Chapter 1

297 9 22
                                    

•°•♥•°•

It's just a normal day for Jiraine. Waking up at 5am, getting ready for school, eating breakfast at Starbucks with her best friend Ysabella, and going to school. Nasanay na ang magkaibigan sa ganitong routine. Both of them love studying and being independent. Pareho kasi silang walang kapatid.

Being a 2nd year Medical Student is sure tough for Jiraine and Ysabella. Doble pa ang stress na inaabot ng magkaibigan dahil pareho silang honor student. Jiraine is a very quiet person. Ayaw niya sa maiingay na lugar. Mahilig naman siyang kumanta at tumugtog ng violin.

Kasalukuyang kumakanta si Jiraine ng "The Only Exception" sa ilalim ng puno ng mangga, siya ay nag-u-unwind dahil malapit na naman ang exams nila.

♪ When I was younger, I saw my daddy cry and curse at the wind

Ang pagkanta ay nakakapagpakalma sa kanya. Naalala niya ang kanyang 7-year crush niya na si Raphael. Walang nakakaalam na may crush siya sa binata. Ang hindi alam ng dalaga na may tao sa likod ng puno dahil sa sobrang tahimik dito. Tuloy lang siya sa pag-awit.

♪ He broke his own heart and I watched as he tried to reassemble it

Raphael was sleeping, nagising na lang siya ng marinig ang magandang boses ni Jiraine na kinakanta ang kanyang paboritong kanta.

And my momma swore that she would never let herself forget. And that was the day that I promised I'd never sing of love if it does not exist,

Manghang-mangha si Raphael sa boses ni Jiraine. Bihira lang kasi siya makarinig ng magandang boses.

♪ But darlin' you are, the only exception, you are, the only exception

Biglang sinabayan ni Raphael sa pagkanta si Jiraine. Nagulat si Jiraine na may sumabay sa kanya sa pagkanta. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang malalim na boses na iyon. Biglang napatigil ang dalaga sa pagkanta ngunit tuloy pa rin ang binata sa pagkanta.

♪ You are, the only exception, you are, the only exception

Nagtataka siya kung sino ang sumasabay sa pagkanta niya kaya't hinanap niya ang boses na yun. 'Ang ganda naman ng boses na yun! Kanino kayang boses yun?'. Nagulat si Jiraine na makita si Raphael na nakanta. Kinikilig ang dalaga at the same time nagtataka.

'Ang gwapo talaga niya kahit nakapikit siya! Kyahhhh! First time ko lang siyang mapagmasdan ng ganito kalapit si krass!' isip ng dalaga. Naramdaman naman ni Raphael na may tao kaya't siya ay napatigil sa pagkanta. Biglang naalerto si Jirah.

"Uhmm, Hello?" Nakangiting panimula ni Raphael. "Ikaw ba yung kumakanta kanina? Ang ganda ng boses mo" dugtong ng binata habang inaalala ang magandang boses ng dalaga. Biglang namula si Jiraine sa puri ni Raphael. Aba! Sino ba naman 'di kikiligin 'pag pinuri ka ng crush mo. Ang lakas ng tibok ng puso ng dalaga. 'Uwaaaaaaaaa! Pinuri niya yung boses ko ayieeee!!!' kinikilig na isip ni Jiraine.

"Ako nga pala si Raphael Alistair Santos, but you can call me Raphael. At ikaw naman si?" Nakangiting pagpapakilala ng binata. Kanina pa kasi nakatulala si Jiraine sa kanya.

"A-Ako s-si J-Jirain-ne. J-Jirai-ine D-Deian-neir-ra P-Par-ragua." Nauutal na sabi ng dalaga. 'Sh*t! Na-weirduhan ba siya sa akin? Uwaaaa' hindi mapakali na isip ni Jiraine.

"Ano nga pala yung course mo? Ngayon lang ata kita Nakita sa university." Tanong ni Raphael. "BS Psychology" Nakangiting sagot ni Jiraine. "Ikaw?" Tanong ni Jiraine. "Civil Engineering" Sagot ni Raphael at napatango na lang ang dalaga. 'Alam ko naman na eh hehehehe' sabi ni Jiraine sa sarili niya.

Dug dug dug dug dug dug

Sobrang lakas ng tibok ng puso ng dalaga. Tunaw na tunaw na siya sa ngiti ni Raphael. Bigla naman dumating ang kabarkada ni Raphael na si Jimuel at Glenn na bumasag ng katahimikan. "Hoy Raphael! Nandito ka lang pala. Kanina ka pa naming hinahanap." Bungad ni Jimuel kay Raphael. "Hoy Lalake! Sino 'tong babaeng 'to? Ipakilala mo naman!" Sabi ni Glenn habang tina-taas baba ang kanyang makapal na kilay. Napa-irap naman si Raphael sa ka-ingayan at kalaswaan ng dalawa niyang kaibigan.

"Tsk. Wala umalis na kayo! Mga epal talaga kayo!" Inis na sabi ni Raphael. "Bakit naman? Pinupormahan mo ba siya?" Nakangising tanong ni Glenn. "What the hell?! Kakakilala pa nga lang naming eh." Sabi ni Raphael habang naka-kunot ang kanyang noo. 'Wahhhhhh shcusdcnsdcnkscnscnsjcns ANG CUTE TALAGA NIYA KAHIT NAIINIS NA SIYA! ANG SARAP PISILIN YUNG CHEEKS NIYA' Kinikilig na isip ni Jiraine.

"Hep! Hep! Hep! Taph taph na Fafa Raph!" Malanding awat ni Jimuel. Nandiri si Raphael sa biglaang asta ng kaibigan. Hindi niya na alam kung sadyang sabog lang si Jimuel ngayon o may lihim na pagnanasa sa kanya ang kanyang kaibigan. 'Yieeeeee! Ang cute ni Bebe Raph ajuju' Marupok na sabi ni Jiraine sa kanyang sarili.

"Tara na! Baka kung ano pang mangyari dito. Tinawag ka lang namin dahil malapit na yung klase. Ay sh*t! Ma-la-late na tayo" Pagpapaalala ni Glenn. "Ahhh..... Oo ng apala! Bye muna Jiraine!" Pagpapaalam ni Raphael. Mabilis tumakbo ang tatlo dahil ma-la-late na sila.

[Jiraine's POV]

"Bye....." Mahina kong paalam habang pinapanood ko silang umalis. Shems! Ang gwapo talaga ni krass hihihi! For the first time in 7 years nakausap ko na rin siya! Hay naku! Ba't kase ang gwapo niya! Ang ganda talaga ng ngiti niya. Kaya pala pamilyar yung malalim na bose dahil sa kanya pala yun.

Teka anong oras na ba? Tiningnan ko ang aking relo at nagulat ako ng makitang 2:06 PM na! Shit! Bakit 'di ko namalayang 2:06 PM na. Hala late na ako sa klase! Pisti naman oh! Kasalanan kasi 'to nung karupukan ko. Hayst! Lagot na naman ako kay Ms. Flores! WAHHHHH TAKBO NAAAAAAAAAA!!!

•°•♥°•
A/N: Naka-928 words din sa wakas! I hope you like Chapter 1💕

Secretly Admiring from AfarWhere stories live. Discover now