NICOLE'S POV
Hay!First day of school.Pinaka ayaw kong araw dahil siksikan,mainit,matrapik at mahihilo ka pa sa kakahanap ng room mo.Umaga palang magulo na.Hinahanap ko yung room ko at kanina pa ako nahihilo kahahanap non.At sa wakas nahanap ko na rin,nandito lang pala to!.
Pagkapasok ko doon ay napansin ko na lahat ay nakikipag usap sa kaniya-kanyang kakilala,ako lang yata ang walang kakilala dito.Umupo ako sa pinakahuling upuanpero bago ko pa tuluyang maisayad yung pwet ko sa upuan eh may nagpaalis na sakin agad.
"Oopppss!Ako dyan miss."Sabi nung babaeng maganda ang mukha at may maputing balat.Sa itsura palang niya eh alam mo na agad na anak-mayaman siyaat alam mo na ring agad na masama ang ugali.Tinitigan ko lang siya at tuluyang umupo.Hayy sa wakas nakaupo na rin.Tiningnan ko ulit siya.Masama na ang pagkakatitig niya sakin kaya tinitigan ko rin sya ng masama.
"Aalis ka dyan or i will kick you out of this room"Mataray na saad niya at pinipilit akong hinihila paalis sa upuan.Nakatawag na kami ng pansin at lahat ay nakamata na samin.
"Teka nga!"Sigaw ko at pinalag ang braso kong hinihila niya.Tumayo ako at lumapit ng kaunti sa kanya at ganon parin ang ayos niya.Mayabang na tindig,mataray na tindig at ngiting hindi friendly,yung ngiting dapat mo siyang kilalanin at sambahin.
"Ako ang unang nakaupo dito at ako ang unang nakahanap ng upuang ito"Sabi ko sakanya.Ang mga kaklase ko naman ay walang imik.
"Ako lang naman ang anaka ng may ari ng school na ito"saad nito na ikinagulat ko .Nakita kong ngumisi siya dahil siguro sareaksiyon ko.Hindi ako pwedeng matakot dito dahil lang anaka siya ng may ari ng school na ito.Umayos ako ng tayoo at tumitig sa kanya.Tinaasan niya ko ng kilay kaya tinaasan ko din siya ng kilay.
"Ano naman?"sarkastikog tanong ko.narinig ko ang mag kaklase ko na nagbubulung-bungan.
"How dare you to answer me like that?"at isang smapal ang dumapo sa mukha ko.Hindi ako nakailag at ang sakit non ah.Lalong lumakas yung bulung-bulungan.
'Masyado kase'
'Kala mo kasi kung sinong matapang'
'Buti nga'
Yan yung ilan sa mga naririrnig kong sinasabi nila.Dahan dahan kong pinihit yung mukha ko paharap sakanya.Nakngisi siya sakin at isang sampal ang binigay ko sa kanya. Napasinghap ang lahat sa ginawa ko,bakat yung kamay ko eh.Hehe. Sasampalin na niya sana ako nang biglang...
"Anong nangyayari dito?"napatingin lahat sa bagong dating.Isang babaeng matangkad,may seryosong mukha,naka high ban yung buhok at don ko narealize na siya yung teacher namin.
"Anong nangyayare dito?"ulit nito sa tanong niya nang walang sumagot.Lumapit dito yung babaeng kasagupako.Akala ko magsusumbong siya at mapapalayas na ako sa school na to pero..
"Wala pong nangyayare dito"napakunot yung noo ko.Mas lalong napakunot yung noo nag lumapit siya sakin at inakbayan ako.Ningitian pa niya ako ng matamis.
"Diba nakikipagkaibigan lang ako?"baling niya sakin.Ah takot ka pala.Tumingin ako kay Ma'am ewan na nag aantay lang ng sasabihin ko.
"Maam oo maam nakikipagkaibigan lang siya sakin"ngumiti ng masaya yung kumag na nakaakbay sakin."Ganda nga ng greeting niya sakin ehh may kasamang sampal"

YOU ARE READING
TSINELAS+SKATEBOARD=LOVE
Teen FictionPaano kung dahil sa tsinelas mo at skateboard niya,mabubuo ang lovestory niyo??