Chapter 1

4 1 3
                                    

Isang matinis at nakakabinging sigaw ang narinig ko sa hallway ng school. Nilingon ko kung sino ang tumatawag sakin, pagkakita ko yung bestfriend ko lang pala.

"Wahh bes! May good news ako! Omo!"

"Oh? Anong nangyari sayo? Kung makasigaw ka naman, haler nandito lang kaya ako sa tabi mo"

Papunta kaming cafeteria ngayon kasi lunch break na, habang naglalakad papunta dun, daldal pa din siya ng daldal. Nang may nakita kaming vacant seat dun na kami umupo.

"So ganito kasi gun bes, mag coconcert ang pinakamamahal kong EXO!"

"Then? Anong kinalaman ko diyan?" tanong ko naman sa kanya

"Samahan mo ako please?"

"At bakit aber?"
Nag pout pa siya "Di kasi ako papayagan ni daddy na pumunta kung wala akong kasama"

"So isasama mo ako?"

"Exactly! Sige na bes, please?" at nag puppy eyes pa talaga

"Sige na nga, as if I have a choice" Pagkasabi ko nun, niyakap niya pa talaga ako

"Wahh thank you talaga bes, alam ko naman kasi na hindi ka mahilig sa mga ganun, but you choose na samahan ako" ngiti-ngiting sabi niya.

"Yeah yeah" and I rolled my eyes

"Kelan ba yan?"

"Next week, sa Saturday 5 p.m" sagot nito

"Ok, sunduin mo na lang ako sa bahay"

"Okay" sabi nito

Pagkatapos namin mag-usap tungkol dun, pumunta na akong counter at nag-order. Pagkatapos kong makuha ang tray ng pagkain bumalik na ako sa upuan namin.

"Bes, naka bili na ako ng ticket, 2 VIP" sabi nito at ngiting-ngiti pa din.

"Adik ka talaga sa kanila noh?"

"Yes naman!" proud na proud na sabi niya.

Saturday

So, ito na nga ang araw na hinihintay ng bestfriend ko. Ano ba ang nakita niya sa EXO na yan at baliw na baliw ito? 3 p.m pa lang pero nakabihis na siya, maya-maya narinig niya ang mama niya na tinatawag siya pababa.

"Nak, nandito na si Aira" sabi nito

"Pababa na po ma" sagot naman niya

Pagbaba niya sa, nakita niyang nag-uusap ang dalawa. Nilapitan niya ang mga ito.

"Naku Aira! Mabuti naman at isinama mo itong si Mace, kundi magmumukmok na naman yan sa kwarto buong maghapon"

"Oo nga po tita eh" sagot naman nito. "Oh, nandyan na pala siya, sige tita aalis na po kami, promise po uuwi kami ng maaga"

"Naku ok lang, sige baka ma late pa kayo"

"Sige po tita,babye" at nauna na itong lumabas.

"Aalis na po kami ma" sabi niya sa ina at humalik sa pisngi nito

Hidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon