Maulan na umaga ang bumungad sakin, friday ngayon at wala kaming pasok dahil may event ang mga teachers.
Bumaba na ako para mag agahan, ako at ang kapatid kong lalaki ang nasa bahay si Mommy naman ay nasa work na. Ang Daddy naman ay mamayang 10:00 am ang uwi. Nagluto na si Mommy ng bacon,egg at sinangag.
Patapos nakong kumain ng marinig ko ang kapatid ko na pababa nang hagdan, tumayo ako para ipaghanda siya ng makakain. Ganito kami kapag kami lang ang naiiwan sa bahay. Madalas akong maunang magising sa kaniya,tulog mantika yon kaya hindi ko na sinusubok na gisingin sa umaga.
"Ate, pupunta dito ang mga kaklase ko gagawa kami ng project sa science"
"Sino-sino ba kayo? Aalis din kasi ako mamaya pupunta kaming Galleria ni Bella."
"Ganon ba, ate. Nag paalam naman ako kay Mommy kagabi bago matulog na pupunta dito ang mga kagrupo ko. Pumayag naman siya ate."
"Oo nga, pero sino ang mag luluto para sa mga kagrupo mo?"
"Kami ng bahala doon ate"
"Hmm, siya sige. Wag kayong magkakalat sa bahay ah? Ang Daddy ay tatanghaliin ng uwi dahil sa traffic"
"Oo ate, wag kang mag alala hahaha hindi magkakaroon ng bagyo sa bahay lalo na sa kusina mo hahaha" aba, ang loko nitong batang to ha? Nako mayayari ko to kapag magulo ang bahay!
"Loko! Hahaha"
"Anong oras ang uwi mo ate?"
"Hindi ko pa alam e, 9 am alis ko siguro mga 3 or 4 nandito na ako"
Tango nalang ang isinagot ng kapatid ko. Iniwan ko na ang pinagkainan ko sa kaniya. Matic nang siya ang maghuhugas ngayon dahil umaga at nahuli siya ng gising. Umakyat nako para maligo nang magvibrate ang phone ko sa kama.
Magandang Kuripot Calling...
[Hello?]
[Hoy! Jasmine! Libre ko ba talag--]
[Oo!!!] Bilis na sagot ko at pinatay ang tawag. Tignan mo naman tong babaeng to.
Nakaligo na ako at nakapag bihis nang pagtuonan ko ng pansin ang phone ko. Ang daming message galing kay Bea. Hindi raw siya nakatulog kakaisip na mababawasan ang pera niya. Hahahah nireplyan ko nalang siya na magkita nalang kami sa entrance ng Galleria.
It's 8:30, tumila na rin ang ulan. Naglagay lang ako ng light eyeshadow, light blush at peach liptint, tapos polbo. Hinayaan ko nalang bagsak ang brown straight hair ko. Ang suot ko ngayon ay ang plain black v-neck shirt at fitted jeans, teternohan ko nalang to ng maroon converse na sapatos. Ang dala ko lang naman ay wallet at phone. Nakita ko ang yellow hoodie ko kaya kinuha ko na rin.
8:50 am, tinawagan ko si Bella para sabihin na paalis nako. Paalis na rin daw siya. Bumaba na ako para magpaalam sa kapatid ko.
Nasa couch ang kapatid ko at busy sa cellphone.
"Alis nako, ikaw na bahala wag magkakalat sa bahay ha?" Pag-agaw ko sa atensyon niya. Tumingin din naman siya sakin.
"Opo ate, ingat ka" at ibinalik niya na rin ang paningin sa cellphone.
"Sige na" lumabas nako ng bahay at sumakay sa tricycle. Palabas ng subdivision namin. Naglakad lang ako ng kaunti papunta sa sakayan ng jeep.
San Pablo! San Pablo! San Pablo! Isa nalang aalis na!
"Kuya, San Pablo"
"Kuya, San Pablo" ugh. Sana ako paunahin ni manong makasakay
"Sa susunod na kayong magnobyo sumakay"hah? Magnobyo?
"Nako hindi po, manong hindi ko ho siya kilala hehehe" sagot ko kay manong para ako ang pasakayin. Ladies first diba?
Hindi! Manloloko ka! Bitawan mo ko!
Naagaw ng ingay na yon ang pansin ko, may nag aaway sa unahan ng jeep.
"Manong,San Pablo po?" tanong ng babaeng nakasabag ko sa tricycle kanina. Diretso siyang pumasok sa loob ng jeep. Mukha no choice nako. Sa susunod na jeep na ko sasakay. Patalikod nako ng magsalita si manong.
"Kayong magjowa, doon na kayo sa unahan. Wag kayong mag aaway katulad nung kaninang nakaupo doon ha hahahah" ang kulit talaga ni Manong
Nandito pa pala yung lalaking naging dahilan para hindi agad ako makasakay. Tinawanan ko nalang si Manong at dumiretso na sa unahan ng jeep. Sunod ring tumabi sakin yung lalaki kanina.
"Manong, sa Galleria lang po" abot ko ng bayad sa driver.
"Galleria lang ho" abot din ng lalaking katabi ko.
Diretso lang ang byahe, ilang minuto pa ang aabutin dahil sa traffic. Tinext ko si Bella na baka ma-late ako dahil traffic. Nag okay naman agad siya at sinabing malelate din naman daw ang pinsan niya. Ngayon nga rin pala niya igagala yung pinsan niya.
Nag Facebook lang ako at nang mainip ay, tumingin sa harap ng jeep at pinanood ang mga sasakyan. Napatingin ako sa rear mirror ng jeep,nakita kong nakatitig sakin mula sa salamin ang lalaking katabi ko. Mabilis kong iniwas ang tingin ko at hindi na muling ibinalik ang tingin sa salamin.