SIX

39 6 0
                                    

Extra work

---------------------------------------------------------

Bumaling si Kz sa kaliwa niya Na wari'y aburido na to. Kaya humarap na lang to,tinaas ang dalawang kamay nito sabay ang paglagay nito sa ulunan na atimo'y ginawang una ito. Habang nakatingin ito sa kisame.

Maya maya umalingawngaw ang tunog ng alarm clock nito hudyad na umaga na at kelangan na nito kumilos papasok sa opisina.

Bago man matapos tumunog ang alarm clock bumangon na siya at kinuha to at binatay.Humarap siya sa salamin at sinuri ang mukha napailinh na lang siya ng makita niya ang mga mata niya na kita ang itim nito sa ilalim ng mata.

Kinuha niya ang twalya niya at pumasok na sa c.r ng matapos na maligo nagbihis siya at humarap ulit ito sa salamin. Nagbuntong hininga siya bago kinuha ang foundation niya.

Hindi nito alam kung pano tatakpan ang eyebag niya dahil sobrang lalim at itim nito. Ang totoo niyan hindi lang naman siya nakatulog buong gabi dahil sa boss niya na ginugulo ang isip nito. Hindi nito maisip kung bakit hanggang ngayon ginugulo ang isip nito kahit na sinabi nito sa sarili kalimutan na at isipin na walang nangyari ganon.

Ng matapos na ito mag-ayos bumaba na ito at umupo sa lamesa.

"ohh ang aga mo yata Kz?".bungad nito sa anak habang nilagay ang kanin sa lamesa.

Nabigla pa si Kz sa pagdating ng nanay nito sa harap niya dahil sa lalim ng iniisip nito. Napatingin siya sa nanay nito at kumuha ng baso at mga sanggap para sa kape.

"For the change po!". sagot naman ni Kz.

Agad naman nito hinigop ang mainit niya kape at pumigit ito na wari'y napakalma siya ng kape ininom niya.

"Nakatulog ka ba Kz ng maayos?".pagtatanong ng nanay niya.

Napatingin naman si Kz sa nanay niya habang nakakunot ito ng noo. Halatang nabigla si Kz sa tinanong ng nanay nito hindi niya kasi akalain na magtatanong ito ng ganon. Lalo na alam niya hindi naman talaga siya nakatulog ng maayos. Alam ng ina ni Kz ang nangyari noon pero kung maari ayaw niya na to sabihin at ungkatin pa pagkakamali niya un kaya ayaw niya pa idamay ang nanay niya dito. Problema niya to kaya siya ang gagawa ng paraan.

Agad naman siya kumuha ng kanin at nilagay to sa plato. "opo naman, bakit po?". pilit na tawa sabi nito.

"wa-wala napansin ko kasi bukas ang ilaw mo kagabi".patuloy ang pagsabi nito habang nakatingin parin ito sa anak.

"ahh. yun po ba. nakalimutan ko lang po patayin".pagsisinungaling nito.

Ng matapos na to kunain humalik siya agad sa ina nito at umalis na.

Hindi siya nahirapan sumakay dahil sa maaga siya umalis sa bahay hindi tulad dati na tanghali na halos nakikipagmarathon pa nga siya sa mga lalaki para habulin ang bus para lang mahabol ang oras at hindi malate.

Agad naman siya nakarating sa opisina ng halos walang hussle. Pagpasok nito sa lubby ng opisina nakita niya pa ang mga janitor na nag map pa ng sahig at ang mga tao sa front desk ay nagsisimula palang magsidatingan. Napangiti na lang siya sa sobrang pagkaaga niya pala.

Pumasok na ito sa elevator, pinindot niya na ito at unti unti na to nagsasara ,ng isang kamay ang huminto sa pagsara, dahilan naman para bumukas ulit to. Nagulat pa nga si Kz sa hindi niya inaasahan ginawa ng lalaki na akala mo mapuputol na ang kamay nito pero mas laking gulat niya sa lalaki pumasok sa elevator. Napalaki pa to ng mata sa sobra gulat. Agad naman ngumiti ang lalaki ng pilyo bago pumasok ng makita si Kz.

Napalunok na lang si Kz dahil ang akward ng pakiramdam na sila dalawa lang ang nasa loob ng elevator hindi pa siya makagalaw dahil sa kitang kita ang reflection nila sa loob isang tingin lang nito kitang na ng lalaki kasama niya. Wari'y nasa impyerno na naman sa sobra init at kaba nararamdaman niya. halos dahan na nga ito lumunok para lang hindi marinig ng lalaki katabi niya para hindi lang mapansin nito ba hindi siya kumportable.

My BITTERSWEET LOVESTORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon