♪♫ ➢ All My Love Is For You - Girls Generation
It takes a second or two for the recalling moments to sink it.
Kahapon. Lahat ng nangyari kahapon hanggang ngayon.
Umpisa sa pagsundo niya sa 'kin papuntang concert using his bodyguards, sa VIP seat thou hindi niya naman alam na may ticket talaga ako, sa pagdala sa 'kin sa bundok to watched the moon and the stars. Ah! Good thing, I'm still alive. Si Deus ba naman pagdrive-in nyo, sinong hindi kakabahan?
Sa pag-inom ng soju kasama siya while knowing each other not just about who we are but also to care about why we are, sharing each other's thoughts and opinions, n-nakatabi ko pa siyang matulog. Tapos ngayong umaga lang, he's interested to learn Filipino at hinatid niya pa 'ko rito sa hotel.
I feel my lips stretched wider into gaping grin as I entered our room. Naputol lang nang makita ko si Mj with phone on his ears while typing like a keyboard warrior on his laptop. Mukha siyang busy. Ni hindi niya nga napansin ang pagpasok ko.
Dahan-dahan kong ibinaba ang aking bag sa tabi, tinanggal ang boots at umupo sa kama. Gusto ko sana siyang pagalitan ngayon pero dahil para siyang pagod at maraming ginagawa, pinili ko na lang na hindi. Oh my piggy...
"Thank you sir," aniya sa kabilang linya at ibinaba ang phone sa tabi. Itinaas niya ang mga kamay para mag-unat kasabay na malakas na paghikab na parang si Tarzan pa ang tono ng boses.
"Hayop talaga..." komento ko.
"Ay hayop ka!" at sa gulat ay napatalon pa siya sa kanyang kinauupan, mabilis siyang umikot para lingunin ako. "Bakla~" tawag niya sa maliit at nakakairitang boses saka ako nilapitan para yakapin. "Sabi ko naman sa 'yo, lakas makatanan 'yang outfit mo eh."
Pinaikot ko lamang ang mga mata kahit ngiting-ngiti siya. Aba, hindi ko pa rin nakakalimutan ang hindi niya pagsagot sa 'kin ha.
"Ano? Magkwento ka naman day."
"Anong ikukuwento ko? Yung paglabas ko ng Tokyo Dome at madatnang wala ka roon ha?"
"Sus~ Paano kung dumating ako, edi hindi mo siya nakasama?"
Even if it's true, I can't still accept it. "At least reply to me, you bitch!" at hinampas siya sa balikat. "Kasi nag-aalala ako sa 'yo. Kahit nasa room ka lang, iniisip ko kung anong nangyari sa 'yo at bakit hindi ka sumasagot ha."
Iniwas naman niya ang buong tingin kung bakit pinanliitan ko siya ng mga mata. "Teka nga, sige sabihin mo sa 'kin. Bakit parang may nililihim ka ha?"
Humiwalay si Mj sa akin at halos mapunit ang kanyang mukha sa lawak ng kanyang ngiti. Tumalon-talon siya sa kama at pabebeng binagsak ang katawan saka humalakhak na parang demonyo. Sinasapian ba 'to?
"Tanda mo ba nung kailangan kitang iwanan dahil sabi ko may kikitain ako?" tanong niya at gumapang palapit sa 'kin.
"Oh?" Isa pa pala 'yon, grrr!
"I met this girl named Kang Yeon Rin, 24 years old, isang Creative Director sa isang fashion company sa Korea."
"Really?"
"I know kapwa ko vajayjay pero she's really cute."
Anong... assumera talaga 'tong bakla na 'to. "Paano mo nakilala?"
"Syempre naman day, hindi naman papahuli ang ate mo pagdating sa itsura." and he tapped his hand twice under the chin and smiled confidently.
"Paano mo nga nakilala?" pag-uulit ko.

YOU ARE READING
Euphoria // hiatus
General Fiction✧ why becoming a fangirl is the best thing I ever did. #PHTimes2019