ILYPLMT:5

19 3 0
                                    

Napakaaga kong pumasok. Ayoko kasi sa bahay. Kanina pa ako naiinis kay Mommy...

**flashback**

Nagbe-breakfast kaming tatlo nila Daddy...

"Hija anak, dumating na ang fiancé mo kahapon from California. Alam kong di mo sya pupuntahan sa kanila kaya ako na lang ang nagpapunta sa kanya. Dito sya magdi-dinner kasabay natin", si Mommy yan -___- lagi nya na lang ini-insist ang tungkol sa fiancè ko "daw" na inarrange lang naman niya.

"Gagabihin ako ng uwi. Di ako dito magdi-dinner." -ako

"Dito ka kakain ng hapunan. At pag sinabi kong dito, DITO! wag mo akong hamunin Samantha! Anak lang kita!" Nagtaas na ng boses si Mommy. Gusto nya sya lang talaga ang masusunod. Si Daddy tahimik lang.

"Psh! Like I have a choice. Papasok na ako" tumayo na ako. Wala na din naman akong gana kumain.

"Wag kang bastos young lady! Bumalik ka dito!"

**end of flashback**

Pag dating ko sa room namin, nadatnan ko agad si Dale mag-isa sa loob. Buti na lang at nandito na ito.

"Hi there pretty!" bungad nya sa akin at agad akong hinalikan. Ganto talaga si Dale, boys will always be boys.

We were about to make out nang biglang dumating ang mga magaling kong kaibigan, "Whoa! Get a room love birds."

Napakamot na lang ng ulo si Dale at umayos na kami ng upo. Aish! nabitin ako dun. Lalo tuloy uminit ang ulo ko.

Di na lang ako kumibo pagkatapos noon. Badtrip na ako at ayokong madagdagan ang inis ko.

Mabilis natapos ang 1st at 2nd subject namin para sa araw na ito. Noong 3rd subject na, nag- announce ang aming president na suspended na ang class dahil may biglaang Faculty meeting ang College department namin.

"Ang korni naman! Sinisipag pa naman akong mag-aral." sabi ni Odrey.

"Gala tayo! Ayoko pang umuwi eh. San ba magandang pumunta?" tanong ni Allyson

"Akekay maganda at may alam me kung saan din maganda mag-gowlalu!" psh. ang arte magsalita nitong si Fernie.

"Saan Bakla???"

"Sa bahaylalu nila Samantha! right gurlzzz?"

Oo nga, maganda ang idea ni Fernie. Sa amin na lang nang malibang ako.

"Alright. Sa bahay na lang namin tayo tumambay."

Nagpunta kami sa bahay namin. Sa may pool na kami dumiretso.

"Manang, pakidalan ho kami ng meryenda. Salamat po" utos ko sa aming yaya.

Nakaupo ako sa may pool side ng biglang *Chup* . May humalik sa pisngi ko mula sa likuran. Alam nyo yun, yung nasa likod sya tapos kiniss ako sa right cheek, ah basta yun na yun.

Napasimangot at kunot ang noo ko nang malaman ko kung sino yun.

"Hi Bheb! you miss me??"

"Anong ginagawa mo dito?!" anong ginagawa ni Samson dito sa pamamahay namin ngayon?!

"Relax! pinapunta ako dito ni Tita, di mo ba alam?" sagot nya ng nakangisi pa.

"WHAAAT???!!" gulat ko.

"Oh Samson, hijo, nandito ka na pala. May bisita pa ang anak ko. Dito muna tayo sa loob ng bahay, nagpahanda kami ng asawa ko ng meryenda." si Mommy yan, biglang dating at tinawag si Samson. Buti na lang pumasok na sila ng g*gong yun sa loob.

"Bakla ka! Bakit ganun ka dun sa Fafa na tumuka sa pisngi mo? Sino ba iyonchi? Ang hotlalu ah!" -Fernie

"Sya yun, si Samson, ang first love ko at greatest heartbreak. Sya ang fiancè ko."

--

[AN: isang mahabang pagbabalik tanaw sa next chapter :) ciao!]

I Love you, Please Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon