Unfaithful #7

482 21 1
                                    

Patrice POV

"Hayy miss ko na si ashter " bulong ko sa sarili ko, its been 2 months simula nang umalis siya nang bansa. Ang sabi niya sandali lang siya don at hindi mag tatagal, sabi niya babalikan niya ko agad pero bakit hanggang ngayon wala parin siya ? Madalang lang kami mag ka usap sa skype twice a week lang madalas saglit lang kami nag kakausap dahil palaging may sagabal

Nag away pa nga kami bago siya umalis nang bansa isang tatlong araw rin kaming walang usap at pansinan nun kasi nga biglaan ang pag alis niya nang bansa at sa iba ko pa nalaman, kaya mas lalo akong nainis hayyy miss na miss ko na siya ang hirap nang may ka LDR Nohh shempre hindi mo maiwasan ang mag isip nang negatives, sa LDR talaga kailangan malaki ang trust niyo sa isat isa dahil kung hindi palagi kayong mag aaway at mag tatalo hanggang sa tumungtong na sa break up

Buti pa si carl at marian kasal na. Buti pa si arian at ken palaging mag kasama dahil nasa iisang companya lang naman sila , si tiana ewan ko ba don kung ano nang nangyayari sakaniya , binuksan ko yung laptop at nag simula na kong tawagan si ashter

At buti sinagot niya ang akala ko sasalubungin niya ako nang masaya katulad nang ginagawa niya sa tuwing tumatawag siya sakin, pero mali ako nakasubsob siya sa papel tutok na tutok siya sa kung ano mang iginuguhit niya

"I miss you love " malungkot na sabi ko sakaniya napatingin siya saglit sakin at ipinag patuloy niya ang pag dra drawing

"I miss you too " simpleng sabi niya nangangayayat siya ah , medyo lumaki rin yung eye bags niya ,

"Kumain ka na ba ? Anong oras na ba diyan ? " tanong ko sakaniya

"Hindi pa ako kumakain , mag uumaga palang dito " sagot niya habang nakatingin parin sa papel niya

"Kailan ka babalik dito ?" Nakita ko na natigilan siya dahil sa tanong ko, napabuntong hininga siya saka napahawak sa sentido niya na parang maraming iniisip, bat natigilan siya sa tanong ko?

"May kailangan akong sabihin sayo " seryosong sabi niya sakin ewan ko ba nakaramdam ako nang kaba dahil na rin sa seryoso nang bosses niya

"A--ano yun "

"Hindi ko alam kung kailan ako babalik diyan " sabi niya nanlumo naman ako dahil don,

"A--akala ko ba babalik ka p--para sakin ?"

"Babalik naman ako pero hindi ko alam kung kailan , just wait okay "

"Aabutin ka ba nang ilang months ? Nang taon ? O baka naman diyan kana titira ? May hindi ka ba sinasabi sakin ashter ?" Hindi ko alam pero yan agad ang mga tanong na nabuo sa isip ko, sa 2 months palang kaming LDR ganito na ang sitwasyon namin , paano pa kaya sa mga susunod na araw ? Buwan ? At taon ? Parang di ko na kakayanin

"Im doing this for us pat, for our future "

"no! Your doing this for yourself because this is your dream right ? Sino ba naman ako para pigilan ka diba " ewan ko pero naiiyak ako sa sitwasyon namin ngayon, miss na miss ko na siya gusto ko na siyang yakapin

"I have no tim--" hindi ko na siya pinatapos pa ,dahil alam ko na ang sasabihin niya

"Talaga ashter, alam ko na wag mo nang ipamukha pa sakin na wala ka ng oras pa para sa relasyong ito , mag sama kayo nang pangarap mo tutal diyan ka naman masaya diba ? Goodbye " sabi ko sakaniya mag sasalita pa sana siya kaso bigla ko nang pinatay ang laptop ko ayoko nang marinig pa kung ano ang sasabihin niya , ayokong humantong pa kami sa pag hingi nang space o sa break up hindi ko kaya, mahirap talaga kalabanin ang pangarap , shempre pangarap yun at ikaw girlfriend lang , madali lang mag hanap nang girlfriend pero ang pangarap hanggang abot kamay mo na kailangan kailangan abutin mo na , hayyyy

TBD#2-  The Unfaithful Life ON HOLDWhere stories live. Discover now