SA PAGLILITIS

13 0 0
                                    

Habang mahimbing na natutulog ang binata, nagising ito sa mga kalampag ng rehas.

"Mondragon! Ngayon na magsisimula ang paglilitis mo!"

Nagulat ang binata. Hindi man lang niya naipatawag ang kaniyang abogado.

"Nasaan ang aking abogado?"

"May abogado na kami para sa iyo"

"Hindi maaari. Habang inaaresto niyo ako sinabi niyong may karapatan akong ipagtanggol ang sarili at kumuha ng abogado! Ngunit hindi ko iyon nakikita sa ngayon"

Sinikmuraan siya ng isang pulis.

"Makulit ito eh. Ipatawag mo na ang abogado nito, si G. Santiago, isang bobong ginoo. Di ko alam kung bakit nakapasa iyon, ngunit hindi na niya maipapanalo ang kasong ito!" sigaw ng isa pang pulis at nagtawanan silang lahat.

Si Rafael mismo ang kumausap sa abogado.

"Ginoo, isama ninyo ang aking ama, ina, at ang aking kapatid!"

"Oho senor, papunta na kami jaan"

Hindi naman nagtagal ang paghihintay nila at nakarating ang abogado at pamilya Mondragon.

"Kuya! Ang bata mo pa para ika'y makasuhan. Edad 21 ay nililitis ka na!"

"Maria! Ika'y bata pa at di mo pa ito alam-"

Hindi pa tapos ang usapan at sumigaw na ang isang pulis.

"Kailangan nang umalis, pasunudin mo ang angkan mo sa lakad at isama mo ang abogado mo sa loob ng sasakyan!"

Ganoon nga at nagtungo na sila sa korte suprema.

Naglalakad ang pamilya kasama ang napakaraming pulis. Nagulat sila sa napakaraming mamamahayag sa lugar. Tinanggihan ni Rafael na makipanayam sa mga taong iyon.

At sa pintuan papasok ng korte, nagkasabay ang kampo ng alkalde at ang pamilyang Mondragon.

"Hindi kita naging kaibigan, at mas lalong hindi ka namin kauutangan ng loob" galit na wika ni Don Gustavo.

"Tingnan nalang ho natin sa korte ang magiging desisyon." wika ng alkalde na may tono ng pagka-kumpiyansiyado.

Tuloy-tuloy sa pagpasok ng korte ang alkalde sabay bumulong ang abogado ni Rafael.

"Senor, malakas ang kutob ko na minanipula na ni Alkalde Renato ang magiging sistema ng paglilitis"

"Huwag kang mawalan ng pag-asa ginoo, katotohanan ang mananaig" sagot ni Rafael habang papasok ng korte.

Nang umupo na ang panig ng mga Mondragon, at si Rafael, nagtanong ito:

"Senor pulis, di ho man lang ninyo ba ako lalagyan ng panangga sa bala ng aking katawan?"

"Don Mondragon, mas gugustuhin pa ng alkalde na ika'y mamatay kaysa makulong lamang sa piitan."

Napatahimik nalang si Rafael dahil magsisimula na rin ang paglilitis.

"All rise for the honorable Judge Crisanto Peralta"

"Proceed"

Habang nagsisimula ang introduksyon, bumulong si Rafael kay G. Santiago.

"Ginoo, bakit ganiyan ang sinasabi nila sa mismong korte suprema, ni isang salita ay hindi ako nakarinig ng Tagalog"

"Ganiyan talaga ang pamahalaan senor, nagpapamukhang edukado e pare-pareho din naman tayong dugong local"

Sa KasalukuyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon