P r o l o g u e
*****
Sabi nila, pag mutual na daw ang feelings niyo sa isa't-isa, meant to be na? Well, that's not it.
Dahil una sa lahat, mutual lang ang feelings niyo, porket ba ganun alam mo nang liligawan kana niya? Don't assume things na alam mong may pagka-imposible.
Pangalawa, naconfirm mo na ba? What if naglalaro lang siya? Wag kang pakasigurado, mutual feelings only means like, not love.
Pangatlo, mutual nga ba talaga? Baka naman infatuation lang ang lahat,
At pang-apat, yung nararamdaman mo ba totoo talaga? At hindi ibig-sabihin ng mutual ang feelings niyo, MU na kayo, mutual understanding ang ibig-sabihin nun, feelings niyo lang ang mutual, eh yung pagkakaintindihan niyo ba? Magkaiba rin ang love sa like, baka mamaya yung akala mong love na, like lang pala, be sure. At kung akala mo, uso pa ang 'happily ever after', well, nagkakamali ka, hindi na uso yan dahil every relationships have problems, rare ang isang perfect lovestory.
Lastly,---
"Ah ayoko na ngang basahin 'to!" Sigaw ko.
"Ano ba? Maganda kaya yan, marami kang matututunan about love." Sabi sakin ni Yumi.
Bakit? May pinapabasa kasi saking libro si Yumi, a book all about love. Ayoko namang basahin, kasi lahat ng alam ko tungkol sa love, kabaligtaran nung nakasulat sa libro.
"Hay nako bahala ka nga jan." Sabi niya sabay hablot ng libro sa kamay ko at walkout.
"Bahala ka rin! Che!" Sigaw ko sa kanya.
Hindi naman siguro ganun yun diba? Na kapag mutual ang feelings niyo sa isa't-isa wala paring kasiguraduhan na may happy ending, ang alam ko kasi, ganun yun, pag mutual ang feelings okay na, okay na lahat, happy ending, yung ganun, hindi naman ako tanga eh, nagmamahal lang. Wala naman sigurong masama kung
Umasa diba?
*****
BINABASA MO ANG
Hoping Its You [ H I A T U S ]
Romance"Sabi nila, pag mutual na daw ang feelings niyo sa isa't-isa, meant to be na? Well, that's not it." || ©BabyLuluManlyDeer