C h a p t e r 1
*****
SAIGE
Alam nyo yung feeling na ang sarap sarap ng tulog mo sa araw ng sabado pero may epal na gigising sayo ? Kung oo may karamay ka.
"GISING NA ATE KAKAIN NA TAYO !" sigaw sakin ng bwiset kong kapatid. Ang aga aga panira ng tulog 'to !
"Aish ! lumayas ka nga dito Cleo at saka pwede ba wag kang sumigaw !" sigaw ko sa kanya sabay bato ng unan.
"Pero ate ang gwapo gwapo ko para gisingin ka sayang lang boses ko sayo ! Kaya please lang bumangon ka na dyan at may date pa ko !" sigaw niya sakin. Aba't sumasagot pa 'tong batang 'to ah at ano may date daw sya !?
"Eh hindi ka naman pinipilit na gisingin ako at ang bata bata mo pa feelingero kana ang panget mo kaya walang magkakagusto sayo noh. Bleehhh~"sabi ko sa kanya sabay dila, pero syempre joke lang yun ang gwapo kaya ng kapatid ko kung hindi ko lang yan kadugo nako baka boyfriend ko na yan, HAHAHA.
"Joke lang naman yun ate eh KJ mo talaga bahala ka na nga dyan !" sabi nya sakin sabay labas ng kwarto ko. Sa wakas umalis na rin mga bro.
Pero narinig ko ulit na bumukas yung pinto, tinignan ko kung sino yun at nakita ko si Cleo. Ano na naman bang problema neto ?
"ATE HINDI NA KO BATAAAAAA !" sigaw nya sakin. Hahaha ang cute talaga magalit ni Cleo !
"OO NA BABY BRO !" sigaw ko naman sa kanya ang sarap kasi nyang asarin. HAHA.
"Bwiset ka talaga !"
- - - - -
Habang kumakain akong magisa, oo magisa bwiset iwanan ba naman ako dito mag isa sa bahay nila mama and daya daya talaga nila pagbaba ko kasi kanina may nakita akong note sa ref umalis na daw sila kasi ang bagal ko kumilos kaya iniwan nila ako, paulit ulit lang mga men. Lonely tuloy ako gusto ko pa naman sumama sa kanila, pero ayus lang kasi solo ko naman ang bahay. *le evil smile*
So yun nga, habang kumakain ako bigla kong naalala yung libro na pinabasa sakin ng bestfriend kong si Yumi yung all about love chu chu na yun.
"Bwiset na libro yan sana hindi totoo !" kasi baka hindi nya naman talaga ako gusto baka inlike lang talaga sya sakin, pero meron din sa part ko na nagsasabi na totoo yun eh.
"WAHHH !! Naguguluhan na k-- aray ko naman !" epal to ah nag momoment yung tao eh bigla na lang manghahampas ng kung ano man yun.
"Ang ingay ingay mo kasi may natutulog kaya sa taas ." akala ko solo ko yung bahay hindi pala.
"Malay ko ba !" sigaw ko sa kanya sabay pout >3<
"Ah teka kuya Cyrus kala ko sumama ka kila Cleo ?" tanong ko sa kuya ko, natural alangan naman na tanungin ko yung mesa. Duh~
BINABASA MO ANG
Hoping Its You [ H I A T U S ]
Romance"Sabi nila, pag mutual na daw ang feelings niyo sa isa't-isa, meant to be na? Well, that's not it." || ©BabyLuluManlyDeer