Is it this time?

34 2 0
                                    

A/N: it is my dream and i can vividly remember this as f*ck SO I DECIDED TO WRITE IT.

Enjoy~

--

Tahimik ang daan habang tinatahak ko ito.

"Mami, whewe awe we going?"-tanong ng batang nasa tabi ko.

"Baby kela lolo tayo pupunta."-nakangiti ko namang tugon at binalik ang tingin ko sa daan.

"Matawgal pa pow ba mami?"-nakangusong sabi nito habang naglalaro ng stuff toy niyang hugis strawberry.

Napangiti naman ako sa itsura niya bago sumagot.

"Unti nalang okay? 5 minutes and we will be there."-sabi ko at tiningnan uli ito sa mabilis na paraan.

Nakita ko naman ang pagtango niya at hindi na sumagot pa sa halip ay nagpatuloy nalang ng paglalaro.

Habang binabagtas ko ang daan ay di ko mapagilang mamangha sa nakikita ko.

Nakakatuwang ang isang walang kalaman laman na lugar noon ay puno na ng magagandang bahay ngayon. Nagiging progresibo na talaga ang mga tao dito.

"Mami, saan na pow tayo?"-pag ulit na tanong ng batang nasa tabi ko.

Natawa naman na ako ng tuluyan sa pagkakatanong niya. Mararamdaman mo ang pagkainip niya.

"I wannaw play na po with lolo and lola."-sabi niya habang bahagyang pinipisil ang laruan niyang strawberry.

Natatawa ko namang iniabot ang kamay ko sa kanya kahit na nakatingin ako sa daan.

Hindi naman ito kumibo kaya naman nilingon ko siya ng bahagya. Nakita ko ang pagkakunot ng maliit niyang noo na para bang hinuhulaan niya ang gagawin ko sa kanya.

"Give me your hand, baby"-page-encourage ko naman sa kanya.

Tinagilid nito ang ulo ng bahagya kaya naman lalong lumawak ang ngiting nakapaskil sa labi ko.

Nagaalangan man ay pinili pa din niyang abutin ang kamay ko.

"Okay diba tinuro ko naman na sayo yung sawsaw suka?"-sabi ko habang nakatingin sa daan dahil malapit na din kami.

"Yes pow. Like this."-sabi nito at ginawa nagsawsaw suka nga sa kamay ko.

Naglaro naman kami ng naglaro hanggang makarating kami sa isang bahay.

"Nandito na tayo"-masaya kong anunsyo.

Tumaas naman ang dalawang kamay ng batang ito at sumigaw pa. Natatawa ko namang sinilip ang labas.

Nauna akong bumaba at napakunot ang noo ko ng may makita akong isang di pamilyar na sasakyan ang nakaparada di kalayuan sa kung saan ako nagparada. Marahil ay may ibang bisita sila.

Agad ko namang binuksan ang kabilang pinto para ibaba si Vanadium.

"Lets go baby!"-nakangiti kong sabi pagkatapos ay inalalayan siya pababa ng sasakyan.

Agad naming tinahak ang malawak na hardin nila Papa at napansin kong parang may mga gamit na nakatabi sa gilid na ginagamit na panggawa ng infrastructure.

Marahil ay gagawa ng maliit na pahingahan ang Papa sa gitna ng hardin niya habang napapaligiran ng magagandang bulaklak.

Nang makarating kami sa ay agad naman na kumatok ako at bumungad sa akin si Mama.

"LALA!"-tili ni Vanadium at sinugod niya ito ng yakap.

"Vana my little darling~"-nakangiting sabi ni Mama

Is it this time? (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon