Chapter 2

1 0 0
                                    

Faye's POV





Isang buwan na simula nung pumayag akong lumabas kami ni Benj ngayon na man lagi siyang nandito sa office ko hinihintay na mag lunch tapos lalabas. Medyo close na man na kami. Nakakapag biro na siya sa akin kahit papaano.

Pero himala ngayon wala siya ah tanghali na kasi eh, baka na man tinamad o kaya nagkasakit sa utak.

Bigla na lang may kumatok at medyo napatalon ako sa gulat. Nakita kong sumulpot yung ulo ni Anne. Hanggang ngayon kasi wala pa din akong secretary!

"Uh.. Miss Faye may dumating po na delivery." Tugon nito.

"Ano yon? Galing kanino?" Tanong ko.

"Wala pong pangalan kung kanino galing pero nakapangalan sa inyo." Sagot nito at tuluyan ng pumasok tapos may bit bit na bulaklak!

Ibinaba niya ito sa table ko at inayos. "Thanks...." Pabulong kong sabi at umalis na siya.

Tinignan ko yung letter kung galing kanino at ang naka lagay dito.

'Hi beautiful, i'll wait you outside.'

                                                      -B

Outside?.. Beautiful?.. Okay comin'! Kinuha ko na ang bag ko at inayos ang bulaklak pagkalabas ko ay inutusan ko si Anne na ilagay sa tubig yung mga bulaklak at ayusin niya ng mabuti baka malanta sayang na man.

Pagkalabas ko hinanap ko si B dahil yun lang na man nakalagay doon sa letter, paimportante pa eh. Nagpalinga linga pako hanggang sa may nakita akong pamilyar na likod habang nakasandal sa pamilyar na kotse.

Naglakad ako papalapit doon hanggang sa makalapit ako sa kaniya.

Tinapik ko ang balikat niya dahilan para mapalingon siya. "Ano 'yung arte mo na 'yun? May pabulaklak ka pa." Pataray kong tanong. Ngumiti lang siya at lumapit sa akin. Amoy ko ngayon ang mabango niyang perfume. Hays..

"Maarte ba tawag dun? Baka nga nangisay ka na sa kilig eh." Natawa nitong sabi.

"May pa letter B letter B ka pang nalalaman, paimportante pa." Nakangisi kong sabi.

"Arte mo din eh. Tara na nga mall tayo gusto kong maglakad lakad eh." Salita pa nito at pinagbuksan ako ng pinto. Sumakay na ako at sumakay na din siya.

"Ayaw mo muna bang magbihis? Naka pang trabaho ka pa eh." Tanong nito nang makasakay sa kotse.

"Wag na.. formal na man eh." Sagot ko at nagtaas pa ng kilay. Napailing na lang ito at pinaandar ang sasakyan.

Habang nagmamaneho siya ay mayroon siyang kinakausap kleyente yata about sa business eh tapos straight english pa.

"Okay sir.. yes sir.. okay bye.." Huling sambit nito ng makatungtong kami ng Mall.

"Mukhang importante ah?" Tanong ko.

"Medyo, mukhang mapapabalik yata ako ng france." Sagot na man niya.

Bumaba kami ng sasakyan at inalalayan niya akong maglakad hanggang makapasok kami ng mall.

"Gusto mo bang dumaan na muna tayo ng department store? You know.. girls thing." Nakatawa nitong sabi. Tumango lang ako.

Habang nagtitingin tingin kami sa mga damit dito ay may iba akong nakita, familyar na babae. Parang kilala ko siya. Pinagmasdan ko pa ng maigi. I knew it! Nilapitan ko siya at kinalabit.

Remembered: (Benjamin Sison)Where stories live. Discover now