Ngayon na ang araw ng kasal ng kuya ni Aira, magkasama kami ngayon na inaayusan sa isang hotel
"Wahh! I can't believe parin talaga, yung pinapangarap ko lang noon makakasama ko na ng malapitan ngayon" di makapaniwalang sabi niya
"Move-on move-on din pay may time bes" sabi ko sa kanya
Maya-maya natapos na din kami, ang ganda ng pagkaka-ayos nila samin. Para akong koreana
"Ang ganda mo bes" sabi ni Aira
"Maganda tayo" at tumawa lamang ito
Papunta na kami sa venue ngayon, pagdating namin namangha ako sa design and decorations nung wedding. Mula sa table and chairs, flowers and even the venue. It looks simple but elegant
Umupo na kami sa assign chair namin malapit sa table ng parents ng bride and groom
Maya-maya nag start na, sabay na lumabas ang bride and groom. Wow! Ang ganda naman nung bride, si Aira naman Panay ang lingon kung saan na parang may hinahanap
"Looking for someone bes?"
"Hinahanap ko kung nandito ba yung ibang members ng EXO" sagot naman niya habang patuloy pa din sa paghahanap
Itinuon ko na lang ang pansin sa harapan, ang sarap nilang tignan. Kelan kaya ako makakahanap ng lalaki na mamahalin ako at mamahalin ko ng pang habang buhay?
"You may now kiss the bride" sabi naman nung nagkakasal sa kanila
"Ayiiieeee" sigaw naman namin ni Aira
Itinaas nito ang belo at hinalikan ang asawa. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa nasaksihan nila
Pagkatapos nun, umupo na ang bride and groom then the emcee said na may isang kakanta
"Let's all welcome, Mr. Park Chanyeol!" at nagpalakpakan ang mga tao
"Wahh bes! Si Chanyeol, wahh dream come true talaga ito" at pinaghahampas pa talaga niya ako, mabuti at tinigilan niya na ako ng mag umpisa na ang kanta. Ayun, kinukunan niya yung Chanyeol daw
Tumingin na lang ako sa unahan, ang ganda naman ng boses niya. Maya-maya naramdaman kong tinatawag na ako ng kalikasan kaya nagbanyo muna ako sandali at nagpaalam kay Aira
Ni hindi man lang niya ako nilingon at tutok na tutok pa din sa unahan
Mabuti na lang at nahanap ko ka agad ang banyo, nag retouch na din ako pagkatapos at lumabas na
Paglabas ko, may nabunggo pa ako
"Oh, I'm so sorry" page hingi ko ng tawad at nag bow
"No, It's okay" sabi naman nito, nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang mukha nito
Ang gwapo naman nito, mukhang Adonis
"You, are you okay?" tanong naman nito
"Y-yes I'm okay" at na uutal pa talaga ako, sa sobrang hiya dali-dali akong naglakad papalayo
Pagdating ko sa table, iba na yung kumakanta at may nakahanda nang pagkain
"Oh, san ka galing?" tanong naman ni Aira sakin
"Sinabi ko na magbabanyo ako diba?" tong babae talagang toh, napaka kalimutin
"Yan kasi, kakatutok mo kanina yan sa kumakanta" sabi ko naman sa kanya
"Ahehe sorry naman po" at kumain na lamang ito
Pagkatapos ng kainan, time na para sa paghagis ng bouquet. Ayaw ko pa sanang sumali kaso pinilit na din ako nila Aira