"Sorry natagalan ha"
'Are you and shawn in a relationship?'
"Carmela"
' Carmela.... Carmela,your name suits you. Full of Innocence and no width of malice.'
Gosh. Full of innocence? Hindi naman ako ganun ka inosente ah?! Ano ako bata? Ano ba kasi ang pinagsasabi nun? At isa pa, wala talagang bahid na malisya sakin ano! Bat ko naman lalagyan ng malisya ang simpleng bagay?
"Nabored ka ba? Medyo napasarap yung pagshower ko e hahaha"
' You'll get it soon. For now, just stay innocent and nice. Sige na, magshoshower na ako. Ang baho ko na, nakakahiya sayo'
Eh bakit soon pa?! Pwede namang ngayon na kung pinaliwanag niya lang sana! Haynako, kailangan talaga pahirapan pa ako? Etong si von ang weird din pala paminsan minsan. May pa stay innocent innocent pa! Tingin talaga sakin nun walang kaalam alam sa mundo? Jusko.
"Carmela okay ka lang ba?"
Sigh. "Pa mysterious effect pa. Ano ako manghuhula? Tsk." Pahirapan pa?
"Ha? Sino bang kaaway mo?"
"Ay anak ka ng--!" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa gulat ng mapagtantong narinig ni shawn ang sinasabi ko. "Kanina ka pa ba jan?" Tanong ko.
"Kanina pa kita kinakausap at kanina mo pa ko di pinapansin na nakatingin pa jan sa libro mo na para bang ang lalim ng iniisip mo. Sino bang kaaway mo?" Nagaalalang tanong nito.
"Ha? Eh, ano, wala, eto kasing character dito sa libro nakakainis andaming secret hehe" pagpapalusot ko at agad na inilagay sa bag ang libro ko at agad ikinubli sa balikat ko.
"Character? Eh? Statistics yang libro mo ah?" Nagtagakang tanong ni shawn
Nanlaki ang mata ko at agad nagisip ng maipapalusot.
"H-Hindi naman yun yung sinasabi ko. Y-Yung binabasa ko kanina ang tinutukoy ko! Tara na nga! Dami mong tanong e"
Nagtataka man ay wala nang nagawa si shawn kundi sumunod sa akin. Bwisit! Bat ko pa kasi iniisip yun? Napahiya na nga ako kanina kasi baliktad yung libro ko ngayon naman statistics pala yung kanina ko pa pinipilit basahin.
"Okay ka lang ba talaga?" Muling tanong ni shawn habang patungo kami sa parking lot.
"Oo naman. May iniisip lang" sagot ko rito upang mawala ang pagaalala sa kanyang mukha.
Nang makarating kami sa parking lot ay agad kaming sinalubong ni mang rene, ang driver ni shawn sapagkat 18 pa lamang siya at wala pang lisensya sinabihan din siya ng parents niya na papayagan lang siya magdrive pag 21 na siya kaya nagtitiis na lamang siya sa paghahatid at sundo sa kanya.
"Magandang gabi iha, iho" bati ni mang rene at agad binuksan ang sasakyan.
"Magandang gabi din po" bati namin ni shawn bago tuluyang pumasok.
![](https://img.wattpad.com/cover/121661583-288-k477985.jpg)
YOU ARE READING
A Good Girl's Revenge
Fiksi PenggemarCarmela is known as an Intelligent student in their school. She prioritize her studies than having those oh so called 'relationships' she studies for her parents. For them to have time with her. Then suddenly a boy came into her life and make her fa...