Chapter Three // Northern Costel High

101 4 4
                                    

Ainne’s POV

Kinuha ko na yung bag ko, “Ma, alis na ko ah.” Feeling ko nanunuyo lalamunan ko kaya uminom muna ako.

“Sige, ingat ka. Anong oras nga pala matatapos last class mo?”

“Hmm.. mga 3:30, bakit Ma?”

“Aalis kasi ako. Baka mauna ka pang maka-uwi sakin, may susi ka naman diba?”

“Ahh.. sige ma, ako na lang po bahala. Bye, love you take care mwuah mwuah tsup tsup.”

“Sige sige.. love you din. Bata talagang ‘to.” sabi ni Mama na natatawa habang umiiling.

Yeah, school again although today is Tuesday. Wala kasing pasok kahapon and luckily, maluwag ang schedule ko tuwing Martes. :D

-----

Northern Costel High, basa ko sa pangalan ng school na pinapasukan ko. Oo, isa kong highschool student sa edad na 17. Nag-stop kasi ako nung nabuntis ako when I was only 14. Alam kong mahirap ang ganung sitwasyon kaya naman.. nagpapasalamat ako at hindi totoo yung mga pinagsasabi ko. Echos lang ba. Teehee! ^O^

Ang totoo niyan, anim ang year levels dito. After 4th year, meron pang Junior High at Senior High. I am currently attending Junior High, section 5-B. Masyadong futuristic dito, ganyan na ang system nila since I studied here, samantalang ngayon pa lang naman pinapatupad yung K-12 diba?

Well, malaki ‘tong NC High. Imaginin mo na lang, yung population ng mga langgam sa buong mundo ay magkakasya sa volume nito, syempre minus the queen ants, malaki naman yun eh. Hmm.. sa tantiya ko medyo aapaw pa din sila dito, a little bit. So na-imagine niyo ba kung gaano kalaki to? Ako nai-imagine ko, ang hindi ko ma-imagine, kung bakit ganun ako magbigay ng example.

Pumasok na ko sa gate ng school. Quarter to seven pa lang kaya konti pa lang yung mga pumapasok. Sa may gilid ng gate pag pasok, nandun yung parking lot. Karamihan ng mga estudyante dito galing sa mayayamang pamilya kaya pinasadya na lakihan yung parking lot para sa mga truck na ipa-park nila dito.

Wait may naisip ako, since may dalawang oras pa ako bago yung first class ko, bakit hindi ko na lang karerin yung pagiging tour guide ko, noh?

So yun, sa harap ng gate, may pathway na diretso, sa gilid nun yung parking lot. Paglampas dun, Gymnasium naman, ka-hanay lang yun ng parking lot. Malaki rin yung gymnasium kasi dyan madalas ganapin yung mga events ng school.

Grabe nakaka-pagod, bakit ko ba kasi naisipang lakarin ‘tong pathway na ‘to. Ay oo nga pala kailangan ko kayong ipasyal dito para naman hindi kayo maligaw.

Okay, punta naman tayo sa mga hallway ngayon. Dito makikita yung mga classrooms, school facilities, mga CR pati na yung Faculty Room. Yung mga classrooms dito magkakasama yung magkakaparehas na section kahit different years.

Example; pag punta mo sa hallway 1, nandun ang mga classrooms ng section A, years 1-6, magkakatapat yun. Ang nagdi-divide sa hallway 1 at 2 ay yung mga locker ng section A students at yung CR pati na rin yung Faculty.

Hallway 2 ang location ng classroom ko. Sa end nun, ganun din; locker ng section B, comfort room then Music Room. Hanggang hallway 8 ung building na ‘to, enough para sa eight sections ng students. Syempre sa section A yung mga pinaka-magagaling. As in hindi dapat bumaba sa 93 ang average na makukuha mo, pag bumaba, mapupunta ka sa section B kung swerte ka.

Then section H naman yung last section. Karaniwan sa nandito, yung mga hindi na pinapakialaman ng mga magulang nila. I find it a bit unfair, pinepresyuhan kasi dito yung magiging section ng mga anak nila, well exception yung section A. Pero the rest, pwedeng ipalipat ng mas mataas na section basta may datung.

Honestly, marami akong classmates na nadaan lang sa ka-ching ka-ching kaya sila nandito. Sabagay, may maidadahilan din naman sila. Kung mapupunta ka kasi sa hallway 8 kung saan nandun yung section H, makikita mo yung pagkaka-iba ng trato sa kanila kumpara sa mga nakatataas na section. Maraming sirang gamit na pinapagamit pa rin sa kanila. Marumi yung CR at parang wala talaga silang matututunan. Kaya kahit konti na lang ang mga estudyante doon, lalo pang nababawasan dahil mas pinipili na lang nung iba na wag ng pumasok.

Binaba ko na muna yung gamit ko sa locker. O, okay na yung chinika ko sa inyo ah, saan na muna kaya ako tatambay? I still have one hour.

Si Chelle kaya? Nako baka nga naka-hilata pa yun ngayon eh. Pero sige text ko na rin siya.

Kinuha ko na yung cellphone sa bag ko para i-text si Chelle. Kaya lang may nalaglag ako..

“Ay. Anuyon?” ahh yung keychain pala. Yumuko ako para kunin yun.

Pag lakad ko, bigla akong na-out of balance at nadapa habang nakaka-sabay ko at nakaka-salubong ang mga kapwa estudyante kong naglalakad sa hallway. Kasunod nun ay mga tawa galing sa mga tao na pinagtuunan ng pansin ang pagtawa sa pagkakadapa ko. =__=

“Ganyan ka ba, Ainne?” sabi ng isang nakakakakaaa-iritang boses galing sa likod ko. “Napaka-careful mo naman. Ha-ha.” Sino pa, edi si Ashley. >.<

Ha-ha your face! Gahh. Nadali na naman ako nitong abong babae na ‘to. Kainis! Tapos para pa akong tanga dito, ni hindi manlang mag-effort na tumayo.

“Ano, Ainne, naghihintay ka ba ng magtatayo sayo dyan at tatawagin mong Prince Charming? Knight in Shining Armor? Baka mamaya makita mo dyan si Frog--"

Naputol ang pagsasalita ng bruha, pano nagdilang anghel ba naman. Syempre hindi yung tungkol kay Frog Prince, may dumating kasing lalaki at tinulungan niya akong tumayo..

Author’s Note: Aww. Pasensya na kung ambaduy nito. Minadali ko kasi eh. Tiyaga tiyaga na lang, bawi next time? Anyways, thank you!! =))

Vote // Comment // Dedicaaations

Ailaaaa ;))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Me and You for 30 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon