Unfaithful#5

478 24 1
                                    

"What is this place ?" Nagtatakang tanong ko kay gio, nandito kami sa isang lugar na punong puno nang kubo yung mga bata ang dudungis , madumi at parang hindi naliligo dahil sa hitsura nila, tapos yung mga kinakain pa nila gross mahilig ako sa mga bata oo pero hindi yung ganto nasan ba yung mga magulang nila at pinababayaan sila ?

"Mr aragon , sigurado ka ba na dito tayo mag sho-shoot wala naman magandang view dito ah " sabi ko sakaniya ano bang problema nang lalaking to? Kanina pa ako salita nang salita dito pero hindi niya ako sinasagot patuloy lang siya sa paglalakad na akala mo walang naririnig binaba ko ang gamit na dala dala ko saka hinarangan ko ang dinadaanan niya at pagtingin ko sakaniya napa face palm nalang ako nang makita kong naka earphone pala siya, tsk kaya naman pala inalis ko ang earphone niya saka tinaasan ko siya ng kilay

"Kanina pa ako salita nang salita dito ! Naka earphone ka pala !"

"Kaya nga ako nag earphone para di ko marinig yung pangit mong bosses " sagot niya pabalik sakin napanganga naman ako dahil don saka nilingon ko siya , mag sasalita pa sana ako kaso bigla nalang nagtakbuhan ang mga bata papunta sa gawi niya saka siya niyakap nang mahigpit , kitang kita ko ang saya sa mata niya ng makita niya yung mga bata walang pinagbago. Mahilig parin siya sa mga bata

"Tatay sino siya? " tanong ng isang bata, napatingin naman silang lahat sa gawi ko pero teka ? Anong tawag nila kay gio ? Tatay ?

"Oh, this is my personal assistant Christiana laxamana, " what the personal assistant ?!!!!!

"Hoy ! Personal assistant mo mukha mo ! Sa tingin mo ba maniniwala sila sayo sa ganda kong to ? Magiging personal assistant mo tsk " inis na banggit ko sakaniya saka ko siya inirapan ,

"Wag kayong lalapit diyan shes a badgirl " napalaki ang mata ko dahil sa sinabi niya

"Hahahahaha badgirl " tawa naman ng mga bata

-

"Ito ang tutulugan mo , kasama mo dito si rosana at rosalie " sabi ni gio sakin

"Seriously ? Dito ako matutulog?" Di makapaniwalang tanong ko sakaniya habang nakatitig sa papag na may isang kumot at unan, seriously ? Wala bang kama dito ? Walang electricfan at aircon ? Ang buong akala ko fresh air ang malalanghap ko dito yun pala dirt air with dirt people tsk

"Teka nga , ang akala ko ba trabaho ang pinunta natin dito ?" Tanong ko ulit sakaniya nag cross arms siya saka niya ko kinunutan nang noo

"Trabaho ? At sino naman nag sabi sayo niyan ms laxamana ? Nandito tayo para mag pahinga , " sabi nito,

"M--mag pahinga ? Nahihibang kana ba talaga ?! Mag papahinga ka lang pala dinamay mo pa ako !" Inis na sabi ko sakaniya pwede naman siyang mag pahinga sa condo niya ah , pwede naman siyang mag out of town sa magandang lugar yung comportable siya pero bakit sa lawak nang pinas ay dito pa kami napadpad

"Wag ka nang madaming arte, btw mag pasama ka na lang kay rosalie at rosana sa ilog kung maliligo ka na " WHAT THE FUCK !!!!! I--- ilog ?!!!!

"Thats it mr aragon , aalis na ako dito kahit hindi ka kasama " sabi ko sakaniya at kinuha ang mga maleta ko, hinarangan niya ang dinadaanan ko

"You know the contract ms laxamana naka pirma ka na don , at pag may nilabag ka ni isa don sa kulungan ang bagsak mo at hindi ka makakalaya kahit gamitin mo ang napakarami mong pera, " sabi niya puta naman oh!!! Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa sinabi niya oo gusto ko siyang makasama nang kaming dalawa lang pero hindi sa ganitong sitwasyon napabuntong hininga nalang ako wala na naman akong laban sakaniya eh

"Good girl " sabi niya at pinat niya ang ulo ko na parang aso, good girl pala ah tinuhod ko ang private part niya dahilan para mapadaing siya sa sakit at mapaluhod lumapit ako sakaniya saka pinat ang ulo niya

"Good boy " pang iinis ko saka lumabas na nang kubo arggg !!! Hindi ako makapaniwala na nangyayari sakin to ngayon !

-
"I--ito lang ba ang daanan ? Wala na bang iba ?" Kinakabahan na tanong ko habang nakatingin sa tulay na akala mo babagsak na dahil luma luma na ang kahoy, pag katapos naming mag pahinga mag tutungo daw kami sa farm para daw makalanghap ako nang sariwang hangin tsk,

"Nasan na ang tapang mo ms laxamana , tara na " mapang asar na sabi ni gio sakin arggg gumaganti to sakin dahil sa ginawa kong pag tuhod kanina sakaniya inirapan ko nalang siya at humawak sa lubid napatingin naman ako sa baba, at napapikit nalang ako dahil sa lula, shutangina naman ohhhh !!!!! Simula nang mangyari ang trahedyang last 2 years ago naging matatakutin na ako sa mga ganito , dahil nawala sakin ang taong pinag huhugutan ko nang tapang at lakas

"Okay ka lang ba ms laxamana gusto mo bang tulungan na kita ?" Tanong niya at nag lakad palapit sakin dahilan para umuga yung tulay

"W--wag!!! Diyan ka lang ! Wag ka nang gumalaw kaya ko na ito " sabi ko habang nakahawak sa lubid at nag simula na ulit mag lakad

"Okay " sabi niya at tumalikod na sakin nakahinga naman ako dahil don,

"Sigurado ka ba talagang kaya mo na ?" Baling niya ulit sakin at inuga uga niya yung tulay dahilan para mapakapit ako nang mahigpit sa lubid

"O--oo m--mauna ka na nga !" Kinakabahan na sabi ko sakaniya narinig ko naman ang malakas niyang pagtawa takte sabi na nga ba at pinag tri-tripan ako nang lalaking to, naramdaman ko ulit ang pag uga ng tulay dahil nag lalakad siya palapit sakin

"Come here ms laxamana, hold my hand " seryosong sabi niya at inilahad niya ang kaniyang kamay sakin , muli akong napatingin sa baba mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa lubid , mula nang mawalan nang malay si hank sa bisig ko natakot na ako, natakot na akong mamatay , naramdaman ko ang paghawak ni gio sa baba ko at iniangat niya ang mukha ko dahilan para mag tama ang mata namin

"Just look at my eyes ms laxamana, " sabi niya at dahan dahan niyang inalis ang kamay kong nakahawak sa lubid saka niya to hinawakan nang mahigpit, nakatingin lang kami sa isat isa habang nag lalakad, ngayon nararamdaman ko na hindi dapat ako matakot mahulog sa tulay na to, na di dapat ako matakot kay kamatayan dahil kasama ko ang lalaking anghel nang buhay ko

Walang iba kundi si hank, siya talaga si hank, hindi nag kakamali ang puso at alam ko na nararamdaman niyang mahalaga ako sakaniya

-
"Dahan dahan lang po at madulas " sabi ni mang berto siya ang tagapangalaga nang farm , tsk hindi lang madulas ang dinadaanan namin maputik din

"Hindi pa ba tayo babalik sa kubo mr aragon?" Tanong ko kay gio, nakakainis naman kasi eh ang putik na kaya nang paa ko kadiri !!

"Bumalik ka na kung gusto mo !" Sigaw niya sakin nasa taniman kasi siya nag tatanim sa putikan hindi ko alam na marunong pala siyang mag ganto, tsk dahan dahan naman akong nag lakad papunta sakaniya hanggang sa madulas ako at mahulog sa putikan nag tawanan ang mga bata, at shempre nakisali na rin si mr aragon the great !!!!

"Arg!!!!" Inis na sabi ko at sinuntok ko ang putik nakakainis naman tong buhay na to !! Bat ko ba to nararanasan ?! Ang baho baho ko na !

"Need help?" Tanong ni gio sakin at nilahad niya ang kaniyang kamay need help pala ah , inabot ko ang kamay niya na nakalahad sakin saka malakas ko siyang hinila dahilan para mapahiga din siya sa putikan, ngumisi lang siya sakin

"Ahhh ito ang gusto mo ah " mapang asar na sabi niya saka niya pinunasan nang putik yung mukha ko ganun din ang ginawa ko sakaniya , punasan lang kami nang punasan at tawanan lang kami nang tawanan, hanggang sa bumuhos na ang malakas na ulan tumayo ako saka binato nang putik si gio , nag simula na akong tumakbo palayo sakaniya

"Bumalik ka dito ms laxamana hindi pa tayo tapos !" Natatawang sigaw niya, nag belat ako sakaniya saka siya tumakbo nang mabilis, tatakbo na sana ako kaso bigla niyang hinila ang braso ko at hiniga sa putikan habang siya ay nasa ibabaw ko ngumisi siya at pinag dikit ang noo namin , ngumiti nalang ako sakaniya ,

Sa wakas naranasan ko ulit ang maging masaya  sakaniya ko lang talaga nararamdaman ang saya sa  buhay ko






























Ate cham note : Mr and Mrs putikan hehehe










Vote comment and be my little chammy

TBD#2-  The Unfaithful Life ON HOLDWhere stories live. Discover now