Chapter One // Introduction

107 4 3
                                    

Ainne Fuentes

Madaling sabihin na mahal ko siya, pero kailangan ko muna makasiguro. Madaling makipag-kasundo sa kanya, pero dapat magtiwala siya sa mga sasabihin ko.

Shiz. Baka mamaya ma-weirduhan siya sakin? O baka isipin niyang andami ko pang dramang nalalaman? Pakelam niya ba, hindi naman siya ang gagawa kaya ligtas siya sa kahihiyan kung nagkataon.

Eh paano naman ako? Weird na nga na ako yung nag-first step tapos weird pa yung pamamaraan ko, *sigh* Ainne, kaya mo yan, be confident. Tsaka isa pa, mahirap na mag-aksaya ng panahon, lalo pa ngayon na soft-hearted siya, (I think) at open siya sa comfort.

“…sobra na siya, nakakapikon. *poke* Ainne, natutulog ka ba?”

“Mukha ba akong natutulog?”

“Ewan ko sayo, ba’t ba ko tinatanong mo?”

“Bakit mo din ba ko tinatanong kung natutulog ako? I mean, nasa canteen tayo tapos ganyan tanong mo? Sino na kamo ulit ‘yon?”

“Sino ang alin?”

“Yung sobrang nakakapikon na kamo.”

I watched her turned to abnormal from the not so normal face. Parang gan’to --> (*-*) to (=,=) At sumagot siya na para bang anlaki-laki ng kasalanan ko sa kanya.

“Ikaw.”

Mukha ko = o.O

“Dyan ka na nga, naa-abno ka na naman.”

“Ui Chelle!” Lumingon siya sabay dila.  >.<

Now I know. Kaya ako ganito, nahawa na ko kay Chelle.

Kevin Escueta

Madaling sabihin na hindi ako nasaktan sa nangyari, pero kailangan ko pa ring kumbinsihin ang sarili ko na totoo yun. Madaling maghanap ng iba, pero pano kung hindi ko kaya?

Totoo pala yung sinasabi ng mga ka-tropa ko.. na kahit gaano kalalaki ang isang lalaki, tiklop parin pagdating sa babae. Hindi lang basta babae, yung katulad ni Ashley. Bakit ba hindi ako naniwala, nakahanap tuloy ako ng katapat. Mas gusto ko pang maging playboy, kesa atupagin ‘tong nararamdaman ko at magmukhang mahina.

Feeling ko nababakla na ako. Hindi pwede. Sayang ang looks ko, andaming nagpapantasya sakin. Magpapaka-babaero na lang ako. Tama, mula ngayon playboy na ang role ko. Ipapakita ko sakanila na hindi ako mahina, na wala lang sakin yung ginawa ni Ashley. Hinding-hindi nila malalaman na nasaktan ako, akin na lang yun.

*1 Message received*

---------------------------

Fr: Icon Nico

Uy inom daw mya, sagot ni Jeff.

Received: 3:17 pm

---------------------------

Ayos talaga timing nitong mga 'to. Bukod sa kailangan ko ng kaibigan, kailangan ko din maka-limot. Magandang umpisa na magkaroon kami ng kasiyahan.

---------------------------

To: Icon Nico

Copy that.

Sent: 3:22 pm

---------------------------

Matutulog na nga muna ako, mamaya pa naman yon. Panigurado may kanya-kanyang ka-busyhan pa yang mga yan. Isa pa, masakit din ang ulo ko.

Okay na sana nang..

*1 Message Received*

"Tsk. Istorbo." -,-

---------------------------

Fr: Ainne

TGIF. Gudafternoon. :)

Received: 4:08 pm

---------------------------

Ainne? Ahh si Shara. Mareplayan nga..

---------------------------

To: Ainne

Gudafternoon.

Sent: 4:09 pm

---------------------------

*1 Message Recieved*

--------------------------

Fr: Ainne

Kmusta? Gawa mo? :)

Received: 4:10 pm

---------------------------

Hmm.. Ano ba..? 'Eto okay lang natutulog sana kaso nagtext ka..' Tsk wag yun..

--------------------------- 

To: Ainne

Ok lng. Nanunuod ng tv. Ikw ba?

Sent: 4:11 pm

---------------------------

*1 Message Recieved*

--------------------------

Fr: Ainne

Ahh. Pauwi plng, kala ko naistorbo kita. :)

Received: 4:13 pm

---------------------------

Uhm.. Naistorbo niya ba ko? Parang hindi naman ata? Hindi naman, okay lang pala. 

--------------------------

To: Ainne

Haha. De ayos lng un. :D

Sent: 4:13 pm

---------------------------

Matagal pa kaming nagka-text hanggang sa nag-babye na siya. Ayoko pa sana pero naisip ko rin na may lakad pa nga pala ako. Medyo nalimutan ko yung mga nasa isip ko kanina nung magka-text kami.. ewan ko ba, lagi niya ko napapatawa sa kakulitan niya. 

 Author's Note: Kung nabasa mo itong A/N ko, that means nabasa mo ang chapter 1 ng Me and You for 30 Days. Thank you! =) At dahil nagkaron ng author's note sa dulo, congrats to me, natapos ko ang first chapter nitong story na'to! =D

Comments // Vote // Dedications

Aila =))

Me and You for 30 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon