My Unknown Crush

69 5 0
                                    

Mahirap humanga sa isang

taong hindi ka naman kilala,

Sabi nila para ka lang tanga kung magsasayang ka lang ng pagod para sa kanya, eh hindi kadin lang naman nya napapansin.

Pero mas mahirap humanga sa isang taong hindi mo naman kilala, at pinag-aaksayahan mo ng effort para makita sya araw-araw.

**1**1**1**1**

Mhira's POV:

Nakakahiya !! Nakakaasar !! Nakakabadtrip !! Grr ..

Kanina ko pang gustong sumigaw pero tae naman, andito ko sa tindahan namin. Ayaw kong gumawa ng eksena, mamaya sabihin ng kapitbahay may nag-aaway dito tapos tatawag ng mga barangay tanod tapos tatanungin ako kung anong nangyayari tapos ang sasabihin ko lang: "wala po, nakakahiya po kasi kanina kay crush yung nangyari eh." edi malilintikan ako nyan sa loley ko. tsk. tsk. kaya pinili ko nalang na manahimik.

Bat naman kasi .. argh. nakakaasar talaga !

Alam nyo ba yung salitang ''Nakakahiya'' ? yun yung nararamdaman ko ngayon eh, may halo pang ''nakakabadtrip'' at ''nakakaasar''. Hays.

Bat ba kasi ang bingi ko? Pero hindi naman kasi talaga ako bingi eh, sya itong mahina yung boses =_= Kalalaking tao napaka-hinhin. Psh. (Sinisi ko pa daw)

Pero lahat naman nung sinabi kong nararamadaman ko ay may halong kilig kahit papano XD

"Mhira! Ikuha mo nga ako ng sibuyas jan sa tindahan!"

Agad naman akong kumuha ng sibuyas at inabot kay lola. Nagluluto kasi sya kaya ako ang bantay sa tindahan. Saktong bibili si Crush na si Mangot ;) Hindi nya real name ang Mangot, yun lang yung ginawa kong pangalan nya kasi di ko naman alam talaga name nya eh, tapos lagi pa syang naka siMANGOT. Kaya ayun, sya nalang si Mangot. Familiar din muka nya sakin pero hindi ko maalala kung sino. Basta familiar.

"Pabili nga pong Fudgee barr"

"Ilan?"

"Mhira asan yung gunting natin?"

Makasigaw naman 'tong pinsan kong nakakatanda sakin, akala mo may katulong eh.

"Ayan oh. Tutuklawin kana." sabay turo ko dun sa gunting na sobrang lapit na nyang mahawakan.

"Ilan nga ulit na fudgee barr?"

"Isa lang po." sabay abot ko ng fudgee at abot naman sakin nung bata yung bayad.

Hays! ibang klase talaga pag nagtitinda ng ganto, iba-ibang tao makakausap mo kasi malamang bibili, iba-iba ding ugali, at iba-iba ding expression ng muka makikita mo. tsk. tsk. pero okay lang sakin, syempre dito ko lang sya nasisilayan eh, at pirs taym pang tindahan ko sya kanina, poknat! eto na naman yun nararamdaman ko. tsk. Ganto kasi yung nangyari:

*flashback*

"Mhira, maiwan muna kita dyan sa tindahan, ikaw muna magbantay dahil magluluto pa ako ng hapunan natin."

"Opo, lola."

Pagkaalis ni lola para magluto ay saktong dating naman ni Mangot >·< Shemay! Ang gwapo talaga ng nilalang na ito, fit pa yung suot na damit, tas 3/4 na puti. Sheez,,, bibili sya ng mineral, kaya tinawag ko si Mhaki (kapatid kong bunso, dalawa lang kaming magkapatid) para buhatin yung tubig at isalin yung tubig sa lalagyanan ni Mangot, saktong may sumabay na bumili kaya hindi ko sya masilayan >¤<

"Ate Mhira, may bibili po."

Nakakaasar!! Minsan na nga lang yan bumili sakin eh, di ko pa ba lulubus-lubusin?

"Lima ngang ube-langka miss." - sabi nung isa pang nabili. Lichi, panira ng moment. :3

Binigyan ko na sya nung binibili nya at inabot na sakin yung bayad. At syempre si Mangot nalang yung natitirang customer... Ihh!! Lumalandi na naman si Mhira -,- Minsan lang 'to, pagbigyan nyo na.

My Unknown Crush (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon