FANGS OF AN ALPHA 22: REIGN

3.2K 118 1
                                    

Tatlong araw na mula ng iwan ko si Lucien, sina mama at papa, yung kambal, si Lily at si Tita. Mali yata ang naging desisyon ko sa pagsama dito kay Crate pero di bale, at least alam kong hindi na niya sila gagambalain pa. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit simula ng dumating ako dito sa tinitirahan ng pack niya ay hindi niya magawang basahin ang nasa isipan ko kasi nahahalata ko iyon sa panay na pagtanong niya sa akin. I mean, it's a good thing thou atleast hindi niya malalamang hindi siya ang naiisip ko kundi si Lucien pero kasi wala naman akong ginawang kahit na ano para hindi niya mabasa ang nasa isip ko.

O baka unconsciously, ayaw kong malaman niya na kaya lang ako sumama sa kanya ay dahil hindi sa narealized ko na siya ang aking mate kundi dahil ayaw kong mawalan ng pack si Lucien kapag nagkataon na traydurin niya ako at ang napag usapan namin. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang mga nangyari ng gabing iyon na parang kanina lang. Sa totoo lang, mahirap paniwalaan na si Crate ang tatay ni Lucien. Iyon siguro ang dahilan kung bakit may nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Siguro that feeling is called awkwardness. Syempre, hello? Sino bang hindi makakaramdam ng awkwardness na ang lalaking naka fling mo sa bar sa city ay ang siyang tatay ng pinakasalanan mo. Speaking of kasal namin ni Lucien ay balak nitong si Crate na pakasalanan din ako which is nung sinabi niya iyon sa akin ay halos mabulunan ako. Like, di ba siya nakakaramdam ng awkwardness dahil ang taong pakakasalanan niya ay una ng pinakasalan ng anak niya?

"Tangina, boring." bulong ko sa sarili ko dahil magmula ng dumating ako ay nakakulong lang ako dito sa bahay ni Crate at wala akong ibang ginawa kundi ang umupo, kumain, matulog at hintayin siya at makipag usap sa kanya tungkol sa plano niya sa kanyang pack. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ako mapalagay sa kanya kahit na sabihin nating siya ang mate ko. Ewan ko ba. Nagaadjust pa siguro ako.

May mga times na sinubukan kong basahin ang iniisip ni Crate pero sadyang hindi ko magawa. Puta. Anong silbi ko bilang moonwalker?

Gustuhin ko man na tumakas kahit saglit lang para tignan ang kalagayan ng mga taong mahalaga sa akin ay hindi ko magawa dahil bantay sarado ng mga tauhan niya ang labas ng bahay. Minsan naiisip ko na parang hindi mate ang dating ko dito kundi preso na may high value dahil sa trato nila sa akin. Psh. Buti pa nung nasa side ako nila Lucien.

Kamusta na kaya siya? Naka recover na ba siya? Naghilom na ba ang mga sugat niya gaya ng kay Tita Asther? Sina mama at papa? Miss na kaya nila ako at nagaalala pa rin ba sila sa akin? Si Lily at Aries? Yung kambal? Hay, hindi ko na talaga alam ang ginagawa ko.

"El." dinig kong tawag ni Crate sa likuran ko kaya nilingon ko siya mula sa kinauupuan ko sa gilid ng bintana.

"Hmm?" tanging sagot ko.

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang kaliwang pisngi ko.

"Pasensya ka na at kailangan pa nating maghintay para sa susunod na kabilugan ng buwan para maikasal tayo. H'wag kang magalala. Sisiguraduhin kong nanduon ang lahat kapag kinasal tayo para malaman nilang ikaw ay akin."

"Nanduon din ba sina mama at papa?"

Lumunok siya at bumigat ang kanyang paghinga sa naitanong ko. Uh-oh. Mukhang sa kanya namana ni Lucien ang pagiging short tempered.

"Pati si Lucien ba ay gusto mong nanduon din?" isang mapaklang ngiti ang ibinigay niya sa akin.

"H-hindi naman sa ganuon Crate. ." syempre, bakit ko gugustuhin na makita si Lucien duon? I mean, duh. Parehas lang kaming masasaktan. Ay, ako lang pala.

"Then what? Ang pack ko lang ang dapat nanduon. Sorry pero hindi ko hahayaan na may pumigil ng ating kasal kaya walang kahit na sinong malapit sa iyo ang makakapunta. Matagal kitang hinintay kaya hindi ako papayag na matagalan pa ang pagme-mate natin." may halong inis sa tono ng pagsagot niya sa akin kaya natahimik nalang ako.

FANGS OF AN ALPHA (BL•LUNA SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon