•°•°♥°•°•
Jiraine's PoV
"Jiraine Deianeira C. Paragua! Gumising ka na! Hoy gumising ka na dali! Kakain muna tayo!" Gising sa akin ni Ysa. Syempre bilang masunurin na nakababatang pinsan sumunod ako sa kanya.
Hmm... Good mood ata ako ngayon? Feeling ko may magandang mangyayari eh.
"Himala hindi umangal ang babaita! Pasalamat ka at ginising kita para kumain! Naku! Naku!" Sabi niya naman sa akin. Napa-tss na lang ako sa ka-ingayan ng aking pinsan. Hehe! Good mood ako ngayon eh!
"Oh! Tara na't kumain!" Yaya ko sa kanya dahil gutom na rin ako. "Ay teka.... Asan ba tayo?" Tanong ko naman sa kanya.
Hindi naman kase ako pamilyar kung asan kami. Hindi din naman ako masyadong gala 'di katulad ng kasama ko. Alam niya kasi kung saan yung pasikot-sikot. Ang alam ko lang ay nasa Tagaytay na kami dahil napakahangin dito.
"Nasa Tagaytay na tayo. At since nag-c-crave ako ng bulalo kakain tayo sa Leslie's tayo, yung pinuntahan natin last 3 years bago mag-Pasko." Sagot naman niya.
Hayss..... Nakaka-miss din yung bulalo dito sa Tagaytay! Matagal na din akong di nakapunta dito.
"Uwa!!! Pasok na nga tayo! Nagugutom na akooooo!" Dugtong pa niya. Sumunod na lang ako dahil gutom na rin ko kakatulog. Hehe!
* * * *
Ang sarap ng bulalo! Gusto kong bumalik dito! Grabe alam kong 8:36 AM pa lang pero feeling ko lunch na HAHAHAHAHAHA! Kumain nga kami bago pumunta dito pero eto pa rin kami, lumalamon.
Teka lang! December 6 na pala! Sh*t! Birthday ni JC ngayon!!!!!
JC, short for Josephine Christine. Siya yung batang babae na bine-babysit naming nung dito pa kami nakatira sa Tagaytay. Kapitbahay namin siya pero tinuring na rin naming kapatid ni Ysa. 13 years old na pala siya ngayon, ambilis talaga lumipas ng panahon!
"Hoy! Pupunta nga pala tayo sa Picnic Groove mamaya para sa birthday ni JC, don't worry kaunti lang tayo kasi yunng ka-close lang ni JC yung nandoon. Pero bago yun, kailangan nating mamili ng foods para sa picnic. Alangan naman wala tayong i-ambag dun! At saka baka gabing-gabi na tayo makabalik sa condo." Sabi ni Ysa tapos hinigop ulit yung yung sabaw.
"Ahh... Pero nakabili ka na ba ng gift?" Tanong ko naman sa kanya. "Oo, ako pa! 'Di ko malilimutan yung birthday nung batang babae na yun!"
HALA! Ako lang yung hindi nakaalala! Sisihin niyo yung crush ko! WAHAHAHAHAHA! Kinikilig pa rin ako ngayon sa nangyari nung nakaraan na araw. Fresh na fresh pa rin yung nangyari nun! Narinig ko na dati nung boses niya habang kumakanta siya nung Music Fest sa school namin. Pero syempre iba pa rin yung feels! Isipin mo yung crush mo sinabayan kang kumanta tapos kayong lang dalawa nandoon! AYIEE HAHAHAHAHAHAHAHA
'Di ko napansin na tumatawa na pala ako mag-isa. Bigla ko na lang tinakpan yung bibig ko. Grabe nakakahiya. Tumalsik pa naman yung mga kanin, huhuhu!
YOU ARE READING
Secretly Admiring from Afar
Romance"I like you," Jiraine directly said to Raphael, then she continues "-for a very long time."