Chapter 8

5 0 0
                                    

Colette's POV

2 weeks na ang nakalipas simula nung nakilala ko yung guy na nahulog galing langit at napilayan.. Pero wala namang nangyayari sa akin.. Wala namang palaka sa locker ko,Hindi naman ako nabuhusan ng slime or what. Eh diba kasi sabi nung guy na nahulog galing langit at napilayan na magbabayad ako? Ay! Baka pera nga yung bayad! Hala! 2 weeks na kong hindi nagbabayad! Baka may interest yun ah! 

*RRRIIINNNGGG!!*

Ay bell na pala! Maka-akyat na nga! Oo magisa lang ako. Yung Justin na yun hindi na ko sinasamahan,Hmp. 

Pag-akyat ko walang tao sa classroom namin.. Ano meron? 

May nakita akong lalaki na nakayuko,May hinahanap ata sa bag. 

"Psst.. Ay,Anu ba pangngalan neto.." Hindi ko pa kasi memorize yung mga pangngalan ng tao dito eh. 

"Uy!" tawag ko sakanya. Ayun,Lumingon.

"Bakit walang tao?" tumingin lang siya sakin at umalis na dala dala yung jogging pants niya. Bakit ang we-weirdo ng mga tao dito? Napipikon na ko ah,Walang kumakausap sa akin. Nung isang araw nga eh nung wala pa teacher namin naisipan kong kausapin yung katabi ko tapos tinanong ko siya kung napanood niya ba nung nasira ni Vice Ganda yung TV screen sa showtime tapos tawa ako ng tawa tapos siya nakatingin lang sakin. Hindi ba nakakapikon yun?! 

Ayy nevermind na nga,Bigla kong naalala na PE pala namin ngayon. 

PE?! WAAAH!! Ayoko naaa!!! Alam niyo ba kahapon pina-jumping jacks ako ni Coach Chua (Coach namin sa girls) dahil nakita niya ko na nainom. Bawal na ba uminom ng tubig?! Nasaan ang hustisya?! 

.

.

*PRRRRRRRRRRTTTTTT* (whisle yan ha? XD)

Pumunta na ko sa place kung nasaan sila at si Coach. 

"OKay girls,Wala si Coach Chua so boys turuan niyo nalang ang mga girls magbasketball. Okay?" sabi ni Coach Drei. Yung coach nung boys.

"Ano ba yan! I hate basketball!"

"Yess!! WhooO! Basteball tayo!!"

"Hay nako! My feet will be masakit nanaman!"

"I know right. Ugh."

Ayan,Puro ganyan mga naririnig ko. Aarte naman netong mga to. 

"So boys,Turuan niyo na yung girls. Kunin niyo yung bola dun." tapos umalis na si COach Drei.

"Hey! Turuan kita!" biglang sulpot ni Justin. Itong Justin na to! Kung saan saan nasulpot! Parang pimples NIYO lang. XD

"Nah,Marunong ako." pagmamayabang ko. Totoo ah,Tinuruan ako ng mga pinsan ko dati magshoot.

The Journey of the 9 FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon