Mace POV
Maaga akong gumising ngayon dahil may pasok pa ako sa trabaho, nagtatrabaho ako sa isang café malapit sa bahay. Actually walking distance lang kaya minsan nilalakad ko lang ito kapag maaga pa.
Naligo na ako at nag-ayos, pagkatapos bumaba na ako para mag-agahan. Nakita ko si mama na naghahanda na"Good morning ma" sabi ko sabay halik sa pisngi nito
"Good morning nak, halika kumain ka na" sabi naman nito
Kumain na nga kami, pagkatapos kumain nagpaalam na ako kay mama na papasok na
"Aalis na po ako ma" sabi ko sa kanya
"Sige anak, mag-iingat ka" sabi naman nito
"Opo ma" tugon ko at humalik sa kanya bago umalis
Nilakad ko na lamang dahil maaga pa naman, atsaka malapit lang din naman. Pagdating ko sa café nagbihis na agad ako ng uniform at pumwesto sa counter, cashier ang trabaho ko dito.
Pagkaraan ng ilang oras, dumami na ang mga costumers kaya hindi na din magka-undagaga ang mga waiter/waitress sa pag-aasikaso sa mga costumers.
Habang busy ako sa counter, narinig ko na parang may nabasag at nag-sisigaw. Kaya tinignan ko ito, pagkakita ko nakita kong pinupunasan ng isang waitress ang damit ng babaeng costumer."Look what you made to my dress!? Didn't you know na mas mahal pa to sa buhay mo?" sigaw ng costumer
"Sorry po talaga ma'am, di ko po sinasadya" pagpaumanhin naman ng waitress
"Sorry? May magagawa ba ang sorry mo?" sigaw ulit nito dito
Sasampalin na sana ng costumer ang waitress pero mabuti na lang at nahawakan niya ang braso nito bago pa dumapo ang palad nito sa waitress.
"Let go of me, you bitch!" sigaw nito sa kanya, pero di niya ito binitawan
"Hindi sa lahat ng oras costumers are always right, oo nagkamali siya at nag sorry naman siya, oo nagtatrabaho lang kami pero wala kayong karapatan na tratuhin kami ng ganyan" tinignan niya ito mula ulo hanggang paa "Mukhang mayaman ka naman pero yung inaasal mo mas sobra pa sa daga, hindi ka ba tinuruan ng good manners and right conduct nung bata ka? Tsk so pathetic" at binitawan niya ito at hinila ang waitress na napagalitan.
"Salamat talaga Mace ha? Kung di dahil sayo baka nasampal na ako nun" sabi ng waitress sa kanya, which is kaibigan niya din sa café.
"Dapat lumaban ka, matuto ka ding lumaban at ipaglaban ang dignidad mo. Ito na nga lang ang meron tayo hahayaan mo pang tapak-tapakan ng iba" sabi ko naman rito
"Hindi naman kasi ako kasing tapang mo"
"Wala sa tapang yan, we have rights para ipaglaban ang karapatan natin, ano pa't naging Democratic country tayo" sagot niya naman dito"Wahh salamat talaga" at yinakap siya nito. Nung kumawala na ito sa yakap saka nila naisipan na bumalik sa labas. Mabuti na lang paglabas nila wala na ang babae at nalinis na din ang kalat kanina.
Sehun POV
Gusto ko ng bubble tea kaya naghanap ako ng café na meron. Pumasok na ako at umupo, nag-order. Pagkadating ng order ko tinikman ko na ito. Hmm ang sarap naman ng bubble tea nila dito. Habang tumitingin-tingin ako sa labas narinig ko na parang may nagsisigaw, mukhang natapunan ng waitress ang babaeng costumer
"Look what you made to my dress!?" Didn't you know na mas mahal pa to sa buhay mo?" sigaw ng costumer
"Sorry po talaga maam, di ko po sinasadya" pagpaumanhin ng waitress
"Sorry? May magagawa ba ang sorry mo?" sigaw ulit ng costumer. Sasampalin na sana niya ito ng may pumigil sa kamay ng babae.
"Let go of me, you bitch!" galit na sigaw nito.
"Hindi sa lahat ng oras costumers are always right, oo nagkamali siya at nag sorry naman siya, oo nagtatrabaho lang kami pero wala kayong karapatan na tratuhin kami ng ganyan" at dagdag pa nito "Mukhang mayaman ka naman pero yung inaasal mo mas sobra pa sa daga, hindi ka ba tinuruan ng good manners and right conduct nung bata ka? Tsk so pathetic" at binitawan niya ito at hinila ang waitress na napagalitan.
Woah what a brave girl you got there! Yung costumer naman dali-daling lumabas ng café na nanggagalaiti sa galit. Pagkaalis niya, nilinis naman ng ibang crew yung kalat.
Inubos ko na ang bubble tea ko at lumabas. Bumalik na ako sa hotel namin at na abutan kong nagkukulitan si Chen at Xiumin, tong dalawang to ke aga aga naglalandian.
Maya-maya lang uuwi na din kami, at maghahanda pa para sa mga next scheduled na mga gawain namin.Mace POV
Nakaka stress talaga ang nangyari kahapon, mabuti na lang talaga at nagawan ko ito ng paraan. Nandito ako ngayon sa library at nag-rereview for our upcoming finals.
Wala si Aira ngayon dahil may meeting sila sa isang club na sinalihan niya.After lunch break namin, bumalik na ako sa room namin. Pagdating ko doon mabuti na lang at wala pa ang prof.
Maya-maya dumating na ito at nagsimula ng mag discuss. Hay antagal naman matapos ng klase.
After 123456789 years, mabuti at natapos din ito. Niligpit ko na ang mga gamit ko at dali-daling lumabas. Pauwi na ako, pagdating ko sa bahay nakita kong nagluluto pa si mama ng pagkain namin para mamaya.
"Good evening ma" sabay halik sa kanya
"Oh anak, nandyan ka na pala. Magbihis ka na doon at malapit na itong maluto"
"Opo ma" at umakyat na nga ako, nagbihis na nga ako at nag open ng fb account ko. Scroll up scroll down lang, nang ma bored nag out na lang ako at nagbasa ng libro.
Wahh nakakaiyak talaga tong I love you since 1892. Kelan pa kaya ako makakahanap ng own Juanito Alfonso ko? Mabuti na lang at tinawag na ako ni mama. Kaya bumaba na ako.
"So nak, how's your day?" tanong ni mama
"Ok lang po ma, medyo stress lang dahil malapit na ang finals namin. Malapit na din kasi ang graduation" sagot ko dito
"Auh ganun ba, oo nga pala noh? Naku gagraduate ka na pala nak, parang kelan lang uhugin ka pa" at tumawa pa ito
"Wahh si mama talaga"
"Joke lang nak auh, pero kahit ganun thankful pa din ako dahil napaka bait mong bata, hindi ka nagpapabaya sa pag-aaral mo"
"Si mama talaga pinapapaiyak na naman ako, mas thankful ako dahil ikaw ang naging mama ko. Kinaya mong ang lahat at pag-aralin ako kahit wala na si papa" sabi ko na naluluha
"Oh siya, basta ayusin mo lang ang pag-aaral mo dahil yun lang ang maibibigay kong yaman sayo" dagdag pa nito
"Opo ma, I love you" sabi ko at tumayo ako para yakapin siya
Pagkatapos ko siyang yakapin bumalik na ako sa upuan ko at pinagpatuloy ang kain ko.Ako na ang nagligpit at naghugas ng mga pinggan dahil alam kong pagod din si mama, ayaw pa nga niya pero nagpumilit talaga ako.
Pagkatapos kong magligpit at naayos na ang lahat umakyat na ako at naghanda para matulog, and before I sleep I pray na sana maging maayos ang lahat.