2

5 0 0
                                    

"Tadeo!" mas binilisan ko pa ang paglalakad na maulinigan ang boses na tumatawag ng surname ko. It's been a week and since then di ko na naramdaman pa yung peace na kelangan ko. Aside from having Kelly as my bestfriend there's another one na kelangan kong iwasan si Ej! Bakit ba habulin ako ng mga good looking people is this sumpa? Nagdalawang isip ako ng nasa dulo na ko ng hallway may dalawang hallway pa kasing makikita nasa kanan at kaliwa hindi ko alam kung saan mas magandang magtago and finally I decided to go left kasi nga may kasabihan 'If there's nothing goes right go left' corny no? Pero mukhang mali nga yata. Napapikit ako ng makita ko sa harap ko ang lalaking makangiti wagas. 'Naku! Parang awa mo na wag kang ngumiti marupok ako yung dimple mo jusko naman' nasa utak ko lang naman lahat ng yan but I remain poker face. Lumihis ako ng landas pero hinawakan nito ang braso ko. Napapikit nalang ako sa sobrang inis.

"bilis mo namang maglakad Tadeo talent mo ba yan? Sabay na tayo pumasok iisa lang naman klase natin." mabilis akong umiling siguro iisipin ng karamihan I am so pabebe but the truth is ayaw ko lang talagang maging usap usapan lalo na kahit bago pa lang si Ej sa school eh sobrang sikat na niya like Kelly and I am nothing but a big trash. Dapat di sinasama yung mga basura sa ginto.

"sorry ah may pupuntahan pa kasi ako eh."

"san ka naman pupunta?"

"tapon basura" after saying that lame excuse mabilis akong tumalikod narinig ko ang tawa nito. Di na ko lumingon pa sa pag aakalang di na siya susunod pa but I'm wrong inakbayan ako nito saka nito ginulo ang buhok ko.

"cute mo talaga" saka ito tumawa. Aliw na aliw sa akin mukha talaga siguro akong clown. Cute? Ng alin? Mga pimples ko? Tinabunan ko nalang ng mahaba kong buhok ang mukha ko sa kahihiyan malamang sa malamang nakaagaw na ko ng karaming atensyon.


Nasa classroom na kami. Di kami magkaklase ni Kelly halos lahat naman yata ng subject di kami magkaklase nahiwalay kasi siya sakin ganun naman talaga dapat hinihiwalay sila sakin.


"san ka maglalunch mamaya? Sabay tayo. Anong gusto mo libre kita? Turuan mo ko sa assignment natin ah? Sabay ba kayo ni Kelly maglalunch? Pwede din ba ko sumabay? Nakakalungkot kasi kumain ng mag isa. Ano madalas niyong kinakain na magkaibigan? Masarap ba? Allergy kasi ako sa hipon baka kasi yun yung trip niyo. Di ko ng-" padabog kong ibinagsak ang mga gamit kong ipapasok ko sana sa bag ko. Grabe. Wala na kong masabi. Masyado siyang madaldal para sa isang lalake. Tinitigan ko siya ng masama lumaki angmga mata parang sinasabi na wala siyang ginagawang mali. Ang inosente.

"di mo man lang ba kayang manahimik kahit 1 min. Lang?" pakiusap ko dito agad naman nitong hinawakan ang bibig matagal itong nakatitig sa akin na mas lalo kong kinainis "ano bang problema mo?" di ito nagsalita nanatiling tikom ang bibig nito. "sumagot ka nga!" lumawak ang ngiti nito parang batang binigyan ng laruan.

"pwede na ko magsalita?" I quit. That's it. Wala na kong magagawa sa kanya ganyan na talaga siya. Napailing nalang ako tsaka tumayo ng tuluyan ng maayos ang mga gamit ko. And as usual sinundan na naman ako nito.


"Paseo!" napahinto siya sa tawag pero tuloy tuloy lang akong naglakad. Wala naman akong kinalaman dun eh. Ganyan din naman ako kay Kelly ayoko lang makinig sa pag uusapan nila. Dapat lang akong manahimik. Paalis na ko ng maramdaman ko ang hawak nito sa kamay ko pinagsiklop niya ang aming mga daliri. Without any question I stare at our fingers intertwined with each other as if this is just normal but my hearbeat isn't normal anymore. Nakatulala lang ako dun nabalik lang ako sa reality ng marinig ko ang tanong niya.

"huh?" ngumiti siya ng malawak naemphasized na naman nito ang dimple niya lagi naman kahit pag nagsasalita lang siya.

"tinatanong kita kung pwede ba ko sumali sa basketball team?" ngumiti ito as if seryoso siya na hingin ang approval ko. Kumunot ang noo ko.

"bakit ka sakin nagpapaalam?" umiling lang siya as a response tsaka tumawa. Hinarap muli nito ang kausap saka tinanguan.

"anong favorite number mo?" he asked me again and this time I told him na 18 then sinabi niya ito sa lalaking kausap niya. After that conversation we walked and we remain like that walking while holding hands. Nakapagtataka lang kahit alam kong imposible sobra akong natutuwa this is all new to me I've never been touch by anyone I mean yung mahawakan man lang kahit buhok ko maliban kay Kelly and of course sa family ko. Si Ej is the only guy na nakahawak ng kamay ko. This is not right Evette wag kang magpadala he is just making fun of you wag kang umasa. Malabo pa sa pagputi ng uwak na magkagusto siya sayo. Not even in your wildest dream.



"Paseo for three!" nagsigawan ang crowd ng makascore ng tres si Ej siya ang nagpanalo sa team. How could someone be so handsome and talented at the same time? Isn't unfair? Nung nagpaulan yata ng magagandang traits naligo si Ej nagbaon pa ng sabon malamang. I cheer kahit na matanggal pa yung vocal chords ko alam kong useless di rin naman niya maririnig nandito kami ni kelly sa pinakataas and unlike me she is just quiet the whole time hanggang sa mag end yung game ganyan siya everytime na magkasama kami ni Ej. Akala niya siguro nawawalan na ko ng time sa kanya.


"ayos ka lang ba kelly?"

"sobrang close niyo na ni Paseo ah. Iba na ba bestfriend mo?" natawa ako sa sinabi nito.

"ano ka ba? Iba naman yung tayo tsaka yung kanya." nanlaki ang mga mata nito parang may sinabi akong kakaiba. Iniharap ako nito sa kanya tsaka niya pinagkrus sa may dibdib niya ang kanyang mga braso.

"Umamin ka nga. Anong meron sa inyo? Anong iba?"nanlaki ang mata ko sa tanong ni kelly alam ko na kasi kung anong tumatakbo sa isip nito. Nag init ang pisngi ko.


"What I mean is babae ka tapos lalake siya iba yung trip niyong dalawa ganun pero ikaw pa rin naman yung bestfriend ko. Wag ka nga mag isip ng kung anu-ano." May sasabihin pa sana ito ngunit nalamon na ang kanyang boses ng sigaw ng mga audience. Napalingon ako sa court nakita kong ininterview si Ej hindi ko alam yung tanong pero nakita ko siyang tumingin sa gawi namin saka ngumiti nagtinginan din yung mga audience samin.


"I like her for a long time. Siya lang naman inspirasyon ko eh. She is my ideal girl." Nagtilian pa lalo ang mga audience. Nag init na naman ang pisngi ko. Tinitigan ko si Kelly. Nakatulala lang ito. kinalabit ko siya nagulat siya.


"Ikaw ba yung tinutukoy ni Ej?" Hindi ko alam pero parang may lungkot sa mga tanong niya. Agad ang ginawa kong pag-iling.

"Ha? Ano bang sinasabi mo? Imposible yang sinasabi mo no." Tumango tango ito. Nakuntento sa sinabi ko.

Inaya na ako nitong umalis hindi na namin inantay pa si Ej alam naman naming magcecelebrate pa sila ng team niya. Nakakatuwa lang habang pinapanood ko siya number 18 kasi yung jersey niya. Nag init na naman yung pisngi ko ng maalala yung ginawa niyang confession kanina. Ayoko naman mag assume but hindi ko maiwasan lalo na yung titig niya kanina and yung mga galaw niya parang may ipinapahiwatig na kakaiba. 'Oh come on Evette hopia ka na naman ba?'

I took a shower when I went home matutulog na sana ko ng makareceive ako ng text from unknown person

Unknown:
'Goodnight pretty'

Di naman sa pag aassume pero isang tao lang y sa isip ko. Another beep of my phone

Unknown:
'EJ at your service miss ;)'

Wala na finish na

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon