I love my Father, I really do.
Siya yung pinaka idol ko sa lahat ng bagay. Mas gusto ko yung damit na pinapasuot niya kaysa sa damit na ipinasusuot sakin ni Mommy. Mas gusto ko yung tokong at t-shirt kaysa sa dress o palda. Siya rin yung kakampi ko kapag pinapagalitan ako ni Mommy dahil sa kakulitan ko. Naaalala ko nga noon minsan kong binalak na lumayas sa bahay namin dahil pinalo ako ni Mommy. Pero sabi ni Daddy matulog nalang daw kami. Napakasaya non kahit pa masakit ang puwitan ko dahil sa palo. Pano ba naman iba ang taglay kong kulit, pero kahit na ganon ayos lang kasi nandito si Daddy. Pakiramdam ko walang kahit na sino ang makakapanakit sa akin kapag nandiyan siya sa tabi ko.
Siya ang kauna-unahang lalaking minahal ko, ibinigay niya sa amin ang lahat. Sobrang swerte ko di'ba? Mahal na mahal ko yung Daddy ko. At mahal na mahal niya rin kami ni Mommy. Isa kaming perpektong pamilya kung titignan mo. Isang pamilya na hinihiling ng lahat. Isang masaya at buong pamilya. Masaya, sobrang sarap sa pakiramdam hindi ba? ang magkaroon ng ganitong uri ng pamilya?
Ngunit ang masaya at perpektong pamilya na hinahangaan ko ay nagkalamat, akala ko puro saya lang. Mali ako nakita ko ang kabilang mukha ng saya. Nakita ko ang sakit. Naramdaman ko ang unang pagkabigo. My Father was my first heartbreak.
"Jasmine,hindi ko alam kung kanino ko susulat."
"Sige." sagot ko kay Bella, na kanina pa naghihimutok kung bakit ba raw kami pagsusulatin para sa mahal namin sa buhay pwede naman daw i-chat nalang. Last subject na namin at heto nagawa kami ng sulat at kailangang ipasa rin ngayon. Nag iisip din ako kung sino ang susulatan. Si Bella nalang, mukhang ako rin naman ang balak niyang sulatan.
"Jasmin, tayo nalang magsulatan hehe, alam mo naman hindi ko hilig ang magsulat hehe" sabi na e ano naman kayang kalokohan ang isusulat ng babaeng to, nung huling beses na pinag gawa kami ng ganito ako rin ang sinulatan niya, and guess what kung ano nakasulat? isang malaking smiley face. Sweet nang kaibigan ko hindi ba? hahaha
"Oo na, bilisan mo at mag ta-time na." tahimik na gumawa kami ng sulat para sa isa't-isa at ipinasa at sabay na lumabas ng silid.
"Sabay tayong umuwi Jasmine,wala kasi si Kuya may laro sila ngayon." pag aaya ni Bella
"Sige,pero sasamahan mo ko bumili ng mga gamit bukas hahahah"
"Oo--"
"At libre mo."
"Ano?!" Nanlaki ang mata ni Bella, siya lang naman ang kaibigan kong kuripot, isang himala na manlibre si Bella.
"Thank youuuu Bellaaaa!"