade 6. <3 Pure Korean siya at ako? Pure Pinoy lang naman. Hahahaha. Nagtatagalog naman siya dahil nung nag-transfer siya dito nung Grade 1 ay nakapag-aral na siya mag-tagalog.

Nakita kong lumingon siya ng kaunti sakin bago tuluyang umupo sa upuan niya na nasa 4th row. Pwede na ba kong kiligin?! Hahahaha :">

Ilalagay ko nalang sana ang earphone ko nang biglang sumigaw si Janine. Yung president namin.

"GUYTH~ Laro tayo ng police killer?! :D"

"Sigeeee~ Sali tayong lahat :)" Sagot naman ni Mikee. Yung baklang secretary namin. Hahaha.

Ayoko sanang sumali dahil di ko naman alam yun kaya lang inaya ako ni Zara at nakita ko rin si Tae Hyeon dun. So dahil nga umiiral ang kalandian ko, gora tayo. HAHAHAHA. XD

"Jessica, dito ka sa tabi ko daliii~" sabi ni Zara kaya sumunod ako.

"Ok guys. So ganto yun, kaya ko hiningi yung ID niyo ay para may cards tayo. Wala kasi tayong cards kaya ID nalang. Merong killer, healer, witness, judge at humans. Yung humans, epal lang yun. Wala silang silbi dito. Joke. Hahaha. ID ni Zara yung judge, ID ni Jessica ang killer, ID ko ang healer, at ID ni Mikee ang witness. Pag kinindatan ka, sasabihin monng "I'm dead" kasi killer yung kumindat sayo. Pag nakita mong kinindatan ka ulit, sasabihin mong "I'm alive" kasi healer yung kumindat sayo. Ngayon pag judge ang nabunot mo at ikaw ang kinindatan, PATAY NA TAYONG LAHAT. Pero kung human, healer, at police lang naman, isa lang ang patay. Yung witness naman, di siya pwedeng kindatan ng killer dahil una palang ay ibababa na niya yung card niya at magsu-suspect. Kunwari "I think Mikee is the killer." ganyan ganyan. Siya yung manghuhula. Pag police ka at nakita mong may kumindat, sasabihin mo siya ng "bang!". Yung healer, pampagaling lang siya. :3 Bago magsimula yung game, merong ibubulong. Kunwari may binulong ako sa katabi ko, ipapasa niya sa katabi niya hanggang umabot ng dulo. Yung magkakamali ng sabi, pwede siyang pagdudahan ng witness. BAWAL ULTIN KAHIT DI NAINTINDIHAN. So, Jessica, magsimula sayo yung bulong." mahabang paliwanag ni janine.

Bumulong na ko kay Zara... "Pepitongputingpating" hanggang sa umabot na sa dulo, kay Tae Hyeon.

Nakita kong tumingin sakin si Tae Hyeon bago magsalita. Uhh, teka kikiligin lang ako :"> Hahahahaha.

"Uhh. Pepitangputangputing? :3" sabi ni Tae Hyeon. HAHAHAHA.

6 lang ata yung nakatama e. XD

Ngapatuloy lang yung game hanggang sa si Tae Hyeon na ang bubulong.

"Saranghae, Jessica"

Uhh? Wuuuut? .___. Ano daw?!

Mahigit limang minuto na ata akong tulala dito. At nang mabalik ako sa wisyo ay napatingin ako kay Tae Hyeon na may hawak na rose at sa mga kaklase naming nasa harap ng board at may hawak na tarpaulin na may "Will you be my girlfriend?"

Lumapit sakin si Tae Hyeon at sinabi ang mga katagang nagpatunaw sa puso ko...

"Jessica Eden Hernandez, i love you. Matagal na kitang mahal. Nagpatulong talaga ko sa mga kaklase natin at kay Sir Espino para dito. Mula Grade 2, crush na kita. Ang cute cute mo kasi tapos ang ganda mo pa nun. Kaya na-attract ako sayo. Sinabi sakin ni Zara na crush mo daw ako at dahil don, nabuhayan ako ng loob at nagkaron ng pag-asang umamin kaya eto... sana tanggapin mo ang pagmamahal ko... will you be my girlfriend, Jessica?"

Grabe... di ako makapaniwala. Nangyayari ba talaga 'to?

"Yieeee OO NA bh3! XD"

"Sagutin mo na!"

"Kinikilig ako theeet~"

"OO DAW. XD"

Napatingin ako sa mga kaklase kong nagkakantsawan at kay SIr na nagtago lang pala. Hahahaha...

Sino nga ba naman ako para umarte diba? Matagal ko na kayang pangarap 'to!

"Matagal na rin kitang mahal Tae Hyeon... I love you too :"> so, yes!" sabi ko nang may ngiti sa labi.

Pinagdikit niya ang noo namin at hinalikan ako sa ilong sabay sabing "i love you more, baby :D"

--

HIIIII~ Thank you sa mga nagbasa nito ^^ Hahahahaha. First time ko lang po gagawa, so THANK YOU <3 sayang talaga yung 2000+ words na tinype ko dito kasi nabura. Sorry :(

Anyway, kung meron mang kaparehas 'to, sorry pero naisip ko lang 'to habang naglalaro kami ng mga kaibigan ko. HINDI KO GINAYA AT WALA AKONG GINAYA. Yun lang :D Thank youuuuu~

JESSICA AND TAE HYEON (see multimedia)

Cr: rightful owner

Police Killer (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon