CHAPTER 2

10 1 0
                                    

sorry for the wrong grammars.. enjoy !

Lorraine's POV


"NEXXXXT!!" '

Sigaw ni direk dun sa mga nakapilang nag-o-audition para sa lead actor.


Grabee! di talaga ako nakahindi nung inalok sakin tong project na to. Wish Granted na para sakin. Tagal ko na kasing pinangarap na gumawa ng movie dito sa pilipinas at natupad na nga.

Em-so-EKSAYTEDDD!! halata naman diba? hoho.


Isa ako ngayon sa mga Judges na huhusga sa mga nag-o-audition. Infairness! puro mga gwapo sila. Pero wala pa talaga akong napupusuang maging Leading man ko.

HAHA! Choosy ko ba? Ganun talaga pag maganda. *flip ng hair*


Habang hinihintay pumasok yung next contestant, uminom muna ako ng tubig. grabee naman kasi kanina pa natutuyot ang lalamunan ko.


"Hi!"

Tiningnan ko yung kapapasok palang na mag o-audition habang nasa bibig ko pa rin yung bottled mineral water. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko.

“LORRRAAAIINNNEE! What the!” sigaw ng katabi ko matapos kong maibuga sa kanya yung tubig na iniinom ko.

“I’m sorry” hinging paumanhin ko at binigyan sya ng tissue. Naiinis nya namang kinuha iyon at pinunasan na yung braso nya na nabasa dhil sa pagbuga. Tumingin ulit ako sa stage.

Ow-Em-Gii! bat sya nandito??


Wag mo sabihing .... ??


"mag o-audition ka rin?" tanung ng bakla nameng direktor.


"yeah" maikling sagot nya at ngumiti pagkatapos.


Napangiti naman ang Direktor pati na rin yung ibang mga nasa judges habang ako ay nakatulala pa rin dahil sa shock!


"Ui te! bibig. Baka pasukan ng langaw. Masyado kang nagbighani sa kagwapuhan nya aa" bulong ng katabi ko na assistant/manager ko na si Janine.


Sinarado ko ang bibig ko at umayos ng upo. Kakahiya. kanina pa pala ako pinagtitinginan.


"Che! manahimik ka dyan" ganting bulong ko kay Janine.


"Introduce yourself Handsome" nakangiting sabi ng isa sa mga judges na babae. Grabe! di rin sya malandi eh no?


"My Name is Kier Martin Morris, 23 years of age. I L---" pinutol ni direk ang pag iintoduce nya


"Keith Martin Morris? Ikaw ba yung CEO ng Morris Enterprises pati ng pinakamalaking auto company dito sa bansa?"


"Yes sir!" nakangiti naman nyang sagot.


 "WOW! baket naisipan mong mag audition?" namamanghang tanung ng isang judge.


"Para maiba naman. You see, my life being a businessman is kinda boring so i want to try something new"


tss! walang pinagbago. Mahangin pa rin.


tumango tango lang ang mga judges at isa isang tumingin sakin.


"So Miss Lorraine, what do you think about him?" nakataas ang kilay na tanong ni direk sakin.


"Hindi po ba magiging sagabal sa BUSINESS nyo ang pagiging isang Lead Actor?" Inemphasize ko talaga yung business. la na akong ibang matanong eh.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DAYS WITH HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon