ILYPLMT:9

17 3 0
                                    

VOTE • COMMENT • SHARE • FOLLOW PLEASE

-------

*Kriiiiiinggggg!!!!* [AN: alarm clock po yan. hehehe]

Nagising ako sa alarm na yun. Tinignan ko yung oras. Ghaaaaad!!! 5:00 am palang, 9am pa ang pasok ko ah. Bakit ang aga nag-alarm nito??!

Nagdecide akong matulog ulit since maaga pa naman.

--

('Cause I knew you were trouble when you walk iiiin!)

Urgggh!!! ang aga sino ba yung tumatawag??! Sinagot ko na kahit di tinitignan kung sino yung tumatawag.

"Hello?"

"Hello mo your fes! Babaita ka, where na ba you?? Ano, pa-special ang peg? Hoy Sam! Ngayon ang first presentation para sa Research Paper natin! Baka gusto mong gumora ditey bago ka namin na masapok hane ine??!"

"Sh*t!!"

At tuluyan ng nagising ang diwa ko sa tawag ni Fernie. Ghaaaash!! 9:10 na pala.

Naligo agad ako at nag-ayos. Di ko akalain na kaya ko pala mag-ayos ng 30mins lang. Nakakaloka!

Nagdrive agad ako. Buti at hindi traffic. After 313913 years, Joke! After 20mins, nandito na ako sa University. Agad akong tumakbo papunta sa room namin na nasa 3rd floor -____-

Pagkadating ko sa room. Nakayuko akong pumasok at tumabi sa mga kaibigan ko. phew! Buti di ako nakita ni Sir!

"Hoy Babae! San ka nanggaling ha? Bakit ngayon ka lang??!" bungad ni Irina.

"Ha? Basta, mamaya na ako magk-kwento. Nga pala. Tayo na ba ang magp-present? Ready na ba kayo?" with matching hingal kong sagot.

"Ha hindi na---"

"Okey Masscomm students. Quiet!! As I was saying, next meeting na natin itutuloy ang presentation nyo since may emergency meeting ang CAL faculty. I'm giving you another chance para mas pagandahin yan. Okey?? And gaya ng sabi ko kanina, you have a new classmate, a transferee, so please maging considerate and friendly kayo sa kanya." huminto sya saglit at lumabas.

"Whaaat??! Bakit di nyo agad sinabi?? Alam nyo bang super nagmadali ako?? Halos banggain ko na lahat ng nakasalubong ko! Wow as in WOW!!"

Super shocked ako! Gaaaahd!

"May problema ba Miss Reyes? Pwede bang wag sumigaw?" nakabalik na pala si Sir. "anyways, so sya ang inyong new classmate. He's from California kaya medyo late enrolee sya. Young man, kindly introduce yourself."

"Hoy Samantha! Bakit di mo kami sinabihan na lilipat pala sya dito, at classmate pa talaga natin ah." -Odrey

"Ow-em-gee!! Nandito sya para sa akin! Sabi na eh, ma-iinlove sya sa kamandag ng dyozza fes ko!" -Fernie

Lalo akong nashock! Bakit nandito sya? Wag nyong sabihing...

"Hi! I'm Samson Peter Sandoval" yan lang sinabi nya tapos ngumiti hindi sa klase kung hindi.. sa akin.

"Okey Mr. Sandoval, since wala namang proper seating arrangement kaya umupo ka sa kahit saang bakanteng upuan dyan." pagkasabi ni Sir noon, tumingin sya sa relo nya. "Okey, 11am na pala. I have to go, may meeting kami. So class, don't forget yung presentation ah. You may now go. Goodbye"

Pagkaalis na pagkaalis ni Sir. Lumapit agad sa akin si Samson.

"Hi Bheb. So classmates na tayo. Isn't it exciting?"

"Ano bang kalokohan ito Samson?? Talaga bang wala kang balak patahimikin ang buhay ko??"

"Woah! Relax Samantha. Sila Mom at Mommy mo ang may gusto nito. Don't blame me." *smirk*

"Samantha, Babe. Kilala mo sya" biglang litaw ni Dale sa tabi ko. Lalo akong na-i-stress!

"Unfornately, yes. But we're not close. Tara na nga Dale" hinatak ko si Dale palabas. Mukang napansin nyang na-badtrip ako kaya di na sya umimik at nagtanong pa.

"Haaaay... Ayokong nakikitang nakakunot yang noo mo. Papanget ang girlfriend ko eh. Smile ka na dali tapos treat kita nang favorite mong ice cream" *pout* .pambabasag ni Dale sa katahimikan. Natawa naman ako, para kasing bata yung kausap nya tapos naka-pout pa. Parang ewan lang. Haha. "Ayan! Mas gusto ko yung nakangiti ka o tumatawa. Lalo kang gumaganda" sabay kiss nya sa lips ko pero smack lang. "Tara na! Libre kita ng ice cream, yung favorite mo."

H-H-W-W ang peg namin. Ang sweet talaga nitong si Dale. Masaya ako na boyfriend ko sya kahit na di ko naman sya talaga mahal. So far, nakakagaan sya ng loob.

------

[AN: Sorry po! Ngayon lang po ako nakapag-UD. Medyo busy po kami. Tsaka ang daming kaganapang di maganda ngayon dito Bulacan. Lalo na po sa school namin.

PLEASE PRAY FOR BULACAN!

PLEASE PRAY FOR BulSU!

Thank you! GOD BLESS US!!]

I Love you, Please Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon