Keir POV
Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang misyon namen dun sa sumabog na building.
Grabeh. Hanggang ngayon di pa rin ako maka Get over sa nang yari. Kung di siguro talaga ako inaya ng Bestfriend ko na si Sven nun. Panigurado ngayon, nakalibing na ako.
Narito kami ngayon sa Opisina. Naghihintay ng susunod na assignment na iaassign sa akin.
Di pa pala ako nagpapakilala. Ako pala si Kier Martin Morris. Isang Special agent mula sa isang Detective Firm Company. Ano yung Special Agent? kami lang naman ang mga hinahire na Spy/Detective at minsan ay Bodyguard din ng mga sikat at kilalang tao. Minsan ay nabibigyan din kami ng assignment na katulad nung isang linggo.
Sa totoo lang mahirap ang maging isang Special Agent, dahil sa uri ng trabaho na ito, di maiiwasan ang magkaroon ng maraming kaaway.
Pero syempre bago kami isabak sa isang misyon ay tinitraining muna kami.
Pangkaraniwang Skills nalang namen ang pagiging isang Black Belter, Sharp Shooter, Bomb defuser, Hacker, at kung ano pang mga bagay na konektado sa trabaho namen.
Sa totoo lang itong trabaho na to ay parang pampalipas oras ko lang. I have my own company, pero mas pinili ko pang maging active sa ganitong larangan kesa umupo sa swivel chair sa loob ng opisina ko at magbasa at pumirma ng mga papers. BORING right?
kaya nga ako pumasok sa ganitong trabaho para naman may thrill ang buhay ko kahit konte.
"Ui pre!" Bati ni Sven ng makita akong nakaupo sa pwesto ko.
"oh ano? may lead na ba dun sa nagpasabog nung building nung nkaraang linggo?"
kay Sven kasi ibinigay ang pag iimbestiga dun sa pagpapasabog nung building nung nakaraang linggo.
"Yun nga eh! sumasakit na ang ulo ko, hanggang ngayon wala pa rin akong makalap na impormasyon" -Sven
"Mukhang mautak talaga yung gumawa nun ah! sinigurado talagang malinis ang pagkakagawa" -Ako
"Oo nga pre eh!, Nga pala! bat nandito ka? la ka bang gagawin sa Opisina mo ngayon?" -Sven
"Nandun naman ang kapatid ko para magmanage nun. Kaya nya na yun" sagot ko habang inaabot yung dyaryong nakapatong sa lamesa ko.
LORRAINE CHRISEL MEYER, BALIK PILIPINAS NA MATAPOS MALAMAN ANG NANGYARING PAMBOBOMBA SA GUSALING PAGMAMAY ARI NG AMA NYA.
"Ibang klase ka rin kier eh noh? may sarili ka namang kumpanya pero isinusugal mo ang buhay mo bilang isang Special Agent"
Di ko nalang pinansin si Sven at pinagpatuloy ang pagbabasa sa dyaryo.
"Matapos mabalitaan ang nangyaring pambobomba sa gusali ng kompanya nila, Lumipad agad patungong pilipinas ang sikat na Modelo na si Lorraine Chrisel Meyer upang tiyakin kung maayos ang lagay ng Ama.
Natatandaang lumipad patungong Europe ang dalaga, dalawang taon na ang nakakaraan upang doon ipagpatuloy ang kanyang Modeling Career. At hindi maipagkakailang mas sumikat pa ang dalaga dahil sa pananatili nya roon.
Mas nakilala ang kanyang pangalan sa buong mundo at mas gumanda ang kanyang career. Nang tinanong namin sya kung may balak pa syang bumalik doon ang naging sagot nya lang ay "I'm not sure yet, pero sa ngayon gusto ko munang makasama ang Dad ko"
"---dun bigla nalang ---- TEKA! nakikinig ka ba pre?" nawala ang atensyon ko sa binabasa ko at tumingin kay Sven.
"Sorry pre.. Ano nga ulit yung sinasabi mo?" tanong ko sa kanya habang tinutupi na ang dyaryo ..
"Ano ba yang binabasa mo?" sabay hablot sa dyaryo na itatabi ko na sana. Hinayaan ko nalang syang magbasa at uminom nung kape na kanina pa pala nasa lamesa ko.
"So nakabalik na pala sya. Lalo syang gumanda" sabi ni Sven habang nakatingin pa rin sa Dyaryo.
"Yeah. Mas gumanda nga sya" sabi ko habang umiinom pa rin ng kape
"so anong balak mo?" napalingon naman ako kay Sven dahil sa tanong nya.
"Wala" tumayo na ako at naglakad. Nakita ko kasing dumating na ang boss namen at dumiretso na ito sa Opisina nya.
"Anong wala? tagal mo syang hinintay na bumalik ah" nakasunod na rin pala ang kumag.
"wag muna ngayon" huminto na ako sa paglalakad dahil nandito na ako sa tapat ng opisina ni boss.
*TOK!* *TOK!* *TOK!*
tatlong katok lang ang ginawa ko at pumasok na ako kasunod si Sven kahit di pa sumasagot ang taong nasa loob.
"Good Morning Sir!" halos sabay na bati namen ni Sven kay Boss.
"Good Morning! tamang tama. May bago akong Assignment na ibibigay sa inyo."
"Ano yun sir?" tanong ni Sven
"Dahil sa nangyaring pambobomba nung nakaraang linggo. Naalarma si Mr. Meyer para sa kalagayan ng dalawang anak nya. Kaya kukuha sya ng dalawang magbabantay para sa mga ito"
mukhang mapapaaga ata ang pagkikita namen kesa sa inaasahan ko ah! tsk!
"Jackpot pre! tamang tama!" bulong naman sa akin ni Sven.
"Sa inyong dalawa ko iaassign ang pagbabantay sa dalawang anak ni Mr. Meyer, pero kailangang walang makahalata na binabantayan nyo sila. Kahit yung dalawang anak, dahil kung malalaman nila, may posibilidad din na malaman ng kaaway nila na binabatayan nyo sila. At maaalerto ang mga yun, ngayon pa nga lang hirap na tayong hanapin kung sinu-sino ba talaga ang gustong pumatay sa kanila panu pa kaya pag nalamang pinababantayan sila" mahabang paliwanag ni boss.
"eh sir panu yung pinapagawa nyo sakin?" tanung naman ni Sven
"Wag kang mag alala Agent Sandler, may inutusan na akong tao para pumalit sa gawain mo"
"Sir anong gagawin nameng plano para di makahalata yung dalawa na binabatayan namen sila" tanung ko
"Ikaw Agent Morris, ikaw ang magbabantay kay miss Lorraine. ang pagkakaalam ko, kinuha syang lead actress sa isang pelikula, ang gagawin mo ay mag audition ka bilang lead actor nang sa gayon palage mo syang mababantayan sa mga shooting nya. Ako na ang bahala para makapasa ka sa audition."
"Wow pre! sisikat ka na rin. Walang problema dun. Gwapo ka naman eh. Pero mas gwapo pa rin ako. Hahaha" Lokong Sven to. sarap batukan.
"Ikaw naman Agent Sandler, ikaw ang magbabantay kay miss Lovely. Dahil kasulukuyan pa syang nag aaral ng Accountancy. Mag eenroll ka para maging kaklase ka nya" pagpapatuloy ni boss
"Awww! mahina pa naman ako sa Accounting" nakasimangot na sabi ni Sven.
"Okay Gentlemens! Goodluck sa bagong assignment nyo" pagkatapos nun ay nagpaalam na kami.
"Goodluck pre!" sabi ko kay Sven sabay tapik sa balikat nya pagkalabas sa opisina ni boss.
Wew! matatry ko na rin maging Artista. Wala pa naman akong talent sa pag Arte! tss. pero mukhang mas malaki ang problema nitong kasama ko. Bukod sa masungit si Lovely ay maldita rin ito. Hahaha. ewan ko lang kung makakatagal tong kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
DAYS WITH HIM
Novela JuvenilMatapos ang di magandang nangyari sa relasyon ni kier at Lorraine ay nagtungo ang dalaga sa Europe para malimutan ang lalaki. Matapos ang di inaasahang pangyayari at pagbabanta sa buhay ng kanyang ama ay bumalik si Lorraine ng Pilipinas matapos ang...