Chapter 13

3 0 0
                                    

Colette's POV

Ayan! Kuhaan na ng card! Excite naman ako! 

"Nakuha ko na yung card ko,Kunin mo na yung sayo dun." sabi sakin ni Justin hawak hawak yung report card niya. Tinignan ko nga.. 

Aba.. Lahat A, isa lang B Hmp. Malay mo ako lahat A. Chos. Tara na nga at makuha ko na ang card ko. Pagpunta ko dun sa place kung saan kukunin yung card ay ang haba naman ng pila,ineng. oh oh. Edi pumila nalang ako sa likod nung nakapila... 

5 minutes later...

Ay jusko magchichismisan pa yung parent at adviser ko. Nakakaasar naman oh. Ang usapan namin nila Blake 2:30pm magvi-videochat kami eh.

Mukhang matatapos na magusap yung parent na nasa harap ng lalaking nasa harap ko. Shiit. 2:26pm naa. 

Sabihin ko kaya sa lalaking nasa harapan ko na mauna muna ako? Ay ang kapalmuks ko naman ano.. Hayaan mo na nga.

*tok tok* (kalabit yan ano ba. XD)

Ay hindi ako pinansin? Aba. Bastos to ah.

*tok tok* (kalabit uli yan XD)

Aba,Hindi talaga ako pinapansin..

"Kuya.." 

No response

Hay nako. Dahil sa desperada na talaga ako ay pumunta ako sa harap niya. Wew. Nakashades si kuya. Taray! Beach lang? 

Napatingin naman siya sa akin kaya nagsmile ako. Siya? Pokerface. -.-

"Uyyy!" sabi ko dun kay kuya. 

Hindi ako pinansin. Oo nga pala,Naka-earphones siya kaya hindi niya ko madinig.

Tinanggal ko yung earphones niya kaya napatingin siya sa akin.

"Ano ba?! Anong kailangan mo sa akin?!" napaatras tuloy ako kasi parang galit siya.. Hindi lang parang. Galit talaga.

Tinanggal niya yung shades niya... O.O

"IKAW?!" sabay naming sabi. Siya?! Yung lalaking nahulog galing sa puno at napilayan?!

"Anong problema mo ha?" tanong niya

"Wala naman,Kung pwede lang sana paunahin mo muna ako sa  pila kasi nagmamadali talaga ako eh." Please. Please. Please.

"Paano kung ayaw ko?" >< Nakakaasar ha. Akala mo kung sino. Hmp.

"Edi wag!" Hmp. Pakipot! Paepal! Papogi! Pacute! Pautot! Leche! Arte arte tinatanong ng maayos tapos ganun yung sagot! Hi--

"Chill... Hahahaha. Namumula ka na eh." napatingin ako sakanya... Grrrrrrrrrrrr. Pigilan niyo ko! Nakakainis yung mga ngiti  niya! Nakakaasar! 

Hindi ko siya pinansin. Bahala siya. Hindi ko siya pipilitin. Ano sya? Sineswerte? Magmamakaawa pa ko para lang paunahin ako? Pwe!

Napatingin ako sa relo ko. 2:36 naaaaa!!!!!!!!!!!! 

Parang kakainin ko ata yung sinabi ko kanina na hindi ako magmamakaawa sakanya.. 

"Sige na pleeeeaaaasseee! Ako nalang jaaaaan!!!!! Pleeeaaseeeeee!!!" pilit ko sakanya. Okay. Ako na ang pathetic. 

"Hmmmm..." sabi niya at hawak hawak niya pa yung baba niya na parang nagiisip. Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Lalaki ang ulo. Yabang!

"Give me 10 reasonable answers." Huh?? Eeehhhhh.

"Uhh. Magskskype pa kami ng barkada ko!" tapos tinaas niya yung index finger  niya meaning nun number 1.. 

"9 more..." 

"Ano ba yan! Yan lang naman ehh." 

"Magsk-skype kayo ng barkada mo?" tanong niya uli. Tumango ako.

"O maglalandian kayo ng syota mo?" Abay gago to ah.

*BOOGSSH*

Nakita ko siyang napaupo sa sahig. 

Sinuntok ko sa mukha eh. Aba'y sinong hindi magagalit diyan! Kung makapagsalita akala mo kung sino! 

"For your information! Wala akong syota okay?! Akala mo kung sino k--"

"WHAT'S HAPPENING HERE?" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Journey of the 9 FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon