(1) That Kpop Hunk is my Lover.

246 12 4
                                    

(1) THAT KPOP HUNK IS MY LOVER

 

"Queziah!" 

Inirapan ko yung tumawag sa akin. Tangeng bestfriend. Alam kong magpapainggit lang iyan. Haish! Kay sarap niyang sabunutan. 

Once in a lifetime nga lang sila makakapunta dito sa Pilipinas eh nagkataon namang hindi pa ako makapunta. Lesheng buhay ito. Nanghihinayang ako. Boset!

Kung wala lang sana akong failing grade edi sana makapunta ako dun sa concert ng maylabs ko. Bwesit. Kasalan ko pa ngayong maging bobo. Tinapunan ko ng maikling tingin si Kuya. He was smoking, again. 

Rebelde sa magulang. Puweh. Akala mo naman kung sinong may kayang tugunan ang sarili. Eh, kahit isang almusal, hindi nga makabili, may parebelde-rebelde pa. Ano ka, kuya? Tanga. 

"See this? Ticket sa concert ng labs koo! Wahahaha mainggit ang mainggit!" Nasa harapan ko siya. Habang mukhang nakakain ko na yung ticket na kanina pa niya idinidikit malapit sa mukha ko. I rolled my eyes heavenly as I pushed her away. 

 

"Ha-ha! Grabe, naiinggit ko! Omy!Tsss."  Sarkastik kong sabi. 

 

"Hmmm, ano kaya ang gagawin ko nooh? HINDI ka naman makakapunta dun, WALA kang ticket beshi eh!"  Sabi nito habang nakangiti ng loko. May pahagod hagod sa likod pa na nalalaman. Kakaiba itong punyetang barbie ha!

 

Humugot muna ako ng hangin. Tsaka siya nginitian ng mapilit. "Fuck you beshi." 

 

Tumawa ito. Tawang aso. "How I love to hear your cuss beshii. Parang hindi ka isang Tan." 

Alam ko. Eh sa maimpluwensya ang Tan. Pamilya ko. Apelyido ko pala.  Ewan, hindi ako yung tipong mahinhin. Ew lang. I'm just Queziah Tan. And I so love Choi Jonghun. 

Speaking of Jonghun! Shit! Next week na concert nila. Punyetang buhay ito, aabangan ko nalang sila sa airport. Basta mahawakan ko lang siya at makita sa personal, okay na. 

Napapanting na isinara ko ang mga mata ko habang kati-kati ang ulo kong hindi makati. Puta talaga! Kahit anong pilit ko sa sarili ko, hindi ko pa rin makumbinsing hindi ako makakapunta sa concert nila. 

I just yawned boringly as I saw the familiar look again in our usual place. Pwede ba, tantanan na ako nito? Nakakairitang manliligaw. Bwesit. Hindi naman ako nagpapaligaw. 

Gwapo siya. Chinito. Parang Jonghun. Habulin ng mga babae. 

Pero apat ang mga mata. Kung talagang malabo alng mga mata ko, mapapagkamalan ko talaga siyang si Jonghun. Seriously, I never met someone like Jonghun before. Pero sabi ko nga, hindi malabo ang mga mata ko. Jonghun dislikes eyeglass. Neither am I. 

He's not Jonghun.

He's just a dimwit four-eyed guy.

KORNI STUFFS (One-Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon