PROLOGUE

12 1 0
                                    

"Sh*t! Sh*t! Sh*t!" napamura nalang ako ng makitang biglang bumilis ang oras ng bombang dinidefuse ko ng maputol ko ang kulay pula na wire na nakakabit dito.


Fvck! katapusan ko na!


5..4..3..2.....


Napapikit nalang ako at hinintay ang pagsabog ng bomba.


Pero halos ilang minuto na akong nakapikit ay wala pa rin akong nararamdaman na pagsabog. Unti-unti kong idinilat ang mata ko..


"Woohh!! Thanks God!"


Nakahinga ako ng maluwag ng makitang huminto sa 1 ang timer ng bomba.


Tumayo na ako at kinuha kaagad ang mga gamit ko.


"Nice One bro!" sabay tapik sa balikat ko na sabi ng partner ko na si Sven.


"Akala ko paglalamayan na ako mamaya. Wew! Punyetang bomba yun. pinakaba ako!"


"Imposible yun bro, matagal mamatay ang masamang damo"

bwesit na to. kinumpara pa ako sa masamang damo.


"Eh kung ikaw kaya ang patayin ko dyan"


"Wag bro! maraming magluluksang chikababes pag ako ang nawala" taas baba ang kilay na sabi nya.


"G*GO!" sabay batok ko sa kanya.


"tara na nga! inum na tayo. Hinihintay na ako ng mga chikababes ko sa bar" sabi nya at nauna nang lumabas ng gusali.


Saktong paglabas namin ay biglang nakarinig kami ng malakas na pagsabog


Napalingon kami pareho ni Sven sa nasusunog na gusali.


"PUTA! Kung di pa pala kita inayang umalis na. pareho tayong pinaglalamayan na ngayon." Napalingon naman ako kay Sven dahil sa sinabi nya.


"Shit! Alam ko nadefuse ko na lahat ng bomba!" inis na sabi ko.


"buti nalang pinalabas na lahat ng nasa loob. Ayst! tara na nga. Bahala na yung mga pulis at bumbero dyan." sabay talikod ng kumag.


Grabeeh! talagang balak pumatay ng kung sino man ang nagtanim ng mga bomba na yun. Tindi ng galit sa may ari ng kumpanya.


Iiling iling nalang ako na sumunod kay Sven.

DAYS WITH HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon